top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

August 2, 2021





Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Good news po muna tayo. Binabati natin si Nesthy Petecio ng Women's Featherweight Boxing at Eumir Marcial ng Men's Middleweight Boxing. Sigurado na po na mag-uuwi ng silver medal si Nesthy at bronze medal naman kau Eumir. Mayroon pa po silang laban at pupwede pa po ito maging ginto.

  • Kasama ni Nesthy at Eumir ang buong Pilipinas sa pagdadasal sa kanilang tagumpay pati na rin po ang iba pang atletang Pilipino na lalaban sa Tokyo Olympics tulad ni Carlos Yulo na magpapakitang gilas po mamayang hapon, alas-4.

  • Mahigit 20 milyo o 20,863,544 na po ang total doses ng COVID-19 vaccine ang na-administer natin.

  • Mahigit 9 milyon o 9,115,963 ang fully-vaccinated na po.

  • Pagdating naman po sa supply ng bakuna, walang humpay po ang dating nito.

  • Inaasahan ngayong araw, August 2 ang 415,000 doses ng AstraZeneca na donasyon ng UK government.

  • Bukas, August 3, inaasahan naman na darating ang 3,000,060 doses ng Moderna na donasyon naman ng US government.

  • Tuloy pa rin po ang pagbabakuna sa mga lugar na nasa ECQ at MECQ. Siguradong-sigurado po 'yan dahil sasamantalahin natin ang panahon na ito para mas maparami ang babakunahan.

  • Pinayagan po ang ganitong klase ng pagtitipon at gathering dahil maituturing ito na essential activity.

  • Inaasahan din ngayong first week ng August na darating ang 1 million doses ng Sinovac.

  • Ang nagbago lang naman po so far (sa quarantine classifications) ay unang-una, nagdagdag po ang mga lugar ng Laguna at Aklan, kasama po ang Lapu-lapu City at Mandaue City sa MECQ. Ang Apayao rin ay nadagdag no.

  • Sa GCQ naman po, naibaba ang classification ng Cebu Province galing MECQ to GCQ with heightened restrictions.

  • At 'yong mga wala naman po sa listahan na ipinapakita ay mapapasailalim sa MGCQ.

  • Lilinawin ko lang po, hindi lang po ngayong linggong ito na nasa heightened restriction ang Metro Manila, mayroon pa po tayong additional restrictions.

  • Well alam naman po natin na bawal ang outdoor non-contact sports sa Metro Manila.

  • 'Yong ating personal care services ay hanggang 30% (venue capacity)

  • Wala po tayong indoor at al-fresco dining. Ayan po talaga ang pinakamalaking pagkakaiba.

  • Wala pong mass gatherings.

  • Wala rin po tayong interzonal travel. Bawal na pong lumabas at pumasok ng Metro Manila unless essential po 'yan.

  • Nagkaroon ng dalawang opsyon ang IATF — outright ECQ, or may 1 week palugit pero mas strikto kaysa GCQ with heightened restrictions.

  • Ang ating mga kabataan at mga senior citizens na hindi pa bakunado, homeliners muna tayo.

  • Sa ibang mga bagay, pinirmahan po ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, July 30 ang R.A 11572 An Act establishing the Philippine Energy Research and Policy Institute, defining its objectives, powers and functions, and providing funds therefor.

  • Ang institute ay magiging isang individual agency attached sa Pamantasan po ng Pilpinas.



Benhur Abalos, Jr. - CHAIRMAN, MMDA:

  • 'Yong tinatawag po natin na quarantine pass ay kung ano po 'yong pinaractice ng mga LGU noong araw ay ayon po muna ang gagawin po namin ngayon kasi mabilisan po ito ngayon.

  • We're just talking about 5 more days from now para mag-imprenta kami at mag-collate ng mga pangalan... masyadong mabigat po.

  • So sa ngayon po, each of the LGU ay magbibigay ng instructions kung alin ang pinractice noong araw ay as much as possible effective naman na mapababa ang kaso, ayon na lang din po ang gagawing practice.

  • On checkpoints: Inaayos na po ito ni Sec. (Eduardo) Año.

  • In fact, going... I think he is imposing certain controls outside of Metro (Manila) pero pagdating po ng August 6, itong border controls natin ay within NCR na po.



Dr. Edsel Salvaña, Infectious and Diseases Specialist:

  • The way we look at 'yong mga models nga kagaya ng sinabi n'yo na mayroon tayong options 4 weeks na hard ECQ starting August 1 or 'yong mayroon po 1 week na palugit...

  • 'Yong nakita naman po natin sa models, either of those options, will actually result in drastic decrease in the projected number of Delta variant cases bagama't mataas pa rin ang mangyayari compared to 2 weeks na gawin natin o maikli.

  • Kapag dumating na tayo sa point na tataas na yung number of cases natin because of Delta surge, kung karamihan sa atin ay nabakanuhan na by that time, then 90% decrease na mga kailangan idala sa hospital at 90% decrease sa mga mamamatay.

2 views0 comments

Recent Posts

See All
Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page