top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

TALK TO THE PEOPLE OF PRES. DUTERTE ON COVID-19 FULL TRANSCRIPT

January 13, 2021




PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE: You know, so we can have a brevity in our narratives tonight, mag-umpisa na lang ako doon — dito sa mga tao na sinibak ng gobyerno sa Ombudsman.

Basahin ko na lang para wala na silang hintayin. And for those who do not want to listen, well, after reading your name, you can go.

Mag-umpisa tayo ngayong gabi, good evening to you all, good evening to my fellow workers in government — ito ‘yung mga workhorse talaga ika nga, the workhorse of the national government: si Secretary Duque, Secretary Galvez, Secretary Roque, ang ating Defense Secretary ‘yung overall, pati Senator Bong Go.

Basahin ko lang ‘yung mga tao na wala na sa gobyerno. I will read the names, the agency, the position, the nature of the case, and the date of decision.

Alejandro Rivera – Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation, regional vice president. Nature of the case is conduct prejudicial to the best interest of the service, dishonesty, and grave misconduct.

Lahat sila ito pare-pareho ‘yan, dismissed from service with accessory penalties of cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, and the perpetual disqualification for reemployment in the government service. Ibig sabihin he can no longer seek employment sa gobyerno.

Ang sunod si Ana Turaray – Gattaran, Cagayan, municipal treasurer. Conduct prejudicial to the best interest of the service tapos misconduct, two grounds. Pareho ‘yan.

Joben Manarpaac – Barangay Bayog, Los Baños, Laguna, barangay captain. Grave abuse of authority, grave misconduct, and serious dishonesty.

Dito ang sunod si Laica Macapua – Barangay Bayog, Los Baños, Laguna, barangay secretary. Apparently, magkasama sila sa kalokohan ng barangay captain — eh barangay secretary ito, same jurisdiction. Grave abuse of authority, grave misconduct, and serious dishonesty.

Arnel Paguirigan – Barangay Bagay, Tuguegarao City, Cagayan, barangay captain. Conduct prejudicial to the best interest of the service, grave misconduct, serious dishonesty, violation of R.A. 6713.

Tapos ang sunod, Janet Escalada – Romblon, administrative aide VI. Ang nakalagay dito “graft.”

Orly Pastrana – Romblon, administrative aide IV. Graft — graft and corruption ‘yan.

Rowena Garcia – barangay treasurer. Grave misconduct, violation of R.A. 6713, August ang napaalis.

Lara Jill Lorbis – Barangay San Luis, Luisiana, Laguna, barangay treasurer. Grave misconduct, March 9, 2020.

Itong mga treasurer karamihan niyan barangay, municipal city, o kaya sa national, dito sa gobyerno ko mga involved sa pera ‘yan.

Now, I’m going to read the list of AFP personnel discharged from service, mga sundalo.

Number one is Quartermaster 1st Class Petty Officer Elpidio Aromin – Philippine Navy, fraud against the government.

Petty Officer 2nd Class Jesus De Egurrola – Philippine Navy, fraud against the government. Apparently isang submission lang ‘to.

Disbursing officer — pera ‘yan — Petty Officer 2nd Class Lecyl Nambatac – Philippine Navy, fraud against the government – embezzlement – pera ‘to; misappropriation and misapplication of government funds — pera ‘to; conduct prejudicial to good order and military discipline — dapat lang.

Apprentice Seaman Ed Mark Saura – Philippine Navy, fraud against the government.

Seaman Second Class Sunny Boy Beberino – Philippine Navy, fraud against the government.

Mayroon akong i-discuss sa inyo sa — diretso na ako. And I will ask — after that, si Secretary Duque and Secretary Galvez will follow. Parang isang subject matter lang ‘to, it’s the COVID.

Alam mo maraming local government units who opted to go on their own. Sila ang magbili, may pera sila at sila ang mamili ng kanilang vaccine or whatever. Basta gusto nila sila. And they insist that they’d be given the freedom to choose because may pera sila.

Alam mo totoo lang we are not forcing anybody to join the cause of the national government. Hindi namin pinipilit na sumali kayo sa ibibigay na bakuna ng national government. Ito libre at pinaghandaan ang pera.

