top of page

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

Writer: DWWW 774 Admin 05DWWW 774 Admin 05

December 4, 2020



Moderated by Usec. Rcoky Ignacio (PCOO) and Aljo Bendijo (PTV-4):

  • Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang E.O 120 na gagawa ng isang inter-agency task force para sa post-disaster rehabilitation and recovery efforts.


J/Insp. Edo Lobenia - Spokesperson, BJMP Davao Region:

  • Ang unang kaso natin na na-confirm ng Department of Health is on Nov. 21. So 8 na PDLs ang nagpositibo, at the same time ngayon, mayroon tayong 68 PDLs at 8 personnel na mayroong COVID.

  • Mostly ang cases sa Davao City Jail are asymptomatic.

  • Naka-isolate na rin ang ating mga personnel at the same time ang ating mga PDLs sa loob din ng Davao City Jail.

  • Kung obligado ba silang i-test ang lahat na nasa Davao City Jail: Ang advise po sa atin ng DOH is we just conducted an extensive contact tracing na kung saan ang mga mayroong direct contact lang dito ang mag-undergo ng testing.

  • For 9 months kasi hindi tayo nagkaroon ng COVID dito sa Davao (City Jail) recently lang tayo nagkaroon. Ang 9 months na 'yan ay naging capacity building natin ito.

  • Nagkaroon tayo ng multi-stakeholder engagement kung saan napalakas natin ang mga training ng ating mga personnel.

  • Ang ating isolation facilities ay nakahanda po kami dito sa BJMP kaya rest assured na we are on top of the situation. Nasa mabuting kalagayan po ang ating mga kapatid sa bilangguan.

  • Mayroon tayong kino-construct na bagong Davao City Jail located ito sa Wangan. Hopefully, malipatan natin ito in the year 2022.

  • 'Yong ating mga PDLs, kapag may activities sila ay naka-face mask at face shield pero sa ngayon especially sa Davao City Jail, temporarily pong suspended ang ating jail activities.

  • Nais ko lang po linawin na ang may COVID lang po ay sa Davao City Jail Main so the rest of our jail facilities in the Davao Region are COVID-free.

  • Hindi naman po bawal ang dalaw 'yong pero may bago tayong proyekto sa BJMP. Ito 'yong e-Dalaw na kung saan sa pamamagitan ng video conferencing at teleconferencing, nakakamusta ang ating mga kababayan lalong-lalo na ang kanilang mga pamilya kung ano ang kalagayan nila sa bilangguan.

  • Wala pong dalaw muna. No contact po muna. Niyu-utilize natin ang ating e-Dalaw program sa BJMP.



Dir. Annabelle Yumang, Department of Health Region XI:

  • Sa ngayon po ang mga private hospitals natin ay nakapag-increase na po sila to 196 beds na po ang na-allocate nila for COVID beds.

  • So ongoing pa rin ang pag-uusap natin sa mga private hospitals and we are supporting the private hospitals in deploying some of the nurses sa private hospitals natin kasi sumusulat na po sila sa amin na ang mga needs nila really is human resources.

  • Sa ngayon po, mayroon na tayong 1,252 na mga health workers including other frontliners po na affected ng COVID-19 and so far [p during the pandemic naman po sila rin po ang nagdu-duty sa hospitals.

  • May accommodation sila to avoid contamination or malagay at risk ang pamilya nila.

  • So far naman po, with regards to those na nag-positive or 'yong namatay na health workers natin, we were able to provide 'yong compensation benefit nila to the families and ongoing na po ang compensation to the other health workers lalo na 'yong mga mild to moderate health workers.

  • Ito naman po sa agressive community testing, ito po ay isang strategy ng ating IATF na tutulong po sila sa isang lugar na maraming cases.

  • Ito po ay rapid o mabilisang testing sa mga may exposure especially sa mga high prevalence na lugar sa COVID-19.

  • Nakikita po natin na in Davao City and we have already covered 15 districts of Davao City but we also included the neighboring provinces like Davao del Sur, Digos City, Sta. Cruz, Tagum City, Island Garden City of Samal.

  • May mga bata po tayong affected with COVID-19. Pareho lang din po siya sa mga matatanda na vulnerable rin po.

  • Sa ngayon po ay ongoing pa rin po ang consultative meetings natin with our national office kaya hindi pa namin maipalabas ang buong listahan.



Sen. Sherwin Gatchalian:

  • On Senate Bill 365: Mayroon na tayong batas na nagtanggal po ng expiry date sa mga gift check. Ngayon, parehong konteksto ang dapat nating i-apply sa mga prepaid cellcards or prepaid data plan.

  • For example, bibili ka ng load, dapat wala na itong expiry date dahil itong load na ito ay binili mo na. Ganoon na rin sa data load lalo na sa panahong ito dahil marami sa ating kababayan ay nag-o-online learning.

  • Marami po tayong subscribers. In fact ang subscribers ng cellphone natin ay mas marami pa sa populasyon natin. Tinatayang 110 million ang subscribers ng cellphone kaya lumalabas nga na kahit sanggol may cellphone.

  • Almost 80% ng ating subscribers ay prepaid buyer so sa ganitong punto ang ating mungkahi ay dapat huwag na lagyan ng expiry date.

  • Kung may oras ang ating mga kababayan, tingnan nila ang YouTube ng DepEd TV. Ang gaganda ng kanilang mga palabas doon at makakatulong ito sa pag-aaral ng mga bata.

  • Ang computer at access sa internet ay hindi na luho. Ito ay basic necessity na.



P/LT.GEN. Cesar Hawthorne Binag - Commander, Joint Task Force COVID Shield:

  • Pinagtuunan natin ng pansin ang mga area of convergence katulad ng markets, public markets, malls, simbahan, ports, seaports at ang public transport. Ayon 'yong mga areas na pinag-usapan.

  • Dinoble ng ating kapulisan sa tulong ng ating kasundaluhan ang aming deployment dito para sa visibility.

  • May tinatawag din po kami na social distancing patrol kung saan ipinag-utos ito ng ating PNP Chief Sinas. May hawak na yantok 'yan at 1 metro 'yan at (gagamiting) pang-saway o panukat at pamalo na rin sa mga matitigas ang ulo.

  • Inutos din natin sa ating mga hepe na makipag-coordinate rin sila sa mga mall managers para naman doon sa pagpapatupad ng protocols sa loob ng malls.

  • Saka ang ating regulatory body ng mga ating security guards, dinagdagan nila ang mga post to post inspection para sa mga security guards na nagbabantay ng malls.

  • Kanina sa report sa amin, magmula noong simulan natin ito noong March 17 ay may mahigit na 700,000 ang ating either na-warningan, na-penalize dahil sa mga ordinansang in-issue at ang iba naman ay naaresto.

  • Kung sila ay babyahe alamin nila ang kanilang point of destination, ang LGU na nakakasakop doon at anong klaseng restriction ang kanilang ini-impose.

Comments


Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page