top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

November 27, 2020




Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO) and Aljo Bendijo (PTV-4):


P/BGEN. Ildebrandi Usana, Spokesperson, PNP:

· Sa PNP po, evolving po talaga 'yong mga pamamaraan ng physical fitness ng ating mga kapulisan.

· Kung naalala po ninyo, nagsimula po ito sa ating butihing PNP chief na ngayong senador Ping Lacson 'ypng dapat size 34 ang size ng waist line ng ating mga kapulisan.

· Pero binalangkas ng ating mga health professionals sa PNP ang dapat na timbang at taas o tinatawag natin na Body Mass Index (BMI) upang mabigyan ng pansin ang tamang kalusugan ng ating mga kapulisan.

· Ang ating kapulisan ay nagpapatupad na naman po ng bagong pamamaraan upang mapanatili ang kanilang kasulugan at physical fitness through the 4-minute exercise.

· Naging mabuti naman po ang naging resulta dahil kahit nasa opisina ang ating kapulisan mayroon po silang pamamaraan to do exercises and this will be eventually adopted nationwide.

· Hindi naman po iniwan 'yong mga dating nakagisnan na mga pamamaraan ng mga ehersiyo tulad ng nasimulan ni dating PNP Chief Gamboa na Body Mass Index Mechanism.

· The fact that there was already an issuance of the policy regarding physical fitness sa ating kapulisan, kung mayroong mga defiance being made by our police personnel, then certainly may kaakibat na sanctions.

· Para sa atin din itong pamamaraan ng ehersisyo, kasi mga bandang 45 (taong gulang) ay nag-uumpisa na ang sakit ng ilan sa kapulisan natin because of the hazards of our work.

· We do not want that our police officers be affected or afflicted with diseases as a result of noncompliance to exercise requirement.

· As of 6PM ng November 26, there are a total of 8,008 number of COVID-19 cases, 7,601 recoveries, 381 total number of active cases at mayroon pong 31 na bago pong nai-report. Nananatili pa rin po ang mga namatay at 26.

· Wala naman po talagang significant effect ang pagpapahinto (ng localization of deployment) kasi tayo naman ay national in character.

· Kung titingnan po natin noong nakaraang naupo ang ating dating Chief PNP Gen. Cascolan, within 2 months time, mga about close to 5,000 ang nagkaroon ng mga transfer orders, but it has an effect in the placement and eventually sa adjustment need po doon sa mga local police.

· Kasi we need to strike the delicate balance between the need of a particular unit na nangangailangan ng mga kapulisan lalo na dito sa NCR.

· We really are expecting that there will be a rise in public convergence lalo na sa mga nakasanayan natin na Misa de Gallo but the IATF guidelines, especially the DOH protocols, must be complied with.

· Our police officers will have to be more visible than ever pagdating sa pagre-require sa ating mga mamamayan to observe minimum health protocols.

· Under the new normal, as much as possible ay avoid itong mga pagkakataon na tayo'y lumalabas.

· Ipinagbabawal ito sa mga kabataan, dapat mas alam na ng mga adults kung anong tamang gawin under this new normal.



Sec. Leonor Briones, DepEd:

· Maliwanag na maliwanag sa exchange of letters namin at sa aming paliwanag na ipinadala sa Presidente as early as August 23. Walang commitment na ginawa o ibinigay ang DepEd na magkaroon ng face-to-face learning.

· Mukhang nagkaroon ng miscommunication. Pero may exchange of letters kami which we have made public dahil ipinadala naman namin iyan sa presidente at walang phrase o word na nagsasabing you are authorized to proceed with your programs.

· Alam ng DBM, DOF, at DepEd na ang pinakamagastos talaga ay ang paggamit ng modules. Alam na alam talaga natin lahat na ang pinakamahal, pinakamabusisi ay ang printed modules.

· Pero noong June, noong nag-enroll ang mga bata ay sinabi nila na gusto nila ng modules, pero alam namin na unsustainable ito. Pero handa kami until the end of the academic year dahil naka-budget naman iyan.

· As a matter of fact, na-download na ang pera.

· Ang sinasabi lang namin ay mahirap na i-sustain ito dahil napaka-dangerous, napaka-gastos sa papel, sa ating pagputol ng kahoy, sa pag-protect ng ating environment na kailangang isipin din natin.

· Gusto natin i-encourage ang ibang paraan para sa pag-transmit ng learning process tulad ng aming ITC at ng aming DepEd Commons at naka-produce na tayo ng more than 200 TV programs, radio programs at iba-ibang paraan

· Ang DepEd ay wala namang authority, kasi ang authority na nariyan na tungkol sa face-to-face learning ay nasa presidente.

· Sinasabi naming walang partnership, walang pinirmahan, walang agreement. Exchange of letters at exchange of opinions na provided ang Office of the President ang kopya ng mga sulat ang mga ito.

· Wala kaming otoridad na patawan ng parusa or anuman ang OVP dahil wala iyan sa aming mandate sa DepEd.

