top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

July 29, 2021



Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Simulan po natin ang mabuting balita para sa ating mga kababayan na nangangailangan na naninirahan po na nasa ilalim ng ECQ.

  • Mayroon na po tayo matatanggap na assistance at ito po ay galing sa DSWD. Ito po 'yong sa programa nila na Assistance to Individuals to Crisis Situations or AICS.

  • Inaprubahan po ng Presidente ang pagbigay ng P1,000 tulong sa mga nangangailangang kababayan natin sa mga areas na nasa ilalim ng ECQ at ito po ay hanggang maximum na apat po kada pamilya.

  • Ang pondo po ay dinadownload na po sa mga lokal na pamahalaan ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City.

  • Now, ulitin ko po. Nandiyan na po 'yong assistance na sinabi ng Pangulo na kailangang ibigay kapag tayo ay nasa ECQ.

  • Kaugnay po nito, humarap po si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang regular Talk to the People Address.

  • Inaprubahan po ng Pangulo ang rekomendasyon ng IATF sa quarantine classifications para sa buwan ng Agosto.

  • Ito naman po ay nakabase sa datos at siyensya.

  • Mananatili nasa ECQ ang Iloilo City, Iloilo Province sa Region 6; Cagayan de Oro City at Gingoog City sa Region 10. Ito ay magsisimula sa Linggo, August 1 na tatagal hanggang August 7.

  • Ito naman po ang mga lugar na nasa MECQ mula August 1 hanggang August 15. Ilocos Norte sa Region 1; Bataan sa Region 3;Lapu-lapu City at Mandaue City sa Region 7.

  • Samantala, inextend ang GCQ with heightened restrictions para po sa NCR simula August 1 hanggang August 15. Ito po ang mga lugar ng NCR; Ilocos Sur sa Region 1; Cagayan sa Region 2; Bulacan sa Region 3; Laguna, Lucena City, Cavite, Rizal sa Region 4-A; Naga City sa Region 5; Antique, Aklan, Bacolod City at Capiz sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga del Sur sa Region 9; Misamis Oriental sa Region 10; Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental sa Region 11 at Butuan City sa CARAGA.

  • Mapapasailalim naman po sa GCQ ang Baguio City at Apayao sa CAR; City of Santiago, Isabela at Nueva Vizcaya, Quirino sa Region 2; Quezon at Batangas sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA; Cotabato City sa BARMM.

  • Ang ibang parte na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa MGCQ.

  • Usaping bakuna naman po tayo. Sa dalawang magkasunod na araw, nalagpasan na natin ang 500,000 daily jabs a day. Naka-659,000 jabs tayo noong Martes, July 27 at 534,612 kahapon, July 28.

  • Kung inyong matatandaan, nasa 385,570 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa noong Lunes ng gabi, July 26.

  • Samantala, nasa 1.5 million doses ng Sinovac vaccine ang dumating kaninang umaga.

  • Inaasahan din natin na may darating pa na isang milyong doses ng Sinovac bukas, July 30.

  • Mayroon po tayong inaasahan na makokolekta na hanggang 41 bilyong piso. Ito po ay dahil nanalo po ang ating gobyerno sa kasong na nakabinbin sa Korte Suprema. Ito po ang Commissioner of Internal Revenue at ang Bureau of Customs laban po sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation. 2012 pa po kinokolektahan na natin ng excise tax dahil sila ay nagpapasok ng alkylate.



Dr. Alethea De Guzman, DOH Epidemiology Bureau:

  • Nag-total na po tayo sa 119 Delta variant cases.

  • So we already have 7 regions that are affected by this Alpha variant and we have 77 local cases.

  • Tayo po kasi kapag nagmemeasure po tayo ng ating mga kaso, gumagamit po tayo ng metrics na sinasabi natin.

  • Para po tayo mag-escalate at mag-descalate, may iba't ibang metrics na ginagamit.

  • Tinitignan at binabalanse po natin ang ating mga pagdami ng kaso sa kakayahan ng ating health system.

  • Tinitingnan din natin kung sapat na ang kanilang public health capacity para sa surveillance, contact tracing, and isolation.

  • Paano ba natin masasabing may surge? Ang response ng DOH, there's no definitive measurement, conclusion masabi nating may surge. Epidemiologically, we don't use this term because there's no one standard definition para dito.

  • Gusto natin quantifiable, objective ang pagmmeasure natin pag sinabing mataas (ang kaso)

  • It shows gaano ba ang inilaki, ibinaba, o naiwan na dami ng nareport na kaso natin nitong nakaraang 2 linggo kumpara 3 to 4 weeks ago. It's the rate of increase or decrease.

  • On ADAR: Ito ang nagsasabi na gaano ba kalaki ng populasyon mo ang apektado.

  • Despite increases, we're seeing a low percent of active cases. It's at 3.48%.



Dr. Nina Gloriani - Vaccine Expert, DOST:

  • 'Yong specific mention yung Sinovac, gusto nila 14 days (gap between both doses). We have data on 14 days vs. 28 days, mas mababa ang antibody responses don.

  • Sa Sinovac, pasok naman 'yong 8 weeks sa nirekomenda namin noong 1-3 months... Data ngayon is showing na mas mahabang interval, mas mataas ang level.

  • 'Di lang po ang may diabetes may higher risk for severe COVID-19, lahat ng may comorbidity.

  • Itong mga ganitong klaseng tao, mas mababa rin ang immunity nila. We have to also consider them as somehow immunocompromised.

9 views0 comments

Recent Posts

See All
Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page