Iyong Secretary of Finance — yesterday we had a Cabinet meeting or was it the other day? Sabi ni Sonny Dominguez, we have the money. We have the money and we have the right persons especially si Secretary Galvez. Ako pinili ko siya to be the sole person who would be responsible from the acquisition — from the purchase and up to the distribution. And I have called upon the police and the military to help kasi kung ang mga kababayan natin would opt to have the bakuna, magulo ‘yan. It’s either in health centers or a few police, few soldiers would just be there to supervise ‘yung linya, first come, first served na walang gulo at hindi magwawala ‘yung mga tao.

Now, the bakuna that Secretary Galvez is buying is as good as any other bakuna na naimbento ng mga Amerikano o mga Europeans. Hindi nagkulang ang Chinese, hindi sila nagkulang sa utak. Bright itong mga Intsik at they would not venture kung hindi sapat, it is not safe, sure, and secure. Iyong tatlo: it must be safe; sigurado, sure; and secure. That is the guarantee.

Ako, kung ano ang piliin ni Secretary Galvez would bind me. Parang ako na rin ang bumili ng bakuna. So hindi ako magbili ng bakuna na hindi tama. Itong Sinopharm pati Sinovac nabakunahan na nila lahat halos ang kanilang… Kaya normal na ang buhay nila ngayon. But they are afraid of the new strain. So pag-usapan natin ‘yan later on. So iyan ang ano.

Kung ayaw ninyo, okay lang. Walang problema. Kung kayong walang pera at gusto ninyo ng bakuna na mas maganda, mas mabisa, wala, tabla lahat ‘yan. Pareho lang ang pinag-aralan nila. The same microbes ang pinag-aralan nila so kanya-kanya ‘yan. It does not mean to say that the Americans or the Europeans, the EU, are better than the Chinese.

Ako, kung ano ang piliin ni Secretary Galvez, kung ano ‘yung responsibility niya, responsibility ko rin. Ultimately, actually, sa lahat ng ito, kung may bulilyaso, iyong aming sa gobyernong pinili at nine-negotiate ngayon, kung may bulilyaso, at the end of the day, akin talaga ‘yang responsibilidad.

I can only act through Cabinet members kasi hindi ko ma-follow up ‘yang trabaho na ‘yan sa karaming trabaho ko. So ibinigay ko kay Galvez. Ang criteria is that honest na hindi magloko hindi kagaya nitong iba sa gobyerno karami nito.

Sigurado ‘yang kung ano ang sinabi ng mga dalawa dito, si Secretary Duque pati Secretary Galvez, parang is as good as my word, too. Ako mismo. Ako ang nag-garantiya sa inyo na mas mahusay itong pinili nila, maniwala kayo. Maniwala kayo.

Ayaw ko na lang mag-discuss kung sino ang mabuti. Kay hindi ko naman sabihin na pangit iyong… Ito mas mahusay, mas mabisa at makuha kaagad natin. Kayong ayaw, bahala kayo. For the statistics or the — maybe the empirical data would bear us out na we have chosen at least one that is safe, sure, and secure kayo.

Bahala ‘yung… I am now addressing to — myself to the mayors and governors: You can choose any vaccine you like to buy. Wala kaming pakialam kung ano ang pipiliin ninyo. That’s one thing. Hindi kami makialam sa lahat ng bagay in the purchase.

But maybe — but maybe, I don’t know… Alam mo kasi may batas tayo na lahat ng medisina of whatever nature and whatever characteristics, magdaan talaga muna nang pagsilip sa gobyerno.

Ang gobyerno kasi ang last eh. Ang gobyerno ang babagsak dito after sa bakuna ng iba, tapos may bumagsak na limang libong Pilipino, ililibing ako niyan. Not because namili sila ng pangit — hindi naman talaga…

It is government who will say, “Sige, ito ang pinili mo, Brand A, titignan ko ha, sandali.” Pagkatapos niyan, “Oh, okay ‘to.” Itong mga lahat na sinasabi nilang mga kompanya, mahuhusay ito. It’s being applied now in Europe and America. Nagro-roll out na sila dito.

So tayo… Alam mo totoo, ganito ha. Makinig kayong mabuti. Bakit natagalan? Alam mo, ang medisina ngayon pinakademand. So there is always the economics ang tawag “supply and demand”.

