September 2, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Usaping bakuna po muna tayo. Dumating sa bansa kagabi ang 703,000 doses ng Pfizer vaccine.
As of September 1, 2021, ayon sa NTF mayroon na tayong 52,603,760 vaccines na dumating sa Pilipinas.
Nasa 32,050,400 dito ang binili ng pamahalaan.
Samantala, nasa 3,617,100 dito ang na-procure ng mga lokal na pamahalaan at LGUs.
Nasa 13,297,120 ang COVAX Donation.
Habang nasa 3,639,140 ang donasyon galing sa ibang mga bansa.
Good news. 3 milestones po ang nairecord natin kahapon sa ating pagbabakuna. As of September 1, mayroon na tayong 34,112,320 total vaccines administered. This is the first milestone.
Pangalawa, mayroon na tayong 20,002,404 ang naka-first dose. This is 25.93%.
Samantala, nasa 14,109,916 ang fully vaccinated. This is 18.29%. That is the 3rd milestone.
Kung titignan n'yo po sa Metro Manila, ang ating first dose ay 7,158,800 na na equivalent to 73.23%. Ayan po ay base sa 70% population ng Metro Manila.
Ang ating full dose ay nasa 4,157,092. That is 42.52%.
Ang total doses administered po natin sa Metro Manila ay nasa 11,315,892 at ang ating average (daily jabs sa Metro Manila) po ay 125,912.
Alam n'yo ba na sa 280 COVID-19 patients na na-admit sa PGH ay wala ni-isa sa kanila ang na-intubate o nilagyan ng tubo. Wala ring fully vaccinated ang nasa life support system sa kanilang ICU.
Ito po ang ranking ng Pilipinas sang-ayon po sa Johns Hopkins. Naku, tumaas po tayo sa total cases. Number 14.
Dr. Alethea De Guzman - Director, DOH Epidemiology Bureau:
Simulan ko po dito no? Base po sa total ng mga samples na ating na-sequence, nakita natin na ang top 3 ng mga variants ay una, ang Beta comprising of almost 24% of the samples. Sumunod po ang Alpha at 21.5% at pumapangatlo naman ang Delta at 16%.
Isa pa lang po ang nahahanap natin na Lambda variant case.
Ganunpaman, kapag tinitignan natin ang bawat linggo, nakita po natin ang pagtaas ng mga proportion ng mga samples na sini-sequence natin.
Base po sa mga datos, 'yong mga samples po na na-sequence or nakolekta natin mula noong June, 6% pa lang dito ang mga Delta.
'Yong mataas na porsyento ng nagpopositibo sa Delta ay maaring overestimate, dahil ang kinukuhaan natin ng samples ay mga lugar na may spike at kung saan na mas mataas ang probabilidad na mag-positibo para sa mga variant of concerns.
Ganunpaman, nakakita man tayo ng community transmission sa NCR at sa Region IV-A, tayo ay naging maagap at hindi pa man natin nakikita ang pagtaas ng Delta cases e nag-implement na tayo ng enhanced response.
So pagdating sa Delta, mayroon na lang tayo kaisa-isa rehiyon, ang BARMM na hindi nakikitaan ng kaso ng Delta.
Ang Mu variant ay una pong na-report sa Colombia nitong Enero ng taong ito. Karamihan po ng mga kaso na narereport ay galing sa South America at Europe.
Ang ikalawa na nababalita rin ay ang C.1.2 variant. Una po siyang na-indentify noong Mayo lang. Galing po siya sa lineage na C.1.
Nahanap na rin ito (variant) sa South Africa, Europe, Asia at Oceania.
Sa bawat linggo mula nang tayo'y unang biglang tumaas ang kaso noong dulo ng Hulyo, nagtatala tayo ng bagong peak sa kada linggo.
Emi Calixto-Rubiano Mayor, Pasay City:
Ngayon po sa Pasay City, 'yong ayuda po ay naka-98% (ang naipamahagi na) dahil po may mga naka-lockdown na mgga barangay... 2 lang naman po at 'yon din aming mga social workers at sa aming ibang mga empleyado ay naka-quarantine kaya medyo bumagal kami.
Pero po, imimeet po namin 'yan na talagang maibigay sa lahat ng mga nangangailangan.
Ngayon naman po sa aming pagbabakuna, nasa 80% kami.
Ngayon po, nasa isang barangay na lang ang 33% ang populasyon niya na nabakunahan based on our target population na 70%.
34%-49% mayroon na po kaming madaming mga barangay ang 43% (ang nabakunahan na)
Sa 100% (na bakunado na) mayroon kaming 24 barangays.
Comments