top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

January 19, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Humarap muli si Pangulong Duterte kagabi para sa kanyang regular Talk to the People Address.

  • Unahin natin ang mensahe ng pakikiramay ng Pangulo sa mga naiwang pamilya ng 7 namatay sa bumagsak na helicopter sa Bukidnon.

  • Ayon sa Pangulo, gagawaran niya ng Order of Lapu-Lapu ang mga nasawi bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan.

  • Zero tolerance against corruption. Ito ang mensahe ng Pangulo kagabi. Siniguro ng Pangulo na walang katiwalian sa COVID-19 National Vaccination Plan ng pamahalaan.

  • Sinagot ng Pangulo ang mga akusasyon sa presyo ng bakuna ng Sinovac na pinupukol sa ating Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. Dagdag pa ng Pangulo, hindi maaring sabihin ang exact price ng bakuna dahil sa non-disclosure agreement o NDA at baka mapahamak ang mga darating na bakuna kung tayo ay hindi sumunod dito.

  • Pero sa oras na dumating ang supply (ng bakuna), sasabihin natin ang presyo dahil ang pambayad diyan ay pera ng taumbayan.

  • Sa panig naman po ni Sec. Galvez, sinabi naman po niya na napagkasunduan sa pagbili ng bakuna na sila ay malinis at sila ay sumusunod sa mga mahigpit na patakaran.

  • Dagdag pa niya (Galvez), dahil sa kanilang mga negosasyon sa mga vaccine manufacturers, nakatipid sila ng 700 million dollars sa pagbili ng mga bakuna.

  • Php 82.5 billion for the vaccine procurement, Php 70 billion from loans, Php 2.5 billion from 2021 GAA and Php 10 billion from Bayanihan 2.

  • Ito po ang mga bakuna na mayroon na tayong nilagdaan na term sheet.

  • 'Yong sa Moderna (20 million doses) po, sinabi ni Ambassador Romualdez na pwede na ito i-anunsyo.

  • So far po, 3 na po ang napirmahan nating term sheets para sa 30 million doses ng Novovax, 25 million doses ng Sinovac at 17 million doses ng AstraZeneca at sinabi nga po ni Ambassador Romualdez, we can look forward to 20 million doses of Moderna. Wala pa po dito 'yong sa Pfizer kasi wala pa po tayong napipirmahang term sheet sa kanila bagama't inaasahan natin sa Pebrero na mayroon pong darating na kaunti dahil sa COVAX Facility.

  • Inanunsyo rin po ng Pangulo ang 89 na barangay captains na nasuspinde ng 6 na buwan dahil sa mga iregularidad sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP.

  • Nagsalita rin po ang Pangulo para sa mga nag-aapply ng prangkisa. Sinabi nito na magbayad lang ng tamang buwis. 'Wag takbuhan ang tungkulin.

  • Samantala sa house hearing kahapon, nagsalita ang tunay nating eksperto sa bakuna tungkol sa vaccine efficacy. According to Dr. Edsel Salvana of DOH-Technical Advisory Group, AstraZeneca, Sinovac and Moderna prevent 100% of severe COVID-19 while Pfizer prevents 89% pero defende po ang efficacy sa population selection, definition of symptoms among others.

  • Dagdag pa nila, Pfizer is known to have 95% efficacy to prevent the clinical dieases, Moderna with 94%, AstraZeneca with 62% to 90% at Sinovac with 50% to 91% efficacy.

  • Tungkol naman po sa Pfizer, nagsalita na po ang FDA. "As we await the final report of Pfizer and the national agencies in Norway, we can still change the counter indications before we start our vaccination here. Now we know that patients with severe allergies is an indicator.

  • Norway authorities said they might not administer the Pfizer COVID-19 vaccine to patients of very old age, frail health.

  • Inihayag ng Sinovac through their general manager Helen Yang na magsimula silang magmanufacture ng vaccine noong nakaraang taon.

  • Dagdag pa ni Yang, gumagamit sila ng inactivated vaccine kaya ligtas daw ang kanilang bakuna.

  • Sang-ayon din sa Sinovac na walang severe adverse effects ang na-monitor sa kanilang bakuna.