Tayo, kasi maghiram tayo ng pera, nag-negotiate pa tayo, hindi talaga tayo papansinin niyan. Ang papansinin ‘yung may pera. Highest bidder ‘yan. Iyong lahat ng lumabas ngayon, puro sa Amerikano ‘yan, puro sa Europeans. Wala pa tayo pati ang Asia.

We are waiting for their supply. Law of supply and demand. In demand masyado, nag-aagawan. Highest bidder ‘yan. So iyong may pera, nauuna talaga mabigyan. Pera-pera lang itong buhay na ito eh maski na sabihin mong COVID.

So iyong walang pera o sabihin mo kami may pera, naghiram kami sa bangko, approved na, ready na kami may pera rin kami, sabihin man nila, “Oh, sige, pero papel muna ‘yan. Dito muna tayo sa may pera.” Lalo na doon ginawa, siyempre doon talaga sila susunod.

Iyan ang totoo diyan. Hindi sabihin nagkulang. Sabihin nila, “Ano bang klase itong si Secretary Galvez? Bakit hindi na tayo mag-umpisa?” Mga kababayan ko, wala pa ang supply natin, ginagawa pa.

Iyong natapos na, binili na ‘yon ng mga bayan, countries na may pera. Kapag ganoon, “In exchange, bibilhin ko ‘yan. Oh, ito ang pera ko.” Tayo, alam nila na walang pera, nag-ne-negotiate pa tayo. Ngayon, approved na.

Sabi ni Dominguez, “We have now the money.” So kunin lang nila diyan sa bangko ‘yan or we will deliver the document to them representing the amount of the vaccines that we will buy. Wala akong… Ang masasabi ko lang, sa totoo lang, tabla ‘yan sila sa bisa pati ‘yung safe and secure ba ‘yan.

I can say na kung ano ang bibilhin ni Secretary Galvez, iyan, it carries with it my approval. Sabi ko nga, in the end, ako ang mananagot nito. So iyan ang katotohanan diyan.

Bakit wala pa hanggang ngayon? Ba — magtanong nga. Bakit nga? Why? Kasi iyong pera. Ngayong may pera na tayo, sa bangko lang nga, ang problema ‘yung supply binili lahat ng mayayaman na bayan.

Agawan ito ngayon. Kung sino ‘yung makabigay ng pera, sabihin mo, “Magkano ‘yan?” “Five thousand each.” “Oh, sige, bilhin ko ‘yan 6,000. Akin ‘yung supply lahat.” May pera sila eh.

We cannot do that na sabihin ni Dominguez doon, “Magkano ‘yan?” “Ito 7,000 itong napili mo kasi mahal. Pero ito, hindi iyo kasi binili na ito.” “So bibili ako, babayad ako ng 8,000,” he cannot do that.

Hindi natin pera ito, hindi pera niya, and he’s not allowed to play — mag-barter ka diyan sa mga ganoong bagay. Iyan ang problema sa ating gobyerno.

Problema sa ating gobyerno na hindi talaga problema because that is the law and we do not have the money. Now that we have the money, we have ordered pero at the tail end tayo — buntot na tayo maghintay.

Pero ‘yung supplier ng vaccine o may-ari ng vaccine, if you may, nag-usap na sila ni Secretary Galvez. A Chinese — and lahat, ako, lahat, doon tayo kukuha. Doon iyong bakuna na kunin natin. Iyon ang ano. Huwag ninyo masyadong ano kasi kung hindi kasi…

You know, in a — a community of people na kulang sa alam, ayan ang naga — madadala kayo dito sa mga imbestigasyon, mga ano… Huwag niyo — sabi ko sa inyo huwag ninyong pakialaman iyan. Puro ano lang ‘yan. Pagka may isyu, huhulihin kaagad nila. Anong isyu ngayon? Anong — anong — may mali diyan, imbestigasyon kaagad.

Every transaction, lahat — pati ‘yung sinasabi ng barko — itong p***** i**** aso, si Trillanes. Nandiyan na ‘yung ano, naka-parking na iyon, sila ‘yung nagbili. Tapos ito nagya-yawyaw sila, ako pati si Bong. P***** i**. Loko-loko talaga iyan. Parang aso, walang utak.

So, let us listen first to Secretary Duque.

DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III: Sir, iuulat ko lang po ‘yung nabanggit ko kanina about our discovery of the first — University of the Philippines-Philippine Genome Center reported today a sample that is positive for the UK variant. This is the B117 of COVID-19.

