top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LANDBANK: NO ‘AYUDA’ IN PHILSYS REGISTRATION CENTERS

November 18, 2021



The Land Bank of the Philippines (LANDBANK) wishes to clarify that the LANDBANK cards being provided for free to unbanked national ID registrants, with no initial deposit required, are not pre-loaded with government subsidy or ‘ayuda’.


The statement comes after crowds expecting for financial assistance turned up at various Philippine Identification System (PhilSys) registration centers due to false information circulating online.


LANDBANK is co-locating with the Philippine Statistics Authority (PSA) in the PhilSys rollouts nationwide to provide unbanked registrants with their own transaction accounts to bring more Filipinos into the formal banking system in support of the National Government’s financial inclusion agenda.


PhilSys registrants without a bank account are encouraged to open a LANDBANK transaction account. The LANDBANK card can be used to conveniently manage funds and make financial transactions such as withdraw and send money, shop and pay bills online, among others.


As of 31 October 2021, LANDBANK has onboarded 6.14 million unbanked PhilSys registrants for their own transaction accounts from 1,296 registration sites in 62 provinces nationwide.


###


LANDBANK: Walang ‘ayuda’ sa PhilSys registration centers


Nilinaw ngayon ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) na ang mga LANDBANK cards na ibinibigay nang libre at walang kinakailangang paunang deposito sa mga nag a-apply para sa national ID, ay walang kasamang tulong pinansyal mula sa pamahalaan o ‘ayuda’.


Ipinahayag ito ng LANDBANK matapos na dagsain ng mga taong umaasang makakatangap ng ayuda ang iba't-ibang Philippine Identification System (PhilSys) registration centers dahil sa maling impormasyon na kumakalat online.


Ang LANDBANK ay nakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa sa implementasyon ng PhilSys sa buong bansa upang bigyan ang mga nag-apply para sa national ID na wala pang bank account ng kanilang sariling transaction account. Ito ay upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng access sa iba’t-ibang produkto at serbisyong pampinansyal, at bilang pagsuporta sa layunin ng ating pamahalaan na mas palawakin pa ang financial inclusion sa bansa.


Patuloy ding hinihikayat ang mga PhilSys registrants na wala pang bank account na magbukas ng LANDBANK transaction account. Ang LANDBANK card ay maaring gamitin para mas madali ang mag-ipon at gumawa ng pinansiyal na transakyon tulad ng mag-withdraw at magpadala ng pera, mag-shopping at magbayad ng mga babayarin online, at madami pang iba.


Nitong ika-31 ng Oktubre 2021, nasa 6.14 milyong PhilSys registrants na ang na-onboard ng LANDBANK makatanggap ng kanilang sariling transaction account mula sa 1,296 registration sites sa 62 probinsya sa buong bansa.

10 views0 comments

Comentarios


bottom of page