April 16, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano na magtayo ng vaccine manufacturing plant sa bansa.
Mga ospital na hindi regular na nagsasagawa ng COVID-19 test sa kanilang mga kawani, paiimbestigahan ng Malacañang.
Usec. Jonathan Malaya, DILG:
Sa NCR, nasa 31% na tayo 3.4 million beneficiaries na ang ating nabigyan ng ayuda which is equivalent to P3.4 billion.
Bumibilis na po ang ating pamimigay at wala pong tigil ang ating LGU sa pamumudmod ng mga ayuda.
Mayroon na kaming natanggap for extension (of aid distribution) kagaya nito sa NCR Muntinlupa, Valenzuela City, Quezon City. Mayroon din sa Bulacan, Rizal, Laguna, and Cavite ngunit ang mga request na ito ay pag-uusapan pa. Magpupulong pa po si Secretary Eduardo Año
I am pleased to announce na bumalik na po sa trabaho sa araw na ito si DILG Secretary Eduardo Año.
Sina Sec. Año po ang magdedesisyon kung ilang araw ang ibibigay na palugit sa mga LGU na nag-request nito.
As of now po ay wala pang desisyon dahil Friday pa lang naman... (audio inaudible)
Depende ito sa dahilang ibibigay ng LGU and doon sa naging tugon nila sa Joint Memorandum Circular na ipinalabas ng DILG.
Kaunti lang ito. Sa Calauan, Laguna and sa several others. Hindi pa sila nakakapagsimula dahil may procurement process pa silang sinusunod.
So far, lahat naman ng reklamo tungkol sa violation ng physical at social distancing ay naaksyunan na ng mga LGUs.
Ikinagulat namin itong report na ito. Nakarating ito sa amin sa DILG kagabi... Walang ibang lugar na nag-require ng waiver 'di umano, except sa San Jose del Monte.
Ikono-confirm pa namin ang report na ito kung totoo nga na may waiver. Ang hinihintay namin ang paliwanag ng San Jose del Monte, if true, kung bakit sila nag-require ng waiver.
Kami ay nakikipag-ugnayan kay Chairman Belgica ng PACC para makuha namin ang datos tungkol dito sa complaints na natanggap nila mula sa ating mga kababayan in so far as distribution of ayuda is concerned.
Ang 2015 list (na ginamit) ay naging basehan lamang sa estimate ng pondo para sa pamimigay ng ayuda. Hindi natin ibinase ang listahan (ng beneficiaries) mula sa 2015 na listahan.
Ang listahan ng mga benepisyaryo ay nanggaling sa social amelioration card or social amelioration forms na mismong pinirmahan ng ating mga kababayan.
Binigyan natin ng kapangyarihan ang mga LGU na magdagdag o magtanggal ng mga pangalan.
Lahat itong 4,700 (contact tracers for hiring) na ito ay isasailalim sa contact tracing training na isasagawa ng DILG at local government academy.
Inirekomenda ng FDA ang pagpapatuloy ng rollout ng Astrazeneca COVID-19 vaccine sa bansa.
San Juan City Mayor Francis Zamora natanggap na ang unang dose ng kanyang COVID-19 vaccine matapos gumaling sa sakit.
Jose Bolano - Executive Director, LTFRB:
Ang mga binuksan nating ruta simula noong April 13, ito'y mga karagdagan doon sa nabuksan na natin noong nakaraan pang taon during GCQ.
Ang mga ruta po na ito ay sa iba't ibang area sa Kamaynilaan o sa NCR.
Halos 80% na po ng ating traditional PUJ ang naibalik nating pre-COVID routes.
Kumbaga po sa ngayon ang datos po natin ay nasa almost 40,000 traditional PUJ na ang tumatakbo sa buong NCR.
Itong mga provincial buses going to north and south, ito ang mayroon pong kailangan na permit doon sa mga LGUs na kanilang dadaanan o kung saan sila mag-o-originate.
Si LTFRB ay nakapag-impound ng 43 units ng mga colorum sa iba't-ibang lugar sa Maynila, kasama na ang mga boundaries natin sa area ng Laguna nitong nakaraang ECQ.
Pinapayuhan natin ang ating mga public transport na gamitin ito (StaySafe PH application), mag-download, para mas madali ang paggawa ng contact tracing.
Tuloy-tuloy ito, hindi lang sa Metro Manila kung hindi ay inexpand na natin ito sa buong bansa.
Kung mayroong mga instances o incidents na may naniningil, tumawag lang kayo sa LTFRB Hotline 1342 o bumisita sa aming mga social media at ang aming website.
Sa ngayon, ang programa natin para sa mga drivers ay ito pong service contracting.
Asec. Dominique Tutay, Employment And General Administration Cluster DOLE:
Doon po sa tourism sector, mayroon tayong mga 15,500 establishments na tourism-related affecting almost 300,000 workers mula noong nag-umpisa itong pandemya.
Pero itong mga naitalang displaced workers o naapektuhan, maaari itong mas mataas pa dahil nasa formal sector lamang ang ibinibigay na datos. Maaaring dumoble pa ito kaya naman po under the Bayanihan 2, mayroon po tayong P4,000 na financial assistance.
Lahat ng mga tourism-related sectors ay kasama sa ating mga pagbibigay ng ayuda. Una na rito ay mga naapektuhang manggagawa sa primary at secondary groups and enterprises na DOT-accredited.
Kabilang po dito 'yong mga hotels, resorts, travel and tours agencies...
Base sa tala ng DOLE, mahigit 250,000 workers na under the tourism sector ang naibigay na po 'yong talagang kanilang financial assistance to the tune of P1.26 billion as of yesterday.
Mayroon tayong na-process pa na mga more than 151,000 tourism-related sector na workers to the tune of P758 million na kailangang ma-process ang payment within the month of April.
May matitira na lamang tayo na mga P1 billion sa tourism na budget para makapag-accommodate pa ng around 200,000 workers. Hopefully ito ay matapos natin bago ang buwan ng Hunyo.
Ngayon ay naghahanda tayo para sa malawakang job fair para sa May 1.
Mayroon din tayong isinusulong na job summit para sa May 1. Ang layunin naman ng job summit na ito ay ma-recover talaga natin ang employment na nawala sa atin during the pandemic.
Comments