April 23, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
500,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno, dumating na sa bansa.
COVID-positivity rate ng bansa, nananatiling mataas.
Asec. Rosalinda Bautista, PSA:
Sa buong Pilipinas, dinivide kasi namin ang pagpaparehistro sa 3 steps. Step 1: Ito 'yong may mga nagbabahay-bahay, kinokolekta ang demographic information, bibigyan sila ng schedule kung kailan sila pupunta sa registration center para kuhanan ng biometric information.
Step 2: Ito 'yong pupunta na sila sa registration center at kukunin ang biometric information. Pagdating naman sa step 3, ito 'yong hihintayin na nila 'yung kanilang ID kasi na-generate-an na sila ng PhilSys number.
'Yong step 1, inumpisahan namin ito, October last year at from October to December, nakapaglista na kami ng 10.6 million
January to March this year, nagtuloy-tuloy kami, pero this time covering all provinces na, and we were able to list 17.4 million.
Dahil magbubukas na kami soon ng aming online portal, ang priority na namin nitong April ang mga mahina ang internet connectivity o walang connectivity.
Pagdating sa step 2 kung saan pupunta sila sa mga registration centers, nakapagtala na kami ng 4.6 million as of April 20. Ayon na ang aming narehistro.
Nagsimula kami ng slow but gradual since January 8 pero naka-schedule kami mag-ramp up noong end of March o start of April kaso sinabayan kami ng COVID-19 (surge)
Ang target po namin for 2021 ay maparehistro ang 70 million. Medyo katunog nung sa vaccine ano? Pero ito talaga ang target namin for 2021 since up to December, mayroon kaming procurement nung aming mga registration machines o registration kits para maabot namin 'yong target.
Dir. Cynthia Perdiz - Regional Director, PSA-5
Ang reported pong COVID-19 positive ay hindi po enumerator, but 'yong registration kit operator ng ating national ID system.
Ang lumabas na unemployment rate for the month of February ay 8.8% unemployment rate. Ito ay equivalent to 4.2 million persons without jobs.
Nasa commissioning period na kami ngayon and next month we will be doing the ramp up where ang production capacity ng BSP ay sasagarin na namin at 106,000 cards per day.
Usec. Timothy John Batan, DOTr:
By 2022 po, magkakaroon po tayo ng aprubado, may pondo, may contractor, at ongoing construction, at ang ilan po ay partially operable na aabot po ng 1,200 km po na railway projects throughout the country. 168 po na mga stations at higit po na 1,300 na mga bagon.
Ngayon po, hindi lang po 'yang drawing dahil po ang pondo nand'yan na po.
Kung naitatanong po kung bakit napakalaki ng investment sa mga railway project, kung nakikita natin na ang talaga pong problema natin sa congestion, sa traffic sa ating mga kalye ay masosolusyunan lang po ng high capacity mass transport system.
Ito pong mga kasalukuyan nating proyekto ay ito ang pinakamadaming proyekto, pinakamalaki pong programa sa sektor ng riles na nakita po in history po ng ating bansa.
Mayroon po tayong 3 proyekto na matatapos ngayong taon. (1) LRT-2 East extension, (2) Common station, (3) MRT-3 rehabilitation project.
Ito pong subway natin, ang target po natin ay within this term po ay makapagbukas po ng iba sa ating critical facilities.
Engr. Noel Binag - Executive Director, DOLE:
Bukod po sa trainings, kami rin po ay gumagawa ng mga materials tulad ng mga posters na ibinabahagi namin sa pamamagitan ng social media.
Nagsasagawa rin po kami ng mga webinars para sa pagpapalaganap ng impormasyon.
Ito ay tinuturo namin sa lahat ng aming trainings. Kasama po sa kanilang module ang Covid-19 prevention.
Ang mga safety training organizations ay nire-require namin na magkaroon ng ganitong module para sa lahat ng kanilang mandatory occupational safe and health training.
Kung napatunayan na sa trabaho nakuha 'yung COVID-19, ang manggagawa ay maaaring makatanggap ng compensation.
Komentar