This was discovered or detected in a 29-year-old male residing in Kamuning, Quezon City with his girlfriend and parents. They are real estate agents who have not reported physically at their office and they go out only for essentials.

They departed for Dubai on December 27 for business purpose and accompanied by his girlfriend at sila po ay sinuri at lumabas ang resulta doon na negative upon arrival in Dubai.

Nandoon po sila — doon po sila sa apartelle sa Dubai, sila lang pong dalawa doon sa kanilang lugar sa apartelle. Nagkaroon po sila ng isang business meeting while in Dubai with another individual on December 30. They were reported to have visited malls, groceries, and tourist sites.

Dumating po sila, Ginoong Pangulo, sa Manila via Emirates EK332 nito pong nakaraan January 7. Sinuwab po sila, which is the SOP in the NAIA Terminal 3 upon arrival and went to the chosen quarantine facility sa isa pong hotel.

Ang test result was released January 8, ‘yung kanila pong RT-PCR at lumabas po na positive at ni-refer po sila kaagad sa isang Quezon City isolation facility na kung saan po inex-ray at ang findings ay mayroon pong pneumonia and currently under medication — ginagamot po sa kasalukuyan. Iyon naman — ‘yon naman pong kanyang girlfriend ay tested negative. Pero ganoon din po, kinuwarantine na rin po ‘yung kanyang girlfriend.

Both allegedly had no travel outside of Quezon City noong December or no known exposure to a confirmed case or a setting with known cases. The only known contacts are the cases’ parents, who are currently asymptomatic and staying in their residence. But as of this afternoon, the epidemiology surveillance team of the DOH, together with the Regional Epidemiology Surveillance Unit, have already gone to Mayor Belmonte to discuss these findings.

So, ito lang po ang preliminary report. We will come up with a more complete report tonight, Mr. President, with your permission. And tomorrow we will have a press conference in the morning to answer questions with regard to this particular case.

PRESIDENT DUTERTE: You know, nagpapasalamat tayo, I thank you for the active surveillance of people who are affected with COVID-19.

Baka hindi masyado nakuha ‘yung mga tao nakikinig sa atin. [Isinauli ko na muna ‘yung… Baka mahuli tayo ng pulis. Pero sa totoo niyan para akong… Walang hanging pumapasok, puro labas lang.]

Iyong… May bagong ano — iyong COVID na microbe, may sumakay ng iba. Parang kasama niya or ‘yung ibang microbes, apparently after the vaccination, nag-ano — nag-mutate. May bagong monster na naman.

And I pray to God really na sana — sana na hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID, ‘yung ginagawa ng bakuna ngayon — bakuna laban diyan sa…

Kay kung mga bago ito, titingnan ng mga experts, mga doctors, they will raise the alarm. Sabi nga ni Dr. Du[que], ngayong gabi, pupuntahan nila to make sure para we can take steps to isolate, sequester and maybe treat them na hindi na sana mapasa ng iba.

So importante ito kung sino ‘yung mga tao na kinausap nila pagdating nila. That’s very important. Sino-sino ‘yung mga tao kaya lalabas itong tracing, ite-trace, hanapin ‘yung mga tao, tapos i-examine sila for their own good na sabihin, “Adre, kung nakausap mo ‘yung ano na babae na may bagong strain pati ‘yung lalaki, magpa-examine ka lang, baka nahawa ka.” So, iyon ang gagawin nila, ni Dr. Duque.

Now, dito tayo sa, “The Star of the Show”.

PRESIDENTIAL ADVISER ON PEACE PROCESS AND COVID-19 CHIEF IMPLEMENTER CARLITO GALVEZ JR.: Mr. President; Senator Bong Go, head of our Committee on Health and Demography; senior cabinet members; magandang gabi po sa inyong lahat.

Sir, ‘yung pagbili po natin ng vaccine ay iyon po ay laging naka-anchored sa inyong guidance na ang kukunin natin na vaccine ay safe, effective, at saka po tinatawag natin durable na makapag-ano po na secured ang ano po natin.

And then ang ano po natin — ang inyong guidance na dapat po magkaroon ng equitable access lalo na ang mga mahihirap. Iyong mga vaccine po na ‘yon ay para talaga sa ating mga kababayan na nangangailangan ng vaccine.

