top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

DCPM MAS PINALAWAK; P6.3 BILYON BAYAD NA SA MGA PASILIDAD

June 28, 2021



Hinikayat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga health care facilities (HCFs) na nasa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 na tinukoy ng Inter-Agency Task Force / National task Force Against COVID-19 (IATF-NTF) na mag-avail na ng Debit-Credit Payment Method (DCPM).

Ipinatupad ng PhilHealth ang DCPM upang mapabilis ang pagbabayad nito ng claims reimbursement sa mga pasilidad upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng serbisyong medikal sa gitna ng pandemya. Unang pinatupad ang DCPM sa mga pasilidad sa National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.

Ayon sa huling tala noong Hunyo 14, 2021, nakapagbayad na ng mahigit P6.3 bilyon ang ahensiya para sa kabuuang 206 ospital sa pamamagitan ng DCPM.


Alinsunod sa IATF Resolution Nos. 121, 118-A, 116-C, 114-C, 114-A at 113-A, s. 2021, pinalawak pa ng PhilHealth ang DCPM sa mga sumusunod na lalawigan at lungsod:


Ang mga interesadong HCFs sa mga nabanggit na lugar ay dapat magsumite ng Letter of Intent sa PhilHealth Regional Office na nakasasakop sa kanilang lugar upang makatanggap ng agarang reimbursement sa ilalim ng DCPM.

Batay sa PhilHealth Circular No. 2021 – 0006, ang DCPM ay para lamang sa in-process claims na isinumite mula Marso 8, 2020 hanggang Abril 7, 2021, samantalang ang mga claims na binalik sa ospital, denied, iniimbestigahan, at mga naaprubahang mabayaran mula Abril 7, 2021 ay hindi na kasama sa DCPM.

Ang mga pasilidad ay dapat ding may claims para sa COVID-19, walang balanse sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) batay sa record, at hindi suspendido ang accreditation sa pagitan ng Marso 8, 2020 hanggang Abril 7, 2021.

7 views0 comments

Comments


bottom of page