top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

November 26, 2020





Moderated by Sec. Harry Roque:

· Limang bagyo na sunod-sunod ang tumama sa Quezon. Nagsimula sa Ofel, Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.

· Ang DOH at DTI ay pumirma ng isang joint administrative order na nag-seset ng procedure para sa implementation ng price range at price cap sa COVID-19 RT-PCR Testing na isinagawa ng mga hospital, labs at iba pang health establishments.

· Alam naman natin ang pagtaas ng ating testing capacity kaya't tumataas din ang demand sa testing.

· Ito'y isang pagkakataon para sa inyong pamahalaan para i-regulate ang presyo ng testing na acceptable at justifiable para ma-address ang malaking pagkakaiba sa presyo ng testing na ginagawa ng public at private facilities.

· Para po ma-determine ang price range, kailangang balansehin ang tinatawag na equity with access. Kinakailangan ang price range ay just, equitable, at sensitive sa lahat ng stakeholders.

· Ano po ba ang just, equitable and sensitive price? Gumawa po ng rapid analysis ang DOH at DTI kung saan tinanong mga licensed COVID-19 laboratories ang mga sumusunod: geographic location, ownership (public o private), brand of PCR test kits, type of test (plate based or cartridge base RT-PCR), type of extraction machine (manual or automated), laboratory/ facility set up and turn-around time of testing. Ang mga ito ang kinonsidera para malaman ang price range.

· Ang price cap sa RT-PCR testing sa private testing center ay naka-set mula Php 4,500 hanggang Php 5,000 samantala sa public testing centers ito ay nasa Php 3,800 bawat test.

· Service provider can go below the price floor but cannot go above the price ceiling.

· Maraming mga mababang singil... sa Metro Manila ang mababang singil (testing) ay nasa Philippine Children Hospital, National Kidney Transplant Institute Lung Center at sa Perpetual Health Hospital sa Las Pinas. Ang singil po ay nasa Php 1,750 hanggang Php 2,000.

· Meron din po sa labas ng Metro Manila tulad sa Cebu sa Vicente Sotto at sa Cebu Molecular Laboratory.

· Nais din naming ipagbigay alam sa publiko na ang 8888 Hotline ay mayroon ng SMS text service platform.

· Kung kayo ay may reklamo o concern sa mga ahensya sa pamahalaan, maari na kayo mag-text at ipadala sa 8888.

· Wala itong bayad or free of charge gamit ang inyong numero sa Globe or Smart.

· Kung may mga reklamo, just text C / Name kung nais magpakilala / Concerned Government Agency / Complete details of the complaint.

· Kung kayo ay nag-rerequest ng assistance, just text A / Complete Name / Type of request / concerned government agency / complete details of the request.

· Para maprocess ang inyong mensahe, kailangang may minimum of 200 characters ito. Kung hindi kayo nakasunod sa format o mas mababa sa 200 ang inyong mensahe, makakatanggap kayo ng auto-reply na magbibigay ng tamang format na dapat sundan.

· Kapag valid naman ang message, makakatanggap kayo ng ticket reference number na kailangan ninyong itago para sa pag-follow up.

· Para sa follow-up ng inyong ipinadalang text, tumawag kayo sa 8888 at i-press 2 para sa inyong follow-up.



Gov. Danilo E. Suarez, Quezon Province:

· Dito sa limang bagyo, ang total na damage namin sa infra, agriculture, classrooms ay ₱3,549,765,000.

· Ito ay nireport sa amin ng bawat bayan. This were validated nang dumalaw dito ang Agriculture at ni DOH Secretary.

· Naubos ang aming banana industry at it will take a year and eight months bago ulit ito tumubo.

· Kung nakaligtas man kami kay Ofel at Pepito, dito kay Rolly at kay Ulysses, tumumba na pati mga niyog namin. We need a massive replanting program.

· Sabi nga nila nagiging food basket na ng NCR at Region IV ang Quezon.



Rep. Aleta Suarez, Quezon 3rd District Representative:

· Maganda naman like 'yong DSWD nandito sila kaagad. 'Yong DPWH nagpadala sila ng equipment para sa mga kalye na naputol

· Meron kaming 4 na bayan ang hindi madaan kasi nga naputol 'yong mga kalye.

· Hindi lang national road ang nasira maging ang provincial road at barangay road.



Jun Alcala, Lucena City Administrator:

· For Lucena po as of this time, I'm happy to announce na bumaba na ang kaso sa Lucena.

· Nag-peak lang po tayo noong month of October but for the month of November, pababa na po ito at namamanage po natin ito.

· We have a system. We have an isolation facility here in Lucena. It is the first accredited isolation facility sa PhilHealth which can accomodate about 45 patients.

· Lahat po ng nacoconfine sa isolation facility binibigyan po natin ng medicine. Hatid-sundo po sila.

· Tuloy-tuloy po ang ating mga programs para mapababa ang kaso ng COVID.



Dr. Albert Domingo:

· Narito ngayon ang WHO sa probinsya ng Quezon para siguruhing ang PDITR strategy ng ating gobyerno ay nakahanda

· Ayaw nating lumala iyong dami ng kaso ng COVID-19 sa Quezon.



Sec. Carlito Galvez, Vaccine Czar/Chief Implementer:

· Marami po tayong tinatawag na challenges. One is 'yong supply and demand ng World Market. 'Yong mga vaccine po ay magiging available lang po 'yan this coming either best case scenario po ay sa May, June at July.

· So meaning, wala po tayong available na vaccine this coming first and second quarter. Ang roll out po ay most likely ay late second quarter up to the end of the year.

· Kung titingnan natin ang ating experience sa immunization program natin, 5 million lang tayo kada taon. Ngayon ay simultaneous ang gagawin natin at massive ang vaccination.

· Tatlong cold chain ang management na gagawin natin. Iyong 2 to 8, -20, at -80 degrees.

· Nagbunga ang mga pag-uusap na ito. At this coming Friday ay pipirma tayo ng tripartite agreement kung saan tayo ay makakabili ng 200M doses ng bakuna mula sa AstraZeneca.

· Ang embahada ng UK at ang AstraZeneca ay posible pong maganda ang kanilang layunin na maging equitable ang access ng vaccine at non-profit ang kanilang negotiation.

· Kaya natin ng most probably 25 to 30 million a year. Ang ating target ay magkaroon ng herd immunity, ma-vaccinate ang more or less 60 to 75 (million) Filipinos. 75% ng ating population ang ating babakunahan.


11 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page