Sinasabi nga po ni ano ni Secretary Dominguez na mayroon tayong pera. At isasabi ko po sa inyo ito po ‘yung pera na available para sa vaccine procurement, mayroon po tayong foreign multilateral and bilateral loans kasama po ‘yung ilo-loan ng ADB at saka World Bank at saka other foreign multilateral bank arrangements na naghahalaga po ng more or less 1.5 — 1.3 billion. Kasama po doon ang domestic loan na mayroon po tayo na 70 billion pesos.

Para naman sa mga logistic and supplies, para sa mga syringes, cottons at saka po ‘yung PPE, nandiyan po ‘yung 2021 General Appropriation at saka po ‘yung Bayanihan 2, iyong continuing appropriations na humigit-kumulang na 12.5 billion.

Nag-usap po kami kahapon ni Secretary Wendel. Sinasabi niya ‘yung 12.5 billion nadagdagan pa ng 17 billion. Ibig sabihin nag-ano po, naging 17 billion na po iyon na puwede na po kaagad na magamit ng DOH sa pagbili ng mga ating pangangailangan na mga syringes at saka mga consumables. So total po lahat is 82.5 billion.

Ngayon po nabuo na po namin ang portfolio po ng mga vaccines na ating gagawin. Iyong ating ginagawang negotiations lahat po ay nasa concluding stages na po at very successful po ‘yung mga ano po natin.

Unang-una po, sa Serum of India — Serum Institute of India, ‘yung Novavax, mayroon po tayong napirmahan na po na 30 million doses, so secured na po ‘yon. At puwede pa po ‘yon madagdagan po ‘yon ng 10 million pa para sa mga LGU at saka for private sectors. So nag-open po siya ng space na 10 million para po kung gusto ng mga LGU at saka ng mga business sector na bumili po ng Novavax ay puwede pong bumili. Ito pong Novavax po eh ito po ay sub protein na gawa po ‘to sa US at ito po ay ima-manufacture po sa India.

Nakausap ko po ang ano, ang ating ambassador ng India at tutulungan po tayo na kung puwede mapaaga po ‘yung delivery at kung mamarapatin po natin na magkaroon po tayo ng bilateral arrangement with President Modi. At ‘yon po ang ano po natin na magkaroon po tayo ng arrangement na bilateral.

PRESIDENT DUTERTE: Can I interrupt you, sir?

SEC. GALVEZ: Yes, sir.

PRESIDENT DUTERTE: Sir, anong — when do you think would be the earliest first tusok dito sa ‘yung vaccine na binibili natin?

SEC. GALVEZ: Sir, ‘yung ano po, nakausap namin kahapon ang COVAX Facility. May possibility po na February po na magdala po ang COVAX dito, WHO at saka UNICEF ng Pfizer.

PRESIDENT DUTERTE: Good.

SEC. GALVEZ: Iyon po ang inaano po, nag-a-apply po tayo. And then ang Sinovac po ay darating din po ng February 20, 50,000 initially and then dadagdagan po sila ng 950,000 sa susunod na buwan at 2 million sa susunod na mga buwan.

Nagbigay na po ng commitment, napirmahan ko na po ‘yung term sheet at ipinadala ko po na sa Hong Kong ‘yung ang kopya ng aking term sheet na napirmahan for 25 million.

Maganda po ‘yon kasi po — sinabi ko po kanina nga sa media na nag-ano po, nag-intercede po ang ating tinatawag nating mga diplomatic channels sa pamumuno po ng ating si Usec. Borje, nagkaroon po tayo ng tinatawag na bilateral. Kasi ‘yon pong ano, ‘yon pong inyong guidance na maging bilateral para po talaga magkaroon ng mura ang ano po, ang magiging ano po ng vaccine. Ibig sabihin po parang G2G, parang best price at saka at cost ‘yung price po na ibibigay po sa atin.

At kami po ay natutuwa na talagang ang ano ang China ay binigyan po tayo ng tinatawag na magandang — magandang pagkakataon. At sila lang po ang nagbigay sa atin ng mga talagang definitive dates ng delivery buwan-buwan.