· For this academic school year hanggang December, walang ganoong policy. Walang pagbabago sa pronouncement ng president.

· Sa aking paningin bilang Secretary of Education, tama ang desisyon natin na ipagpatuloy ang pagbukas ng paaralan

· Dahil kitang-kita naman natin na kung 6 or 7 buwan ang mga bata na hindi nag-aaral ay may epekto sa kanila. At saka maiiwanan sila sa pag-acquire ng knowledge on learning at paghahanda sa outside world

· Even at the height of World War II, hindi naman itinigil ang pag-aaral sa mga bayan, sa mga siyudad. Patuloy ang schools at sa kabundukan kung saan nag-evacuate ang mamamayan



Usec. Diosdado San Antonio, DepEd:

· Ang pagkakaalam ko po, ang printing ay nasa local units ng paaralan, division offices at sang-ayon naman po sa aming monitoring ay may mga nagamit na self-learning modules ang ating mga mag-aaral simula ng unang araw na magbukas ang pasukan.

· Habang ang mga self-learning modules ay naantala ang pagiging available, may ginawa naman silang paraan na ang mga bata ay tuloy-tuloy rin sa ginagawa nila upang matuto at mapalalim ang pagkakanawa sa mga bagay na dapat nilang matutunan.

· Pinag-aaralan po natin kung paano ito gagawin dito sa mga naapektuhan na lugar.

· Ang isa pong nakikita ko, kung talagang kailangan na kailangan ang tuloy-tuloy na pag-aaral ay 'yong last week ng December. Linggo po bago mag December 19 ang last day ng classes. Dapat po in-set 'yan. Ang mga bata po ay dapat wala pong gagawin diyan. Ang limang araw / anim na araw na 'yan ay pwede pong magamit as make-up class days ng ating mga mag-aaral. So kung kulang pa po 'yan, pag-uusapan kung ano pa ang mga paraan sa mga lugar na napahaba ang class suspensions.

· Pero 'yong mga hindi po naapektuhan, maliwanag po na 'yong school calendar as adjusted ay 'yon ang masusunod. June 11 po ang last day of classes.



Dr. Malcolm Garma - Regional Director, DepEd-NCR:

· Sa NCR, ang talagang tinamaan ng bagyong Ulysses ay Lungsod ng Marikina. Halos lahat ng ating mga paaralan kung hindi man nagamit na evacuation center ay talagang nalubog sa baha at kasama po sa mga nalubog natin na mga paaralan ay ang mga gamit.

· Umaabot sa humigit kumulang mga Php 6.8 million ang halaga ng mga modules na nalubog o nasira dahil po sa pagbaha.

· Kahapon ay lumabas na ang amount na ida-download natin sa Lungsod ng Marikina at saktong-sakto dahil more or less Php 7 million ang nakalaan para sa replacement ng mga modules para po ito sa Lungsod ng Marikina.

· As soon as makuha ng Marikina iyong nararapat na pondo sa kanila ay kaagad na makikipag-ugnayan ang ating SDO Marikina para sa procurement nito.



Dr. Wilfred Cabrral - Regional Director, DepEd-CALABARZON:

· Ang higit na apektado (sa Region IV) ng Bagyong Ulysses ay ang part ng Quezon.

· Nagkakaroon ng halaga o bilang na Php 222 million base sa nakalap ng ating radar team na nag-inspection sa mga paaralan na naapektuhan ng bagyo.

· Humingi ako ng permiso sa ating Secretary na bigyan ako ng pahintulot na suspindihin ang mga distance learning activities sa Cainta, Tanay, at iba pang lugar na apektado. Binigyan tayo ng pahintulot na suspindihin muna ito sa loob ng 1 linggo.

· Dinagdagan ang mga tao sa regional offices. Pinalaki ang grupo na gumagawa ng evaluation ng learning resources. Mayroon na rin kaming proseso, malapit nang ma-procure ang academic third party evaluators

· Gusto ko lang bigyang diin na hindi lahat ng magva-viral sa social media ay nakikita natin na gawa ng DepEd.



Mayor Lenybelle Santos, Malinao, Albay:

· Medyo nakakapag-adjust na ang Malinao sa mga nagdaang mga bagyo and continuous naman po ang pagsuporta ng lokal na gobyerno.

· Talagang marami pong tumutulong sa amin dito. Ang initial na need po as of today ay shelter materials po ng mga tao sa amin dahil marami po talaga ang totally damaged houses.

· As of today po, nagki-clearing operations pa rin po kami sa mga kalsada especially sa mga irrigation. And as of today po ay wala pa rin po kaming kuryente.

· Ang relocation po ng affected families na una naming pagtutuunan ng pansin para po every time na magbabagyo, hindi na po tayo palaging nag-e-evacuate.

· Ongoing pa rin po ang ating cash for work para po sa mga naapektuhan ng bagyo.

10 views0 comments

Comments


bottom of page