January 12, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Kahapon nagkaroon po ng pandinig ang Senado tungkol sa ating National Vaccination program. Nais lang naming linawin ang ilang mga aspeto tungkol dito sa pagbili ng mga bakuna ng mga lokal na pamahalaan.
Lumalabas sa sabi ng ilan ay nagkakaroon daw po ng monopolya sa pagbili ng bakuna at maraming nagsasabi na dapat hayaan nang bumili ng kanilang pangangailangan ang mga lokal na pamahalaan.
Well, ilalagay ko lang po sa konteksto ho. Nakakabili po ang mga lokal na pamahalaan ng bakuna pero ang pamamaraan ay rito sa pagpasok nila sa multilateral agreement for the advance purchase. Ito ay para sa bakuna na AstraZeneca.
Now, ano po bang nakasulat sa multilateral agreement na ito? Well, unang-una po ang pumasok sa multilateral agreement ay ang gobyerno ng Pilipinas, DOH, AstraZeneca at 'yong mga lokal na pamahalaan.
Now, ano pa ho bang nakasaad dito (multilateral agreement) na nagpapakita na ang mga lokal na pamahalaan ang bumibili ng bakuna? Makikita ho n'yo 'to sa probisyon do'n. Nakasulat po na ang mga LGU ay nag-offer ng kanilang tulong sa NTF (National Task Force) para makabili ng bakuna para sa kanilang mga constituents.
...At malinaw po sa kasunduan na ang... LGUS ang magbabayad po ng kanilang mga binibili sa AstraZeneca. So, pursuant to this multilateral agreement po 'yong LGU mismo ang magkakaroon ng budget para bumili sa AstraZeneca.
Pangalawa, nakasulat po na ang mga LGUs ang magbabayad ng presyo, 'no? Atsaka ang LGU rin po ang hindi lang magbabayad kundi magpapadala sa AstraZeneca ng kanilang mga bayad.
Pangatlo po, ang mga LGUs ang mababayad do'n sa mga gastos para makarating po sa kanilang mga lugar itong mga bakunang bibilhin sa AstraZeneca.
Pang-apat, ang mga LGUs magpapatupad o magkakaroon ng plano para po maikalat o mapabakuna ang mga inaangkat nilang bakuna sa AstraZeneca pero kinakailangan po na aligned ito sa National Deployment and Vaccination Plan ng ating national goverment sa pamamagitan po ng NTF.
Panglima po, ang LGUs po ay sumasang-ayon po sa mga prinsipyo na inadapt po ng ating National Immunization Program. Ito nga po pala 'yong sinasabi natin na magkakaroon ng geographical at sectoral priorities.
So, malinaw po 'no na hindi natin ipinagbabawal, walang monopolyo ang national government sa pagbili ng mga bakuna. Sa kasunduan po na kinuha po namin, 'no at ito po 'yong model contract na pinipirmahan ng mga LGU kasama ang Astrazeneca, National Government at DOH, sila ang bumibili, sila ang magbabayad, sila ang magbabayad ng lahat ng gastos sa delivery at sila ang magbabakuna do'n sa kanilang mga constituents.
Iyong issue naman na bakit daw hindi pwede pumili ang ating mamamayan ng ibabakuna sa kanila e simple lang po. Noong orihinal na sinabihan ng NTF ang Pangulo na ang unang bakuna na manggagaling sa West ay magsisimula pa lamang ng Hulyo, ang sabi ng Presidente: "Naku, kung ako ay atat na atat na para magkaroon ng bakuna, I'm sure ang ordinaryong Pilipino hindi rin makakahintay nang ganoong katagal na Hulyo pa."
So gumawa po tayo ng hakbang para mapaaga ang pagdating ng bakuna. So pagdating po ng bakuna sa Pebrero hanggang Hunyo, wala po talagang pilian 'yan dahil iisa lang ang bakuna na magiging available. 'Yon nga po 'yong galing sa Tsina.
Ulitin ko lang po huh? Sa Pebrero hanggang Hunyo, wala po talagang pagpipilian (bakuna) kaya't kung ayaw n'yo po ng Sinovac, well hindi kayo pipilitin. Kaya lang po, kung ikaw may prayoridad kung ikaw ay healthworker, senior citizen at ayaw mo n'yan, mawawalan ka ng prayoridad. Kailan uli magkakaroon ng bakuna na sana'y 'yong gusto mong brand? Eh kapag tapos na po lahat ng prayoridad. Ibig sabihin, pipila kayo with the rest of the Filipino population. 'Yon lang po 'yon 'no.
COVID-19 updates: According to Johns Hopkins, mayroon tayong 90,833,894 na mga kaso ng COVID-19 at nasa 1,942,974 na ang mga binawian ng buhay dahil sa coronavirus.