At ‘yung Pfizer po maganda rin po ang ating negotiation. Dinagdagan po — puwede pong madagdagan ang ating allocation at isa siya sa pinakamalaki na makukuha po natin, more or less 25 to 40 million. At natutuwa po kami dahil kasi hindi po tayo iniwan ng Pfizer at may commitment po sila na baka magkaroon po pagka nagpirmahan po tayo baka, hopefully, kung mayroon silang excess from US at other countries puwede pong mai-deliver po ‘to sa atin.

Ang susunod naman po ‘yung AstraZeneca. Bukas po magpipirmahan po kami ng private sector at saka LGU. More or less 17 million po ang nakuha po natin, na-secured po natin. Ito po naman ay made-deliver po ito ng mga second semester, most likely July, August, September po.

Iyong J&J nasa final stages na rin po tayo at naghihintay na lang po tayo ng approval ng ano, ng mga kontrata. At ito po ay baka madagdagan po ‘yung quota po natin. Maganda po itong J&J na sinabi ko po sa inyo na single jab lang po ito. At saka ito po ay talagang ‘yung mga ginagawang vaccine po nito ay talagang — noong dati sa mga Ebola — at talagang tested na po ang J&J sa paggawa ng mga vaccine.

Iyong Moderna, nag-negotiate po kami kahapon ng umaga at positive din po. At nangako po si ano, si Sir Enrique Razon na siya na po ang kukuha sa Spain ng mga supplies, pro bono. Ang kanyang mga barko at saka mga — ang kanyang mga ano, mga airplane ang kukuha no’n para at least dalhin po dito sa atin ang vaccine.

At mayroon po tayo na naka-allocate na — nag-e-explore po tayo na baka ang LGU rin po at saka po ‘yung mga private sector ay puwedeng ano, puwedeng kumuha po ng Moderna through the tripartite agreement. At nangako rin po si Sir Enrique Razon na kakalapin niya po ang mga business sector para makakuha po ng at least at a minimum mga 3 to 5 million po na doses para sa ating mga workers at donation po sa government.

Iyong Gamaleya rin po positive din po ang ating negotiations through the Russian Direct Investment Fund sa tulong din po ni Secretary Lopez at saka ni secretary — ni Usec. Borje na nagkaroon po tayo ng arrangement. At nangako po sila na kung mapapalakas po natin ‘yung uptake ng ating public, they even promised to deliver even 50 to 100 million doses.

Iyon po ang na ano po natin na maganda po ang negotiation natin kaya po secured na natin ang 137 million po na doses para next year. Puwede pong umakyat ‘yan na 172 — sa 172. Hindi pa po kasama diyan ang 42 million doses para po sa COVAX kasi bibigyan po tayo ng COVAX ng 20 percent countries’ population. Libre po ‘yan, Mr. President.

So ‘yung sa COVAX po na ‘yan, WHO at saka ‘yung UNICEF and then Gavi, either ang ibibigay po sa atin Pfizer, AstraZeneca, Novavax and J&J. So mayroon po tayong ano, possible na mga different varied ano, varied —

PRESIDENT DUTERTE: Brands.

SEC. GALVEZ: — brands na puwede pong ma ano sa COVAX. So ito po 20 percent, 22 million po na Pilipino ang magiging benepisyaryo niyan. Libre po ‘yon po na galing po sa WHO, COVAX Gavi.

So baka po mapapaaga ng first quarter kasi nagne-negotiate po tayo sa kanila na dalhin po sa first quarter para mayroon po tayong pang-roll out sa first quarter.

PRESIDENT DUTERTE: Let me just… Alam mo mga kababayan, we are about 110 million na Pilipino na obligasyon — it’s an obligation imposed upon us, government, to take care of your citizens. Kaya nga kita mo dito milyon-milyon ang pag-usapan it’s because we intend to — kung maaari lang i-vaccinate mo ‘yung 110 plus Filipinos.

Ngayon, kung mayroong mga tao na ayaw, eh ‘di mas mabuti mauna natin ‘yung gusto, at we can tone down the orders kung sobra-sobra na. May mga — there’s about a certain… I am sure na — I saw a document about ‘yung sino ang mauna. Para maintindihan talaga na… Salamat po, General.

Iyong ano po, ‘yung mga tao na ‘yung — ‘yung graded na ano, ‘yung sinong mauna. Ah ito, ito ‘yung nakita ko.

