top of page

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

  • Writer: DWWW 774 Admin 05
    DWWW 774 Admin 05
  • Dec 18, 2020
  • 4 min read

December 18, 2020



Moderated by Sec. Martin Andanar & Usec. Rocky Ignacio (PCOO):

  • Mga ahensya ng pamahalaan, pumirma ng joint administrative order para sa full implementation ng Malasakit Center Program.



Usec. Bernard Olalia - Administrator, POEA:

  • Isa po sa lubos na apektado ng pandemyang ito ay ang overseas employment industry at bahagi ng naapektuhan ay ang private recruitment agencies kabilang na dito ang land based agencies at sea based agencies.

  • Sa ating latest na datos, mayroon nang 13 na main branches ng ating mga private recruitment agencies na land-based na nagbigay ng notice sa POEA na sila ay pansamantalang magsasara.

  • At 'yong mga branches ng nasabing licensed recruitment agencies, mayroon po tayong datos na 68 branches ang nagbigay rin ng notice na sila ay pansamantalang magsasara ngayong panahon ng pandemya.

  • Sa sea-based naman po, wala naman pong nagbigay ng notice. Ang ibig pong sabihin nito, hindi gaanong apektado ang ating mga sea-based agencies kumpara sa land-based.

  • Dahil sa apektado sila, ang ibinahagi nating tulong mula sa POEA ay tayo ay nagpalabas ng mga governing board resolution.

  • Dahil po sa apektado sila, ang ibinahagi po nating tulong sa POEA ay tayo po ay nagpalabas ng mga governing boards resolutions.

  • Nangunguna rito 'yong binigyan natin sila ng karapatan na i-withdraw pansamantala ang escrow deposit dahil po sila ay nahihirapan ngayon sa kanilang financial at operations.

  • In addition to that, 'yong po kanilang mga lisensya ay automatic nating inextend doon sa mga nag-fall ang expiration nitong panahon ng pandemic.

  • Pati accreditation ng kanilang foreign employers ay automatically extended din po. 'Yang dahilan po ay dahil sa mahirap magproseso po ng mga papeles.

  • Ang pamahalaan ay nagtayo ng Green Lane. Ito ay iyong tutulong po tayo upang mapadali ang proseso ng mga pinagdadaanan ng ating seafarers upang 'di na sila mahirapan sa kanilang muling pagsampa kapag umayos na ang industriya ng overseas deployment natin sa seafaring industry po natin.

  • Meron po tayo na tinatawag na mga protocols. Nangunguna po dito 'yong ating crew change protocol kung saan nagpalabas ang ating IATF ng ating pamahalaan na tumutukoy sa pagpapaalis ng ating mga seafarers.

  • Ito po ay ipinapatupad natin para maging ganap na green hub at maging isang malaking tulong sa ating mga seafarers 'yong pag-join nila sa crew at kanilang repatriation.

  • Mapapadali ang paglilipat, pagpapalit, pagta-transfer ng ating mga seafarers.

  • Alam po natin na maraming nagsarang bansa ngayon dahil sa pandemic.

  • Ang mga naunang bansang nagbukas ay mga traditional labor markets natin kung tawagin. Nangunguna rito ang Kingdom of Saudi Arabia. na kamakailan ay nagsabing magbubukas na sila at tatanggap muli ng ating mga OFWs. Andyan din po ang Bahrain, UAE, Qatar. Nagsabi na po sila na unti-unti na silang magbubukas ng merkado. Sa Europa naman ay sa mga partner natin na UK at Germany.

  • Iyong tinatawag nating healthcare workers katulad ng nurses.

  • Nariyan din ang factory workers na napakaraming bansa ang nangangailangan. Nangunguna po d'yan ang mga market natin na Korea at Taiwan.

  • Kapag iyan ay naabot. Tayo'y magkakaroon ng assessment at tayo'y magbibigay recommendation sa IATF na hihiling na maging flexible iyong 5,000 at tayo ay magdadagdag.

  • Sa deployment sa Jordan: Ang tinutukoy rito ay sa tinatawag na new hires. Ang hangarin dito ay tingnan ang kapakanan ng mga naiwan nating OFWs doon.

  • Sa mga nangangailangan ng tulong ay maari kayong tumawag sa 87221144 and 87221155. 24/7 po 'yan.



Sec. Vince Dizon - President & CEO, BDA; Testing Czar & Deputy Chief Implementer, National Action Plan Against COVID-19:

  • Alam niyo 'yong testing sabi nga ng Pangulo na inulit niya ay napaka-importante po ng testing at detection pati na rin ang tracing at isolation dito sa ating laban sa COVID-19.

  • At talagang napakalaki ng ginawa ng ating pamahalaan simula noong mga paghamon natin noong early part of 2020 hanggang sa ngayon at napakataas na ng ating testing capacity.

  • Simula ng 1 laboratoryo lamang noong Pebrero ay halos 200 na po ang labs natin sa buong bansa.

  • At dahil nga po riyan ay ang ating testing na nagawa na talagang napakalaki na po ng itinaas. Ngayon po ay mahigit 6.5M na ang na-test pero hindi po tayo dapat makampante.

  • Kailangan pa rin nating siguraduhin na nakabantay tayo lagi at lagi tayong handa dahil any time ay pwedeng tumaas ito.

  • Ang initial na target na inilagay natin ay 10 million tests by the first quarter of 2021.

  • Para sa 2020, mami-meet natin sa tingin ko ang halos 7 million tests.

  • Si Sec. Mark Villar ng DPWH at buong DPWH team ay tuloy-tuloy ang pagpapagawa ng mga quarantine facilities sa buong bansa.

  • Magre-rely rin tayo sa tulong ng mga LGUs. Naniniwala tayo na katulad ng ginawa nilang napakagandang trabaho nitong mga nakaraang buwan ay magiging napaka-epektibo nilang partner natin sa bakuna

  • Ang Clark nitong laban sa COVID-19 ay talagang naging modelo para harapin ang mga paghamon sa COVID-19.

  • At dahil nga riyan, tuloy-tuloy ang naging kabuhayan ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa Clark at tuloy-tuloy rin ang negosyo.

  • Alam niyo po, ang mga exports natin sa Clark ay umabot ng halos $6.8 billion ngayong taong ito. Ito ay halos pareho lang ng exports out of Clark noong 2019.

  • Next year ay tuloy-tuloy pa ang ibang sporting events. Pangungunahan na ng FIBA qualifiers kung saan maglalaro ang Gilas Pilipinas.

  • 7 teams ang darating at iho-host natin sila sa FIBA bubble.



Atty. Martin Delgra - Chairperson, LTFRB:

  • Tuloy-tuloy ang ugnayan sa mga LGUs sa pagbubukas ng mga ruta.

  • As early as September 30, 2020, tuloy-tuloy naman ang pagbubukas ng provincial bus routes.

  • Iyong pagpaplano ng mga ruta, tinitingnan dito ang pangangailangan kung ilan ang mga bibyahe.

  • Sa ngayon, malaki ang papel na ginagampanan ng mga LGUs kung saan iniintindi natin at naiintindihan din natin na 'yong mga taong pumupunta sa LGUs ay responsibilidad din ng mga LGUs.

  • Kaya sinasabi rin nila na may mga number of routes or units na ina-allow sa bawat LGU.

  • Mayroon ding LGUs kung saan sapat ang kakayahan nila at handa na tumugon kung sakaling mayroong mga kaso ng mga COVID na hindi na nagse-set ng cap.

Commentaires


Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page