Usec. Maria Rosario Vergeire - Spokesperson, DOH:
Mayroon tayong tinatawag na national immunization technical advisory group. This is the NAITAG na binuo po para sa COVID-19 specifically.
At dito pinag-uusapan, ito pong proseso ng pagpapatupad ng deployment ng bakuna for COVID-19.
Isa po sa mga napag-usapan d'yan would be the prioritization of our sectors. Ito pong mga lumabas na mauuna po ang healthcare workers, senior citizens and also mayroon po tayong prioritization within each sectors of the population.
At lumabas din po ang mga isyu kung saka-sakaling dumating na ang mga bakuna ay maari bang tumanggi ang ating mga kababayan.
Unang-una po ang ating agreement d'yan and as recommended by our experts, mayroon naman ho tayong informed consent. So wala ho tayong mavaviolate do'n po sa mga karapatan ng ating mga kababayan.
Ang ating mga kababayan ay bibigyan po ng information kung anong klase ng bakuna atsaka ano po ang maidudulot na maganda at kung ano ang possible side effects and then ibibigay itong consent.
Ngayon, kung hindi po sila sumang-ayon o kung hindi muna sila magpapabakuna for whatever reason at hindi naman po mabibigyan ng bakuna hanggang sa huli, ilalagay lang po sila sa bottom list so that the other individuals can receive the vaccine.
But this is what I would like to emphasize to the public: Lahat ng bakuna kapag pumasok sa ating bansa ay sisiguraduhin po 'yan ng ating FDA na ito ay magiging ligtas at magiging epektibo sa ating mga kababayan.
So any kind of vaccine that will come into the country, basta nabigyan na ng EUA ng FDA, equal footing na po iyan... Kaya hindi po natin kailangang mamili tayo ng bakuna.
Kung ano po 'yong mauuna na bakuna ay tanggapin po natin 'yan.
Tandaan po natin 'yong objective ng gobyerno kaya tayo kumukuha ng bakuna ay para maibsan na po natin ang sitwasyon natin ngayon and this is our way, one of our strategies para mapigilan natin ang pagpapatuloy na pagtaas ng kaso.
'Yong transmission rate na ipinakita ng OCTA Research Group ay halos pareho sa atin. 1.1 tayo sa ngayon, Philippines including the regional areas.
Pangalawa ang gusto ko lang sabihin sa public na we have to interpret cautiously itong mga kaso ngayon. We have seen in the past 4 days na tumataas ang kaso natin compared to the 7-day moving average na mayroon tayo during the holiday period.
So ngayon lang po nagnonormalize ang functions ng mga laboratories natin and this might have effect on the reported number of cases.
So gusto pa nating tingnan pa by another 1 week pa siguro para we can have a more accurate conclusion kung ano po talaga ang trends ng kaso natin.
As to the January 9 celebration, as we always say, we count 14 days because this is the incubation period of the virus. So after 2-3 weeks saka natin makikita kung sakaling makakaapekto ito rito sa mga kasong nakikita natin ngayon.
It's almost the same. Nakita natin ngayon dito sa ating mga bago nating tinatalang mga kaso na ang NCR ay medyo hindi sila nagbibigay ng pagtaas ng mga kaso. Nasa ibang regions natin nakikita sa ngayon.
We were able to trace the contacts of the female domestic helper identified with the UK Variant in Hong Kong... All of these close contacts that have been identified are in quarantine.
Dr. Lulu Bravo - Professor Emeritus, UP-PGH:
Walang bakuna na 100% safe and 100% efficacious. Sa amin na nasa adverse event, ang aming unang-unang titingnan talaga ay safety at posibleng magiging epekto sa mga nabigyan nito.
Sana magtiwala tayo na mayroon tayong National Adverse Event Following Immunization Committee na talagang magi-imbestiga at huhusga.
Hindi pare-pareho talaga ang safety and efficacy ng iba't-ibang bakuna. Kaya kailangan ng mahabang pag-aaral at pagi-imbestiga, at iyan ang gagawin ng iba't-ibang kumite sa ilalim ng FDA.
Napakarami nating eksperto sa bakuna na magsasama-sama upang siguraduhing ang ibibigay sa ating bakuna ay iyong talagang nararapat at mataas. Wala tayong concern about safety.
Kapag tayo ay maniniwala sa mga experts, iyon ang magiging batayan natin para tayo mawalan ng anxiety, mabalik ang pagtitiwala natin sa ating bakuna.
Of course not, kasi napakakomplikado ng mga aspeto ng bakuna. In fact, mayroon tayong masteral degree sa Vaccinology na sa Italy pa ginagawa.
Comments