top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

PHILHEALTH, SAGOT NA ANG CARTRIDGE-BASED PCR TESTS

June 17, 2021



Upang lalong mapalakas ang testing capacity ng bansa, inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sasagutin na nito ang cartridge-based polymerase chain reaction o PCR tests ng mga miyembrong sasailalim sa nasabing pagsusuri sa SARS-CoV-2 alinsunod sa panuntunan ng Department of Health (DOH).


Batay sa PhilHealth Circular No. 2021-0003 na inilathala kamakailan, ang bagong benepisyong ito ay nagkakahalaga ng P1,059 hanggang P2,287 na direktang ibabayad sa mga accredited na laboratory gaya ng sumusunod:


Ang mga miyembrong magpapa-test gamit nito ay sasagutin ng PhilHealth kung sila ay kabilang sa alinmang sub-groups ng “at risk” individuals na nangangailangan ng SARS-CoV-2 testing alinsunod sa DOH Memorandum No. 2020-0258-A. Kabilang dito ang may mga sintomas at history ng paglalakbay o contact; walang sintomas ngunit may history ng paglalakbay o contact sa mga taong may high exposure; contact-traced individuals; healthcare workers; at iba pang vulnerable na pasyente tulad ng mga buntis, immunocompromised at mga pasyenteng nagda-dialysis; Overseas Filipino Workers na nagbabalik bansa, at frontliners kabilang ang mga kagawad ng mass media.


Ayon pa sa PhilHealth, ang mga miyembro ay hindi dapat singilin ng co-payment o karagdagang bayad sa itinakdang pakete, maliban kung ang pasyente ay gumamit ng karagdagang serbisyo tulad ng online appointment, drive-thru, home service at iba pa.


Para sa karagdagang impormasyon, maaaring i-download at basahin ang kabuuang guidelines sa https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2021/circ2021-0003.pdf o magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth.

7 views0 comments

Comments


bottom of page