top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

August 9, 2021





Moderated by Sec. Harry Rocue:


  • Sa pagtatapos po ng Tokyo Olympics, ang Pilipinas ang officially best performing country sa Southeast Asia. Isang gold, dalawang silver at isang bronze ang nasungkit ng ating mga atleta.

  • Nagpapasalamat po tayo sa ating mga atleta, sa kanilang mga coaches, trainers at mentors at sa sambayanang Pilipino sa kanilang walang sawang suporta.

  • Narating natin ang best Olympic Performance ng Pilipinas in history.

  • Let us seize the moment and sustain the momentum in Paris 2024.

  • Balitang IATF naman po tayo. Nagkaroon ng updated community quarantine classifications para sa buwan ng Agosto.

  • Mula August 6 hanggang 15, ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro ay nasa ECQ.

  • Ang Bataan naman ay nasa ECQ mula August 8 hanggang 22.

  • Samantala, mula August 6 hanggang 15, ang Cavite, Rizal, Lucena City at Iloilo Province ay nasa MECQ.

  • Pang-huli, ang mga probinsya ng Batangas at Quezon ay nasa GCQ with heightened restrictions mula August 6 hanggang 15.

  • Nasa 10.9 million individuals o 80% ng populasyon sa Metro Manila ang makikinabang sa cash aid.

  • Nasa P10.894 billion ang ini-release na financial assistance ng DBM para sa affected individuals and households sa Metro Manila na inilagay sa ECQ.

  • Ito po ay diretsong ni-download ng Bureau of Treasury noong Biyernes sa mga concerned LGUs.

  • Inaasahan na makatatangap ng P1,000 kada indibiwal at maximum na P4,000 kada household.

  • Balitang bakuna naman tayo. Nasa 24 million o 24,479,750 ang total doses administered as of August 8.

  • Mahigit 11 milyon o 11,391,969 ang fully vaccinated.

  • Dumating kahapon ang 326,400 doses ng Moderna COVID-19 vaccine.

  • Inaasahan naman natin sa Miyerkules, August 11 na darating ang 813,150 doses ng Pfizer na binili ng pamahalaan.

  • Habang 2 million doses ng Sinovac (vaccine) na binili ng pamahalaan ang darating sa Huwebes, August 12.

  • May mga nasabi bagama't walang pangalan, binanggit na nag-trigger ng panic sa ilang vaccination site noong nakaraang linggo.

  • Linawin po natin. Nangyari po ang pagdumong ng mga tao sa ilang vaccination site sa Metro Manila at Region IV-A noong madaling-araw o umaga ng Huwebes, August 5.

  • Kailan po huli nagsalita ang Presidente sa bagay na ito? July 28 pa po. Ang tinutukoy lang po ng Pangulo ay nasa priority lane na ayaw magpabakuna.

  • Kinakailangan naman po ng LGU na tanggapin ang katungkulan na isaayos ang pagbabakuna at huwag ibaling ang sisi sa ating Presidente.



Sec. Rolando Bautista, DSWD:

  • Actually, binigay na po namin ang desisyon kung kailan magsisimula ang pagbibigay ng financial assistance sa kanilang mga constituents sa kanilang local chief executives, ito po 'yong mga NCR mayors.

  • So ang napagkasunduan po nila ay mas maganda kung sabay-sabay sila magbibigay ng ayuda para sabay-sabay ding makatanggap ang kanilang mga constituents.

  • Unang-una, 'yong financial assistance na ibibigay that will cover apparently 'yong food provision pero ang DSWD naman po kapag nag-request ang ating mga lokal na pamahalaan ay nakahanda naman po tayo mamahagi ng ating mga family food packs at siguro inilaan talaga itong special assistance para maprayoridad ng mga indibidwal o ng pamilya ang of course, ang kanilang makakain sa araw-araw.

  • Based sa ating Inter-Agency TWG, ang request po ng budget para sa Laguna ay pinadala na po ng DBM sa Office of the President pero ito pong sa Bataan, dinedtermine pa po kung ilan 'yong benepisyaryo na makatatanggap base na rin po sa rekomendasyon ng LGU.



Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • Nakapagrelease na po ang DOH ng 3 milyong bakuna sa Metro Manila simula noong nakaraang linggo.

  • May hinintay lang po na certificate of analysis/documents ang ating FDA para magamit 'yong Sinovac vaccine na dumating kahapon.

  • Regarding testing during ECQ: Nag-aaverage po tayo ng 57,000-58,000 per day.

  • Ang importante po e kahit nasa ECQ tayo ay sa bahay po muna ang mga kababayan natin.



Usec. Jonathan Malaya, DILG:

  • Tama po kayo. Nag-meeting po ang mga mayor sa Metro Manila noong Sabado at Linggo kasama po ang DILG at si Sec. Rolly Bautista.

  • Sa mga meetings na 'yon, we informed the various mayors na naibaba na po 'yong pondo sa kanilang mga LGUs at pwede na po sila magsimula ng pamimigay.

  • Ngunit, gusto ko lang po i-emphasize na hindi po gano'n kabilis na maglabas ng pondo ang mga LGU dahil una po, they will have to identify the distribution sites. They will have to authorize the special disbursement officers para mamigay ng pondo.

  • Kailangan din po siguraduhin na wala pong kumpul-kumpulan na mangyayari sa mga distribution sites natin so magmomobilize po tayo ng mga barangay tanod, mga PNP officers.

  • And most importantly po, kailangan po masiguro na mayroong karampatang cash para masimulan ang pamimigay ng ayuda.

  • Kaya nga po sa meeting doon sa mga NCR mayors, napagkasunduan po nila na magsimula sa Miyerkules.

  • Base po doon sa ipinalabas na Joint Memorandum Circular ng DSWD, DILG at DND, mayroon pong 15 days ang ating mga LGU na tapusin ang pamimigay ng ayuda.

  • Ngunit, alam naman po natin ang hirap sa pamimigay ng Delta variant surge. Dahil nga po dito, mahigpit pong ipatutupad ang social distancing at walang mass gathering sa pamimigay ng ayuda.

  • Nagsabi na rin ang mga LGU na kung hindi nila matatapos (ang pamimigay) within 15 days, pwede raw po ba sila mag-request ng extension. Pumayag din naman si Sec. Eduardo Año at si Sec. Rolly Bautista sa request of extension.

4 views0 comments

Recent Posts

See All
Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page