  • 8 million doses na ang na-roll out na Sinovac vaccine sa China.

  • Sinimulan nila ang clinical phase 3 trials nila sa Indonesia, Turkey at Brazil. Ito nga po 'yong iba ibang efficacy rate 'no?

  • Nitong Lunes ng gabi, nakakakuha na ang Sinovac ng EUA sa Brazil.

  • Sa ngayon po, isinasapinal pa ang isang non-binding term sheet nila sa bansa.

  • Hindi sila ang pinakamahal na brand.

  • Regarding his response to Vice Ganda comment: Para wala pong misunderstanding, hindi ko po sinabing hindi pwedeng magsalita ang kahit sino. Karapatan po iyan ng lahat ng Pilipino



Sec. Carlito Galvez Jr., Vaccine Czar:

  • Gusto ko pong ipaalam na ang sinusunod nating prinsipyo ay transparency at accountability.

  • May karapatan ang mga mamamayan malaman ang bawat detalye na pinapasukan na agreement ng pamahalaan.

  • Sa panig po ng negosasyon sa bakuna sa buong mundo ang policy po na pagpirma ng confidential disclosure agreement para protektahan ang mga bagay na nakakasira sa interes ng vaccine manufacturer.

  • Hindi lamang sa isang vaccine manufacturer ang ating pinirmahan ng CDA, kung hindi ang lahat ng ating mga kausap.

  • Sinisiguro ko po sa inyo na hindi po tayo papasok o ang pamahalaan na pipirma sa isang kontrata na kung saan tayo ay madedehado.

  • We will always try to negotiate for vaccines that are safe, effective and cost-efficient.

  • On track ang implementasyon ng ating National Vaccine Roadmap. In fact po, magkakaroon po tayo ng dry-run at inspection po ng mga cold storage.

  • Gayundin po na wala pong korapsyon sa mga negosasyon.

  • Ang presyo ng mga binibili nating bakuna ay saklaw po ng CDA kaya po hindi natin maaring ilabas ang mga iyon sa publiko. Maari pong mawala sa atin ang 148 million doses ng bakuna na ating inenegotiate kapag lumabag tayo sa ating kasunduan.

  • Nais ko po ipakilala si Finance Usec. Mark Dennis Joven na aking katuwang sa pagnenegosasyon sa mga vaccine manufacturers.

  • Mahigpit po na nakabantay ang ADB at World Bank para masiguro at maayos ang ating funding scheme sa pabili ng mga bakuna.

  • Nakita natin na nagkaroon ng problema dito (NDA) ang Malaysia. Sabi ga po sa New Straits Times, "Vaccine deal at stake if info revealed."

  • Kami po ay humihingi ng paumanhin sa publiko na irespeto po natin ang ating mga kontrata. Dito po nakasalalay ang ating 148 million na vaccine.



Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • Tuloy-tuloy po ang pagtatrabaho ng gobyerno para masigurado na mayroon po tayong ligtas, epektibo na bakuna para sa ating mga kababayan.

  • Una po, ang ginawa nating vaccine czar ay nakipag-ugnayan siya sa iba't ibang sektor ng ating bansa.

  • Kaya po ngayon, ready na po sa mga susunod na araw ang pag-inspeksyon ng mga facilities kailangang gamitin para sa rollout, na magsisimula sa susunod na buwan.

  • Noong nakaraang taon, nakipag-usap ni Sec. Galvez at ang DOH sa mga logistics company at mga cold storage providers 'no kagaya po ng ORCA, Royal Cargo, Zuellig at iba't iba pa.

  • Sa ngayon po, 28 cold chain providers na ang nakausap at mayroon pa pong 5 na kinakausap sa kasalukuyan.

  • Ang importante po na maintindihan natin ay dapat very special ang mga paglalagyan ng mga bakunang pagdating.

  • Kahit nakausap na ang mga kompanyang ito, kakausapin pa rin ng vaccine czar at DOH secretary ang iba't ibang pang mga kompanya at asosasyon lalo na para sa mga areas sa ating probinsya.

  • Simula bukas, mag-iikot po ang ating vaccine czar at ang ating DOH secretary maging iba pang mga opisyal ng NTF para matignan ang mga iba't ibang pasilidad.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page