February 12, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Sec. Harry Roque, Presidential Spokesperson:
Pinapayagan na sa mga lugar na nasa GCQ ang religious service na hanggang 50% ng seating or venue capacity simula sa Lunes, February 15.
Ang umiiral po sa ngayon ay 30% seating capactiy lamang.
Kabilang sa inaprubahan ang operation expansion ng driving schools, cinemas, video and interactive game arcades, libraries, archives, museums, cultural centers, meetings, incentives, conferences and exhibitions, limitadong social events at accredited establishments ng DOT.
Inaprubahan din ang muling pagbubukas ng limited tourist attractions tulad ng parks, theme parks, natural sites at historical landmarks.
Ang mga nasabing negosyo at industriya ay kailangan pa ring mahigpit na sumunod sa minimum health standards ng DOH.
Sa iba pong balita, may clarification lang po tayo. Bagama't ang Pangulo po ay nagsabi na hindi dapat ipatupad ang motor vehicle inspection, kinakailangan pa rin pong mag-submit ng either emission clearance o MVIS.
Ang mabuting balita po ngayon ay alinsunod sa naging order po ng ating Presidente, ang mga operators ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabi na ang singil nila ay kapareho lamang ng emission test na P600.
So for P600 po habang panahon ng pandemya, ang inyong sasakyan po will be subject to 73 road-worthy inspection check.
Dahil nakikita natin na hindi naman tumataas ang ating attack rate at hindi naman masikip ang ating hospitals o pagamutan. Walang problema pagdating sa utilization rate.
Alinsunod ito sa katotohanan na kinakailangan nating magbukas pa ng ekonomiya dahil kinakailangan magkaroon ng karadagdagang hanapbuhay ang ating mga kababayan.
Elaboration on cinemas: Gaya ko po ng nasabi ko, naaprubahan na po 'yan kaso this is subject to guidelines to be issued not only by the Department of Health but also the local government units. Sigurado po 'yan, nand'yan po ang social distancing at maging ang susuotin habang nanunuod ng sine. Antayin na lang po ang detalye na ipapalabas tungkol d'yan.
Para po ito sa GCQ areas ito.
Patuloy po ang pagpaparating natin ng mga baboy galing sa Visayas, Mindanao, at ibang parte ng Luzon na hindi apektado ng ASF.
Ang certification is guarantee sa mabilisang pagpasa. Ang epekto lang po ng certification ay we do away with separate readings on 2nd and 3rd readings.
Ang mas importante po ay ang mensahe ng Presidente sa Kongreso na ito ay urgent at priority administration bill dahil kung wala po ito baka maantala ang pagdating ng COVAX facility.
Dalawa ang pwedeng isumite — iyong emission na dati na, or MVIS. Hindi pwedeng wala ang pareho.
Hindi magtataas ng presyo ang mga MVIS, kapareho lang ng isinisingil ng mga emission centers sa P600.
Iyan ang naaprubahan ng IATF. It is subject to the final guidelines to be issued ng DOH at LGUs. Ang effectivity nito will be the fifteenth of February.
Asec. Girlie Veloso - Project Head, Malasakit Center:
Sometime in 2017, then Special Assistant to he President now Sen. Bong Go discussed on how to give under one roof various medical assistance to selected hospitals.
On February 12, exactly 3 years today, the country's first ever Malasakit Center established in Vicente Sotto Memorial Medical Center in Cebu City.
Ang RA 11463 or the Malasakit Center Act of 2019 was signed by President Duterte last December. 2019.
It was a campaign promise of Senator Bong Go who is also the primary author and sponsor of the bill.
Malaking bagay na naisabatas ang Malasakit Center para kahit matapos na ang termino ni Presidente Duterte ay patuloy pa rin ang pagtatayo ng Malasakit Centers sa pampublikong hospital.
Tulong-tulong ang mga ahensyang ito para maisakatuparan ang ating layunin na zero balance, wala nang babayaran ang mga pasyente.
Pwedeng lumapit ang mga poor and indigent patients. Ito iyong mga talagang walang pambayad.
Maari ring lumapit ang mga financially incapacitated. Ito ang mga pasyenteng wala nang pambayad.
Lahat ng dumudulog sa Malasakit Center ay i-interviewhin muna ng medical social workers para i-asses kung anong tulong ang maaaring ibigay.
Pagkatapos nito ay gagabayan ang pasyente or representative para lumapit sa 4 na ahensya (DOH, PCSO, DSWD, PhilHealth) para ibigay ang tulong.
Basta po may sakit at nangangailangan, pwede pong lumapit sa Malasakit Center. Ang hindi lang po pwede sa Malasakit Center ay ang mga bayarin para sa cosmetic procedures.
We already opened 101 Malasakit Centers. Despite of the pandemic, mayroon po tayong nabuksan na 40 Malasakit Centers sa taong 2020.
Ngayong 2021, mayroon na tayong 5 Malasakit Centers, a total of 101 Malasakit Centers nationwide.
Malaki ang maitutulong ng Malasakit Center sa ating vaccine rollout para makadagdag ng vaccine confidence sa ating mga kababayan. At kung magkaroon mang side effects ang mga bakuna, nariyan naman ang Malasakit Center na pwede nilang lapitan.
Abraham Kahlil Mitra - Chairman, GAB:
Maaga pa po or after mga few months after the pandemic, napakinggan po natin ang mga hinaing ng ating mga atleta na gusto sana nila mag-resume.
Of course they understand na may problema sa COVID pero talagang livelihood e.
Gano'n po e nag-propose po tayo sa IATF na i-resume ang basketball, football pati na rin boxing.
Nagpapasalamat naman tayo sa IATF na pinakinggan nila. Huminto lang po ng kaunti dahil lang po kay Sec. Briones na sinabi na ang bilis-bilis namin.
Ito ang hanapbuhay nila. Kung mayroong "no work, no pay" ito naman "no play, no pay"
Naka-resume na ang PBA sa Clark, Chooks-to-Go, Philippine Football League, National Basketball League, and so on and so forth.
Inaayos na ang online renewal ng licenses... Mayroon ding mobile licensing.
Sa ngayon, mayroon nang mga proposed amendments to the JAO.
Hinihintay pa natin ang approval ng DOH at saka ng PSC. Okay na sa GAB iyan. Ibinabalangkas lang ang mga liga na sakop ng JAO at pati ang definition ng professional athlete.
Napakalaking tulong po ni Sen. Go sa larangan ng sports. Aside sa pagbigay ng ayuda sa mga boksingerong walang mga laban ay in-increase rin po ang budget ng PSC at GAB under his chairmanship.
Sa ngayon, under the IATF guidelines, only professional leagues and national players are allowed to resume practice.
Gusto rin po natin bigyan ng chance ang collegiate athletes natin na makapaglaro. That's why gumawa po ng special guest license ang GAB.
We're calling on our league officials and athletes to please don't put your guard down. Just because mayroon nang bakuna na parating ay magre-relax na tayo.
Sa amateur leagues, hintayin lang natin, tayo ay sumusunod lamang. Kapag sinabi ng IATF na hindi lang professional league at hanapbuhay ang pagbibigyan, go na rin kayo.
Comments