top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PRESS BRIEFING HIGHLIGHTS



Moderated by Sec. Harry Roque:

· Nagbigay ng kanyang regular Monday talk to the people address si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa Davao.

· Naghahanda na ang Department of Health (DOH) ng isang contingency plan para sa post-holiday season surge.

· Inireport din ng ating vaccine czar kahapon na si Sec. Carlito Galvez Jr na nakipag-usap na ang pamahalaan sa vaccine manufacturers na Sinovac, AstraZeneca at Pfizer.

· Kung magiging matagumpay ang pakikipag-usap sa susunod na taon, magkakaroon tayo ng 60 million na doses of vaccine laban sa coronavirus.

· Saan po kukuha ng budget para rito? May nakalaan po na pondo rito ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez.

· Php 73.2 billion ang inilaan o ilalaan na pera ng pamahalaan sa pagbili ng bakuna. Php 40 billion ay magmumula sa mga multilateral agencies tulad ng World Bank at Asian Development Bank, Php 20 billion mula sa mga domestic sources tulad ng Land Bank, DBP at GOCCs at Php 13.2 billion mula sa mga bilateral sources.

· Mayroon pa po tayong 2.5 na nakasaad sa ating pantaunang budget at mayroon pa po tayong Php 10 billion na reserved galing po sa 2020 budget.

· Ang cost ng COVID-19 vaccine dagdag ni Sec. Dominguez ay 25 dollars o 1,200 bawat tao. Saan aabot ang 73.2 billion pesos? Ito po ay 60 milyong Pilipino.

· Ito naman po ang Vaccine Distribution Strategy ayon kay vaccine czar Galvez: Bibigyang prayoridad po syempre ang COVID-19 hotspots gaya ng Metro Manila, Davao City, Bacolod City at iba pang lugar.

· Mula sa geographical ay magiging sectoral ito. (pamamahagi ng bakuna) Mula sa mga nasabing lugar, tatargetin ang mga mahihirap, 4Ps beneficiaries, indigents and vulnerable sectors, health workers, militar at kapulisan at iba pang frontliners.

· Inaprubahan din ng Pangulo kagabi ang pangalawang 1.5 billion augmentation funds para sa mga lokal na pamahalaan na tinamaan ng Bagyong Ulysses.

· Bukod pa po ito sa standby augmentation na Php 500 million bawat isa para ma-cover ang incremental augmentation ng calamity funds ng LGUs na naapektuhan ng Bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.

· Ang cost of damages ng Bagyong Quinta at Rolly sa infrastracture at agriculture ay nasa 22,097,811,179.50 habang ang bilang ng mga apektado ay nasa 3,225,525.

· Ang cost of damages naman sa infrastracture at agriculture ng Bagyong Ulysses ay nasa 12,904,933,650.28 at ang bilang ng mga apektado ay nasa 3,997,034.

· Ito na po ang mga nabigyan ng naunang Php 1.5 billion na allocation. Karamihan po ay nasa Bicolandia at CALABARZON. (Albay, Quezon, Camarines Sur, Catanduanes, Oriental Mindoro, Batangas, Sorsogon, Occidental Mindoro, Laguna, Marinduque, Cavite, Rizal, Camarines Norte, Masbate, Romblon at Palawan)

· Samantala 'yong pinirmahan po ni Presidente na pangalawang Php 1.5 bilyon kahapon ay kasama na po ang mga nasa Central Luzon at Region II. (Bulacan, Cagayan, Isabela, Pampanga, Nueva Ecija, Camarines Sur, Quezon, Albay, Rizal, Quirino, Laguna, Camarines Norte, Pangasinan, Nueva Viscaya, Tarlac, Aurora, Cavite, Ilocos Norte, Quezon, Batangas, Sorsogon, Marikina, Manila, Bataan at Masbate)

· Taliwas sa mga sinsabi ng mga kritiko sa panahon ng kalamidad, walang pinipili at hindi namumulitika ang administrasyong Duterte. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw na lahat ay pantay-pantay, lahat mabibigyan, kaalyado man o hindi, bumoto man o hindi.

· Binasa rin ng mga Presidente ang mga nasibak sa hanay ng BIR. Nasa 300 na pong opisyal at empleyado ng pamahalaan na natanggal sa serbisyo dahil sa kanilang ilegal na gawain.

· Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulo sa publiko na ireport kung may nalamaman silang katiwalian sa pamamagitan ng petty graft. May Php 10,000 pabuya sa mga tipsters. Iingatan ang inyong pagkataon at hindi makokompromiso ang inyong kaligtasan.

· Naglabas ang DOH ng isang circular 2020-0355 para siguraduhin sa darating na holiday season ay mapapanatili natin ang minimum public health standards.

· Makikita rito ang mga ligtas, katamtaman ang panganib at mataas na panganib.

· Sa ligtas makikita ang pagdalo sa online masses, noche buena o media noche kasama ang pamilya sa loob ng tahanan, online video calls sa mga pamilyang magkalayo ngayong holiday season at pamimili sa online stores.

· Sa katamtaman ang panganib nakasaad dito ang maliit na pagtitipon sa labas o public areas alinsunod sa physical distancing at restrictions on mass gatherings.

· Sa mataas na panganib nakasaad dito ang pisikal na pagdalo sa mga indoor religious activities na ay maraming attendees, singing, speaking loudly and physicl contact, pamimili sa masisikip na tiange at mall, at malalaking pagtitipon sa loob ng gusali.



Christian Razon Gonzales - Executive Vice President, ICTSI:

· I'd like to point out that this is really an initiative of AstraZeneca, the UK government and Philippine government particulary Sec. Galvez and Sec. Dizon and the rest of IATF and DOH.

· Under this triparty agreement, private sector will shoulder the cost not only the 50% deposit for the AstraZeneca vaccine but likewise the remaining 50% which is expected now sometime in the second quarter of 2021.

· 'Yong guidelines naman po will be separation of 50% of the vaccine will be purely for the use of DOH under equitable distribution to be determined by the government and the other 50% will be for the private entity to determine and surely is one of the targets that we will have is of course our employees.

· Our share would be for essential logistics service providers and employees of ICTSI and the entire Razon group.

· From what I understand is 'yong allocation ng Pilipinas is approx 3-5 million doses saka meron tayong commitments as of today for up to 2 million doses that to be funded by the private sectors.



Sec. Leonor Briones, DepEd:

· Hanggang ngayon iyong policy ng president, hindi pa niya binago.

· Very quickly (ipapaliwanag ko) ang timeline ng mga pangyayari. Last August, nag-request ang OVP na nagsasabi na... nag-suggest ng proyekto'yan. Tapos sinagot namin at humingi kami ng details. On record lahat 'yan at binigyan namin ng kopya ang Presidente at ang Executive Secretary ng aming mga sagot.

· Ang polisya namin ay 'di namin ito ina-allow alinsunod sa policy ng Presidente.

· Ang OVP ay nag-coordinate directly with the LGUs. Ang situation ngayon, halimbawa sa Pasig, nag-coordinate sila directly with the LGUs pero one-on-one dahil hindi naman inapprove ng ating Division Superintendent iyon.

· Sa Caloocan naman hindi rin natuloy dahil hindi rin inapprove ng Division Superintendent dahil may policy nga tayo.

· Sa Taytay, Rizal naman ay nakipag-ugnayan sila sa barangay pero hindi involve ang DepEd.

· On record ay walang ganoong klaseng kasunduan, walang ganoong klaseng approval.

· Nananatili pa rin ang policy ng ating presidente na walang face-to-face sessions ang mga bata.

7 views0 comments

Yorumlar


bottom of page