top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BREIFING HIGHLIGHTS

December 3, 2020



Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nauna nang nagbukas ang Coron at bukas na po ang El Nido, San Vicente noong Lunes, Dec. 1 at susundan pa ng ibang lugar pa. Ang siyudad po ng Puerto Princesa ay magbubukas po sa lokal na turismo sa Dec. 8.

  • Mahalaga po ang papel ng turismo sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga mamamayan at nandito na po tayo sa punto na kailangan natin mamuhay na nandyan ang virus.

  • Nilagdaan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 121 noong Martes, Dec. 1 kung saan binibigyan ng otoridad ang Food and Drug Administration o FDA na magbigay ng emergency use authorization para sa gamot at bakuna laban sa COVID-19.

  • Ayon po sa EO 121, maari nang mag-issue ng EUA kung present po ang mga sumusunod: based on the totality of evidence available, including data from adequate and well-known controlled trials, it is reasonable to believe that the drug or vaccine may be effective to prevent, diagnose, or treat COVID-19; the known and potential benefits of the drug or vaccine when used to diagnose, prevent, or treat COVID-19 outweigh the known and potential risks of the drug or vaccine, if any; there is no adequate, approved and available alternative to the drug or vaccine for diagnosing, preventing or treating COVID-19.

  • Valid lang ang EUA sa panahong idinedeklarang ang public health emergency dahil sa COVID-19 pandemic.

  • Ipinag-utos na rin ng Presidente sa FDA na bumuo ng panel of experts on drug and vaccine development na magsasagawa ng review ng mga datos kung ligtas o epektibo ang COVID-19 drug or vaccine na mag-apply ng EUA.

  • Importante po itong EUA dahil nalathala sa balita kahapon na ang England nag-approve sa Pfizer ng EUA at magsisimula na po sila magbakuna.

  • Lilinawin ko lang po, hindi po Pfizer ang kauna-unahang nagkaroon ng EUA, sa bansang China mayroong dalawang bakuna na po na nabigyan na ng EUA na lokal na FDA ng China. Ito po ‘yong Sinovac at Sinopharm.

  • COVID-19 Global Update ayon sa Johns Hopkins University: 64,304,732 Global Cases at 1,488,513 Global Deaths.

  • As of December 2, 2020, mayroong 434,357 COVID-19 cases sa Pilipinas na kung saan may 26,916 total number of active cases.


Gov. Jose Alvarez, Palawan:

  • Sa buong lalawigan, mild lang ang COVID (cases) dito kaya ‘yong Coron, naagapan agad naming ‘yong surge ng COVID kaya nakapagdecide sila na magbukas ng December 1, ‘yong El Nido, ganon din.

  • Ngayon, mayroon din tayo sa malalayong lugar sa Cagayancillo ngunit iilan na lamang.

  • So compare mo sa ibang mga lugar, ‘yong Palawan hindi masyadong delikado kaya dahan-dahan na tayong nagbubukas upang matugunan natin ang mga kabuhayan ng ating mga kababayan dito na consisting of 36% ang services which is tourism sa ekonomiya ng buong Palawan.

  • Wala pa kaming eksaktong datos na natatanggap galing sa El Nido, Coron at San Vicente ngunit minomonitor ito ng aming tourism department ‘yan araw-araw at tuloy-tuloy naman ang dating nila at sabi rin naming na dahan-dahan para ‘di tayo mabigla.



Mayor Lucilo Bayron, Puerto Princesa:

  • In the city of Puerto Princesa and at the moment, we have 9 active cases kasi kahapon 5 ang naka-recover. Ang aming quarantine facilities ay may 200 returning residents.

  • And ang tingin namin in opening the economy of the city, i-open muna namin ang trading and services which is the second biggest industry in the city. Ayon, local talaga ‘yon.

  • Kaya ang ginawa naming ay we went to all the malls at kinausap sila na let’s open up the trading industry.

  • In opening of the tourism industry, it should be open up by package at hindi buong Puerto Princesa.

  • So by December 8, target nga na buksan ang Underground River package for local tourism then titignan natin kung ano ang mangyayari at isusunod naman naming ay ‘yong sa Honda Bay.

  • Once na ma-open naming ‘yang dalawang ‘yan at maging maayos ang trading services naming ay saka kami maaring magpapasok ng mga turista from outside the city.

  • Puro sweeper flights lang po sa ngayon. Mga returning residents lang po ang nandito at mga APOR.



Dr. Eric Domingo - Director General, FDA:

  • Ang pinupuntirya po na schedule ay kapag may nag-apply at kumpleto ang requirements na ipapakita ay magagawa po natin ‘yan within 21 to 28 days ang processing at decision kung magbibigay din po tayo ng EUA dito sa Pilipinas.

  • Totoo po ‘yon na ang primary requirement natin ay dapat mayroon na rin siyang equivalent ng EUA sa bansang pinanggalingan niya or sa isang stringent regulatory authority or galing sa WHO na emergency use list.

  • At kapag mayroon sila nito, ay mayroon lang po tayo ilalabas na maikling listahan naman na requirements na kailangan nila ipadala dito sa atin para makita natin.

  • Pangalawa naman ay ‘yong ating expert panel na may mga bihasa na susuri sa mga datos na ipakikita sa atin at magbibigay ng opinyon kung karapat-dapat na bigyan natin ng EUA ang bakunang ito sa Pilipinas.

  • Sa ngayon, nagiging hopeful ako kasi sa totoo lang ang talagang inexpect ko na magkakaroon ng EUA ang mga unang bakuna sa US at UK o sa European Union sa end of December pa.

  • Napababalita rin po natin na ang US FDA ay magbibigay ng EUA possibly sa Pfizer o Moderna within 1 to 2 weeks.

  • So ang ibig sabihin po nito, itong mga kompanyang ito na kapag ay na-approve na sa Amerika at UK ay maaring maghanda na magsimula na silang mag-apply sa iba’t ibang bansa tulad ng Pilipinas.

  • Kapag po nag-apply po sila dito sa atin, maari pong na by first few weeks of January ay maaring mayroon na tayo maibigay na EUA at baka po mapaaga ng kaunti at magkaroon po ng chance na by March ay may bakuna sa bansa.

  • Totoo ‘yon at magiging depende na lang sa production (ng bakuna) kung mayroong mailalaan na supply sa Pilipinas at kung maidedeliver po agad sa atin para madistribute po natin.

8 views0 comments

Comments


bottom of page