Alam mo, sabi ko noon na ‘yung mauna ‘yung talagang kawawa sa buhay na walang pera. So ang first priority, ang mauna sa bakunahan kung magdating ng sa — kung maawa ang Diyos sa atin mapaaga: ang mga frontline na health workers; mauna ang teachers at social workers and other government workers; and three, essential workers outside health, education, social welfare, for example, agriculture, food, tourism and ‘yung may contact talaga sa tao; then, the socio-demographic groups at tingnan natin kung sino ang mauna sa kanila; then, there are the overseas Filipino workers; all remaining workers; other remaining workers; then, all remaining citizens.

Mayroon dito basahin ko lang: “In the deployment of vaccines, our strategy will have geographical and sectoral considerations for priority population. We will prioritize the health workers to preserve and protect our healthcare system, then the poor and vulnerable sector, frontliners and essential public and private workers including OFW, low-income earners and seafarers.”

Wala itong ano, wala naman itong diskriminasyon. Ang hinahabol lang natin dito kasi kung ang — sino ‘yung vulnerable nutrition-wise, hindi masyadong maganda ‘yung pagkain, walang vitamins. So sila ‘yung medyo matamaan if there is a — the pandemic would remain as it is.

So ‘yan ang ano natin. But, anyway, all will — will have their vaccines, I assure you. Mayroon lang tayong unahin, ‘yung mga kawawa. At ‘yon namang gustong bumili, outside of the — mayroon niyan eh, there’s a move kagaya ni Razon. I would like to say in public of his civic consciousness sa kapwa tao niya. Ito ‘yung, I think the — maraming mayayaman na magbili para sa kanilang mga workers. Kung lahat ito — if there is enough supply at mabili ng outside of government structure, eh ‘di mas maganda.

Ang fifth priority is the uniformed personnel, PNP. Kasama kayo sa mga — mga sundalo natin, kasama kayo sa mga priority. Pero mauna talaga ‘yung mga pobre, ‘yung wala talaga, tapos kayo. Halos… Pagdating ng ano, kung milyon ‘yan, magsabay-sabay na kayo lahat, at saka huli na kami. Kung may maiwan, para sa amin: kay Bong, kay Secretary Lorenzana… Kung may maiwan, eh ‘di para sa atin. Unahin natin sila.

Do we have enough storage, cold storage to preserve the integrity of the vaccines? Both ‘yung magde-deliver at tayo, ang recipient, do we have enough storage para lagyan? Because kailangan nang malamig ‘yan eh. So do we have enough storage for ‘yung mag-deliver at tayong tatanggap ng delivery?

I’m worried about the — ‘yon, saan ilagay nila in the meantime o i-deliver nila kaagad?

SEC. GALVEZ: Sa ano po, sa RITM mayroon po tayong capability sa cold storage na -20 at saka -70. At ang ating mga service providers katulad ng Zuellig at ang other pharmaceuticals mayroon din po silang binili. Actually, bumili po sila ng tigfi-fifteen thousand dollars na refrigerator na parang freezing ano, freezing mobile ano, mobile freezer at ‘yon po ay makakapagkarga ng mga more or less mga ilang 100,000 po na — na vaccine.

May capability po sila dito sa Manila na they can ano, they can have millions of vials na kaya po nilang i-ano, i-preserve. And doon po sa Davao at saka sa Cebu mayroon din po silang capability. Kaya po ang medyo ano po natin, limitation natin ‘yung Pfizer at saka Moderna, doon lang po sa lugar na ‘yon po puwede nating i-deploy.

At ang ina-ano po namin, Mr. President, is that ‘yung pagpunta naman po dito ng Pfizer in tranches, by the 100,000 lang po, hindi po ‘yon in bulk na 2 million — 20 million o 2 million kaagad, in tranches po ‘yan.

So ang gagawin lang po natin is gagawa po tayo ng magandang Gantt chart at saka ‘yung synchronization matrix. I-synchronize lang po natin na pagdating natin kaagad, i-deploy natin po kaagad.

Iyon po ang gagawin po namin kasi magaling naman po ‘yung logistics ng Armed Forces at saka ‘yung logistics na supply chain na puwede po nating kunin ang kanilang mga services.

