February 23, 2021
Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Sheriff Abas - Chairman, COMELEC:
On filing of certificate of candidacy: Ang itinakdang petsa niyan ay October 1 to 8. This is initial because titignan pa natin ang magiging kalendaryo rin ng ating Congress.
Automated pa rin tayo (next elections) makina pa rin ang gagamitin natin.
As of the last election, we have 160 partylist ang na-accredut natin at na-allow na tumakbo. Out of 160 (party-list), 39 noon ay na-delist kamakailan.
121 na lang ang ating partylist na accredited. But open na rin ang COMELEC sa mga panibagong accredidation o re-registration ng mga partylist.
Sa lahat ng mga nagpapa-accredit na partylist, 20% lang ang na-approve.
On campaign guidelines by COMELEC: Ongoing pa rin ang proseso riyan dahil hinihimay pa halos lahat ng protocols. Siguro nga end or last quarter ng taong ito.
Iyong lumalabas na iba-ban ang face-to-tace campaign, ito'y nga kuro-kuro lang o opinyon ng iba nating opisyal. As to the official policy of the COMELEC, wala pa tayong inilalabas.
Dr. Maricar Ang - Head, Task Force COVID-19 Adverse Effects:
Ang mga severe na allergic reactions, rare lang 'yon.
Sa Pfizer (vaccine), 5 in 1 million ang anaphylaxis. Sa Moderna, around 2.5 or 2.8 per million.
Sa pagkakaalam ko, mild to moderate side effects ang common sa Sinovac. There has been no recorded anaphylaxis sa kanila based sa World Allergy Organization na position paper.
From what I've heard and read, mas mataas ang efficacy ng Sinovac sa healthy individuals 18 to 59 years old.
On what is common vaccine side effects: Masakit ang site ng injection... usually nawawala naman 'yan in 1 to 3 days.
On systemic side effects of vaccines: Pwedeng lagnatin o manghina ang katawan, headache. It should go away in a few days.
Itong mga side effects kung lumabas man, saka natin gagamutin.
Expected ang side effects kasi you're stimulating your immune system kapag binigyan ka ng bakuna.
Totoong pwedeng lumabas ang side effects kapag nakauwi na kayo sa bahay. So may instructions na ibinibigay sa mga nabakunahan kung kailan tatawag sa kanilang doktor at kailan babalik sa hospital.
Allergic reactions can happen within 4 hours after vaccination. Pero ang side effects, pwedeng kinabukasan pa. But usually, kapag medyo matagal na ang interval, usually they are milder.
Mas malaki ang benepisyo na magpabakuna kaysa ang risk ng adverse reactions.
Dr. Butch Ong, OCTA Research Group:
Ang trend natin since January ay flat. Ibig sabihin, ang ating number of new cases ay hindi umaakyat at hindi rin bumababa. Nitong bandang weekend lamang ay nakakita ng bahagyang pag-increase ng number of new COVID cases.
Nakakita tayo ng pag-increase sa NCR, sa Cebu, sa Baguio, and northern provinces.
Tamang-tama rin naman ang pahayag na hindi muna mag-open up or mag-ease ng restrictions ng quarantine dahil nakakita tayo ng bahagyang pag-increase.
This is a timely, responsive move na hindi muna mag-open ng industries.
This is one of the factors na ina-attribute namin kung bakit tumataas ang number of cases.
Marami na talaga ang lumalabas sa bahay, going back to work. Mobility is also a factor.
Kapag ang R naught ay 1.0, ang isang pasyenteng may COVID-19 ay makakahawa ng isa pa. Kapag ang R naught ay 2, ang isang pasyente ay makakahawa ng 2.
Comments