MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS
- DWWW 774 Admin 05
- Dec 10, 2020
- 3 min read
December 10, 2020
Moderated by Sec. Harry Roque:
Narinig natin noong Martes ang estado ng telekomunikasyon sa bansa mula mismo sa bibig ng telco companies.
Dumami ang construction permits na na-issue at dumami rin ang towers na naitayo. Mayroon mga improvements.
Narinig din natin mula sa National Telecommunications Commission kung nasaan ang Pilipinas kumpara sa mga karatig bansa sa Asya. Hindi po tayo masaya na tayo ay nasa gitna ng ranking.
Ayon sa Speedtest Global Index, internet speed for mobile broadband improved by 94.35% from 7.44 Mbps in July 2016 to 14.46 Mbps to February 2019. Pang number 33 pa po tayo.
At nung nagalit ang Presidente, ayon sa Speedtest Global Index October 2020, pagdating mobile broadband speed ay ang-34 ang Pilipinas. Halos walang pinagbago samantala ang Thailand ay nasa pang-16, ang Vietnam ay nasa pang-18 at ang Laos ay nasa pang-22.
Hindi natin mararating ang word-class status kung may mga ganitong aberya sa mga serbisyong itinuturing na basic sa sektor ng telekomunikasyon.
Patuloy ang ating pagmomonitor sa mga telco companies.
Atty. Jeremiah Belgica - Director General, Anti-Red Tape Authority:
We have to understand na tayo ay nag-e-employ ng 1-2 Punch Paspas Permit system po natin. Ang 1-2 Punch po na ito ay kombinasyon ng no. 1, 'yong automatic approval provision po ng ARTA Law o R.A 11032.
Ang automatic approval po ay ibig sabihin ay kung kumpleto ang requirements, fees, lagpas 7 araw na nakabinbin, automatically approved na 'yan.
Ang second po na punch natin ay 'yong streamlining na ginawa po natin. Pinangunahan ng ARTA, DICT, DILG at ng iba pa hong mga government agencies na ating kasama.
Now, after po ng ating nabanggit ng ating Pangulo 'yan sa kanyang recent SONA, ang joint memorandum circular oversight committee ay ang ating pong ni-convene at nagkakaroon ho tayo ng regular meetings every week every Thursday
kasama po ang mga telco companies.
At nagkakaroon ho tayo ng meetings.. pinatawag po natin ang mga telco compamies at pinag-submit po natin ng lahat ng naka-pending nilang applications sa buong Pilipinas po.
And to give us an understanding kung ano po ang aming natuklasan sa mga hearing na 'to at submission, a total of 1,572 initial applications ang ibinigay po sa amin sa lahat ng 335 cities/municipalities ang isinubmit sa aming ng Globe at SMART.
Ang aming natuklasan dito ay mayroong kakulangan, kasi only 132 applications or 8% lamang ang na-identify na kumpleto ang documentary requirements and payment of fees.
Ang nakita naman ng mga telecoms ay hindi sila nakakapagbayad dahil hindi sila nabibigyan ng order of payment.
Mga bagong applications naman na pumasok o papasok ay hindi na ganoon kahaba at kahirap ang proseso. Dati ay 13 permits, ngayon ay 8.
Ang resulta nito ay napakaraming permits na lumabas.
By January, we expect the logistics sector ay makita rin ang dramatic na streamlining.
Ang BIR ay kasama sa ating hurisdiksyon, ang kanilang mga processes, at ang kanilang mga sistema riyan.
OPEN FORUM:
As of 12 noon, hindi pa natatanggap ng Palasyo ang copy ng 2021 budget. Patuloy kaming naghihintay. Bibilisan naman ng Palasyo ang pagsusuri sa budget.
Regarding statement of DDB Cuy about making the PH drug free the time that President's term come to an end is no longer a realistic goal: Sa korte po ang sasabihin ko po ay objection / misleading kasi hindi po 'yon ang sinabi ni Usec. Cuy. Ang sinabi niya (Dangerous Drugs Board Chairman Catalino Cuy) ay iyan pa rin ang ating goal na maging drug-free ang Pilipinas by 2022. Pero mangyayari lang ito kung paiigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga ginagawang hakbang para maging drug free ang ating mga barangay.
Sa ngayon po, mabuting balita e out of 42,045 barangays e 20,538 barangays na ang drug-free.
Kampante pa rin tayo kung makikipagtulungan talaga ang lokal na pamahalaan, iyong natitirang 14,308 barangays ay magiging drug-free pa rin pagdating ng pagtapos ng termino ng presidente.
Importante talaga na paigtingin pa natin ang kakayahan ng ating kapulisan na bigyang katugunan ang mga kriminal, at the same time ay respetuhin ang karapatang pantao ng lahat.
Marami na tayong nagawa riyan. Unang-una ay iyong mas malapit na koordinasyon sa panig ng piskalya at kapulisan.
Patuloy ang technical training ng ating mga kapulisan para sa pagpa-process ng physical evidence.
Kommentare