Marami pong mga civilian po ang nagbo-volunteer through Bayanihan spirit at saka talagang ‘yung mga service provider po natin, ‘yung atin pong… Lahat po nagsama-sama na po eh. Nandiyan po ‘yung company ng MVP, ‘yung mga hospital ng MVP, ‘yung sila Ayala po binibigyan po tayo ng mga magagaling na supply chain — chain manager. Iyong grupo po ng ano ng Aboitiz, binibigyan din po tayo, ‘yung Unilab, sila Sir Joey, binibigyan po tayo ng mga tinatawag natin na mga consultants na magagaling ho talaga sa supply chain management.

Palagay ko, Mr. President in ano, in short, kaya po natin, kaya po natin, kasi tulong-tulong po ang private sector at saka ang public sector.

PRESIDENT DUTERTE: Kaya ng Pilipino.

SEC. GALVEZ: Opo. Kayang-kaya po natin po, sir. Lalo na po pagka two to eight, kaya po ng DOH po ‘yan, ‘yung two to eight. Si ano po ang puwede pong mag-ano dahil kasi may inventory po na ginawa po si ano, si Secretary Duque.

SEC. DUQUE: Maraming salamat po. Mr. President, ang Department of Health po ay sa kasalukuyang binubuo na ‘yung mga dokumento para po sa ating third-party logistics provider. At sila po ang magsasagawa ng mula brokerage to storage, warehousing, hauling, and distribution.

So end-to-end po, Mr. President, ang gagawin po nilang distribution and deployment system. At kakayanin po natin ito, Mr. President, kahit na ano pong temperature ang kinakailangan. Kasi iba-ibang bakuna, iba-iba pong temperatura ang kinakailangan.

So ‘yung — tama po ‘yung sinabi ni Secretary Galvez na for +2 to +8 degrees centigrade na refrigerator mayroon po tayo niyan, wala tayong problema. Iyon naman pong -20 degrees centigrade na mga refrigerator, wala po tayong problema. Ito po ‘yung mga freezer natin, okay.

Ang sa kasalukuyan lang ho talagang tinututukan natin na medyo nagkukulang, ito pong -70 to -80 degrees centigrade. Napakamalamig po, ito po’y ultra low freezers kung tawagin po, sir.

Pero nakapag-identify na po kami dahil mayroon po tayong 10 na inangkat, we imported 10 ultra low freezers ano po at ipapa-repurpose ko na lang for vaccine use.

Iyon lang po. Salamat.

PRESIDENT DUTERTE: Balik tayo, bumili tayo ng how many?

SEC. DUQUE: Ten ultra low freezers, each can accommodate 550 liters of vaccines.

PRESIDENT DUTERTE: Ah okay. That’s good. That’s nice to hear. So before we end, I’d like to just — sabihin ko sa Pilipino kung saan tayo kumukuha ng pera. The significant updates of procurement and finance: vaccines – ang source, unprogrammed funds; foreign multilateral and bilateral loans; domestic loans. Nandiyan ‘yan naka-on deck na ‘yan.

So it’s 70 million — 70 billion logistics and other supplies kukunin sa 2021 General Appropriations Act; DOH, 2.5 billion; and the Bayanihan 2 in relation to Republic Act 11502 on continuing approship — appropriation, 10 billion. Lahat-lahat mayroon tayong 82.5 billion para sa COVID.

Palagay ko sapat na ‘yan at saka alam mo may mga tao na — may mga grupo dito na ano ‘yung hindi sila magpabakuna, ‘wag nating pilitin.

Pasalamat tayo for those persons mentioned and the agencies who are trying to — who are there to help us in the — well, in the vaccination of the population. Kailangan kasi ‘yan ng organization eh. You have to have a structural thing there.

Well, we cannot — we cannot remember everybody mentioned but sabihin ko na lang na magpasalamat ako sa inyo. It’s a big deal really for — for you to be conscious also of the problem and trying to give a helping hand.

We will remember you after this. And more importantly, God will re — will always be conscious of what you are doing.

So maraming salamat for your… Well, next time, I’ll give you the title of a song. This is for people, mga anak ninyo na kagaya ng sinasabi ni… Actually, this song is a counterpart of “Anak”, ‘yung kay Freddie Aguilar.

Ipatugtog ko ‘yon, iyong dalawa para ‘yung mga anak ninyo na suwail, maalaala nila ang — hindi lang obligasyon sa buhay, ‘yung mismong sarili nila kung anong mangyayari nila sa buhay. Tutugtugin ko ‘yon kasi para sa inyo.

So maraming salamat po.

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page