top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

July 5, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nagpapaabot po ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya ng mga nasawi sa bumagsak na C-130 sa Sulu.

  • Nagluluksa hindi lamang ang sandatahang lakas ng Pilipinas ngunit ang buong bansa sa malungkot na pangyayaring ito.

  • Nananalangin po kami na yakapin ng Panginoon ang mga nagdadalamhating pamilya para maibsan kahit papaano ang kanilang nararamdaman.

  • Nawa'y mabigyan sila ng lakas para malampasan ang pagsubok na ito.

  • Samantala, ipinagdarasal natin ang mabilis na paggaling ng mga survivor.

  • Nag-utos na po si Defense Sec. Delfin Lorenzana ng isang imbestigasyon para matukoy ang dahilan ng insidenteng ito.

  • Balitang IATF naman po. Well, magandang balita po para sa mga fully-vaccinated na kasama natin at mga seniors. Pwede na po ang interzonal travel under the pertinent resolutions of the IATF and provisions of the Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine.

  • Kailangan lang nila ipakita ang kanilang COVID-19 domestic vaccination card o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng kanilang vaccination status.

  • Lilinawin lang po natin ha? Sa ilalim ng ECQ at MECQ, hindi pa po pupwede ang interzonal movement unless ikaw ay isang APOR.

  • Samantala, patuloy na pinapayagan ng inyong IATF ang intrazonal movement ng fully vaccinated senior citizens sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.

  • Usaping bakuna pa rin po. As of July 2, 2021 mahigit 11 milyon o 11,708,029 COVID-19 vaccines administered sa bansa ayon sa NTF (National COVID-19 Vaccination Operations Center)

  • Sa katunayan, tuloy pa rin ang pagbabakuna kahit sa Batangas na patuloy na apektado ng pagputok ng Taal.

  • Inaasahan din sa linggong 'to na may darating na AstraZeneca na donasyon mula sa pamahalaan ng Japan at Sputnik V Component 1 at 2 na binili ng ating pamahalaan.



Sec. Leonor Briones, DepEd:

  • Tatlong punto lamang na maiikli. Una, 'yong datos, inaamin ng World Bank ay ginamit mula sa PISA assessment.

  • 'Yong PISA assessment na data ay ginamit pa noong 2019 pa at na-discuss na ng buong Pilipinas.

  • Luma na 'yong ginagamit na datos. Since 2019, marami nang nangyari.

  • Pangalawa, lahat ng mga sektor ng ating society ay tumutulong na dahil sa paglabas ng data na ito na luma na binuhay ulit.

  • Ang pangalawang punto rin na gusto kong i-emphasize ay ang World Bank na nagpalabas ng datos na ito ay hindi sumusunod sa protocol. Kasi kung mag-report ka about a country, kailangan malaman ng country ng 'yon kung anong sasabihin ninyo. So malaking kakulangan ito.

  • Pangatlo, matagal na nagpartner ang World Bank sa ating reform sa education. Naka-utang na tayo since 1981 ng $100 million tapos 1997, umutang tayo ng $113 million dollars.

  • So talagang matagal na partner na ang World Bank (ng Pilipinas) tungkol sa edukasyon. 'Di lang 'yon partnership, utang relationship.

  • Hindi sinabi 'yong mga bagong developments na ang daming tumutulong ngayon dahil concerned ang buong bansa sa estado ng edukasyon.

  • Since the country was insulted, was shamed and so on, we expect and look forward to a public apology. Lalo na 'yong hindi pagsabi sa amin na naglabas sila ng datos na lumang-luma.



Sec. Rolando Bautista, DSWD:

  • Handa ang departamento naming harapin ang anumang imbestigasyon, isumite ang kinakailangang dokumento para bigyang linaw ang alegasyon ni Sen. Manny Pacquiao at magbigay ng tiyak na datos sa SAP.

  • Lahat ng pondong binigay sa financial service providers ay accounted for at walang mga nawawalang pondo.

  • Ang lahat ng ayudang ipinamahagi ay suportado ng liquidation reports na maaaring ibahagi kung kinakailangan.

  • Kaya tiniyak ng aming ahensya na ang mga prosesong isinasagawa ng FSPs sa mga payout ay alinsunod sa mga aprubadong proseso ng BSP at naaayon sa government accounting rules and procedures.

8 views0 comments
Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page