top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

SERYOSONG EPEKTO NG COVID-19 VACCINE, SASAGUTIN NG PHILHEALTH

Updated: Jul 2, 2021

July 1, 2021



Inanunsyo kamakailan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang compensation package nito para sa mga pasyenteng magkakaroon ng serious adverse effects (SAEs) matapos mabakunahan para sa COVID-19 na maoospital, permanenteng mababalda o mamamatay, alinsunod sa PhilHealth Circular No. 2021-0007 na nalathala noong Hunyo 18, 2021.

Sa isang media forum ng Department of Health, sinabi ng PhilHealth na ang compensation package ay makakamit lamang sa mga nabakunahan sa ilalim ng Philippine COVID-19 Vaccination Program. Ang pakete ay nagkakahalaga ng P100,000 para sa confinement para sagutin ang natitirang bayarin ng pasyente matapos maibawas ang PhilHealth benefits, mandatory discounts, at iba pang benepisyo mula sa health insurance companies and health management organizations (HMOs).

Makatatanggap naman ng P100,000 ang bawat benepisyaryo para sa mga kaso ng permanent disability o pagkamatay.

Sa kabilang banda, ginarantiyahan ng PhilHealth ang coverage para sa mga pasyenteng nabakunahan sa ilalim ng ibang mga programa, lalo na sa private sector, kung ang bakuna ay galing sa Philippine COVID-19 Vaccination Program.

Ang compensation package ay para sa mga claims mula March 3, 2021 hanggang March 2, 2026 o hanggang matapos ang vaccination program, alinman ang mauna. Kailangan ding nakatanggap ang pasyente ng kahit isa man lang sa mga vaccine shots mula sa nasabing vaccination program.

Bukod dito, ang bakuna ay dapat walang Certificate of Product Registration noong ito ay ibinigay sa pasyente; ang benepisyaryo ay hindi nakatanggap ng compensation mula sa COVAX no-fault compensation program; at ang resulta ng causality assessment ay dapat “vaccine product-related reaction” o vaccine quality defect-related reaction”.

Ang hospitalization benefits ay maaaring ma-avail ng higit sa isang beses hangga’t hindi pa nauubos ang P100,000, samantalang ang permanent disability o death compensation naman ay maaaring ma-claim ng isang beses lamang.

Upang makapag-claim para sa hospitalization, kailangang maisumite kasama ng ibang requirements ang mga sumusunod: proof of COVID-19 vaccination (vaccine card or slip); vaccine injury assessment survey; statement of account; medical certificate; at official receipt na nagsasaad ng deduction ng PhilHealth benefits, private insurers/HMOs, at out-of-pocket expenses. Ang ibang supporting documents tulad ng duly signed physical examination report na inilalahad ang disabling manifestation o death certificate ay dapat ding maisumite para sa permanent disability o death claims.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa PhilHealth Action Center sa (02) 8441-7442; magpadala ng tanong sa 0921-6300009 upang makatanggap ng tawag mula sa PhilHealth; o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph.

17 views0 comments

Comments


bottom of page