top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

January 8, 2021




Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO) and Aljo Bendijo (PTV-4):


Asec. Dominique Tutay, DOLE:

  • 'Yon pong base sa labor force survey ng PSA, tayo ay nagtapos sa 10.2% unemployment rate and that is equivalent to 4.5 million unemployed persons.

  • Do'n naman po sa monitoring ng DOLE ng job displacements, mahigit 420,000 po 'yong permanently nawalan po ng trabaho at mayroon din pong 4.5 million workers are affected by flexible work arrangements at temporary closure.

  • Under Bayanihan 1 and 2, mayroon po tayong about Php 28.8 billion na pondo. Ito ay nagbigay po ng tulong sa mga 3.4 million na mga manggagawa mula sa mga formal sectors, informal sectors pati na rin po 'yong mga na-repatriate natin na OFWs.

  • On CAMP: Tayo ay nakatugon sa pangangailangan ng 1.6 million na mga manggagawa sa formal sector.

  • On TUPAD for informal sectors: 1.4 million ang ating naabot na mga informal sector workers.

  • On OFWs affected by pandemic: Nasa 427,000 ang ating natulungan.

  • Ang ating national employment recovery plan ay hindi lamang sa pamamagitan o initiative ng DOLE, kasama natin dito ang DTI at TESDA.

  • Ngayon ay nailatag na natin ang action plan at istratehiya sa iba't-ibang ahensya ng pamahalaan na maaaring makatulong para maisagawa natin ang national employment recovery strategy.

  • Sa action plan po natin mayroon pong 4 na areas: Restarting of economic activities, restoration of business confidence, upgrading of workforce, and facilitation to labor market access of job seekers.

  • Inaasahan po natin na maganda ang magiging outlook natin for 2021. Hindi man ito babalik sa pre-COVID pandemic situation but at least malaki ang opportunity na makabangon ang ating ekonomiya at mga manggagawa.

  • Naka-focus sa businesses at mga manggagawa ang tinatawag na National Employment Recovery Strategy.

  • May inalaan po tayo na webpage sa mga naghahanap ng trabaho atsaka ng training. Pwede po sila pumunta sa www.ble.dole.gov.ph at kasama po natin ang mga private sectors para mag-offer ng trabaho.

  • Sa ating kabataan, samantalahin niyo ang programang ibinigay kagaya ng SPES, gov't internship program, at sa JobStart.

  • Wala siya sa pinirmahang 2021 GAA ng ating Pangulo. Pero asahan ng ating manggagawa na malaki ang budget na inilaan ng pamahalaan sa DOLE para makapagbigay pa rin ng social protection program.

  • Ang apat na po na sector na babanggitin ko ay ang mga in-demand: Health-related sectors, construction-related, business process outsourcing (BPO), government.

  • Asahan ang offerings and job vacancies and positions sa gobyerno. Kasi matandaan na ang CSC ay nagkaroon ng job fair para sa iba't-ibang vacancies ng lahat ng ahensya ng pamahalaan at ito ay patuloy.



Asec. Kristine Evangelista, DA:

  • Ngayon tinitingnan natin ang inventory status po because sa tinatawag nating law of supply and demand.

  • Kapag kulang ang ating supply, definitely mayroong paggalaw ng presyo. So iyon ang dahilan kung bakit mayroon tayong matataas na presyong nakikita lalo na sa baboy.

  • Pero tuloy-tuloy tayong nagpapadala ng baboy mula sa Visayas at Mindanao.

  • At habang mataas po presyo ng baboy, mayroon tayong Kadiwa meat. Ito ay pasok sa ating SRP at ito ay alternative place para makabili sila ng baboy na tama ang presyo.

  • For the meantime, we are working on increasing the supply dahil mayroon tayong nakitang kakulangan ng supply na nagsisimula sa Luzon so tuloy-tuloy pa rin po ang pagtulong ng Visayas at Mindanao to augment our pork supply dito sa Metro Manila.

  • Para sa akin, bago tayo mag-angkat, kailangan muna makakuha tayo ng konkretong datos kung gaano karami po ba ang ating imbentaryo ng pork products whether these are imported or locally-produced.

  • We will always push for local products.

  • But again, if we are looking at food security then we cannot also not have imported products if it means magkukulang ang ating mga pork sa Metro Manila.

  • Affected po ang ating inventory, ang ating supply dahil sa ASF pati po bird flu at mayroon ding ibang mga livestock raisers and poultry raisers dati na medyo tumigil noong tinamaan tayo ng pandemya lalo nung panahon ng ECQ.

  • Sufficient naman ang ating bigas. At least nakikita na ang presyo ng bigas natin ay hindi malaki ang paggalaw.

  • Because of that, lalo naming isine-strengthen ang Kadiwa. Kasi at least sa ating Kadiwa, mura ang gulay.



Sec. Fortunato Dela Peña, DOST:

  • Nag-positive siya 8 days after she arrived in Hong Kong. Hindi natin masabi kung iyan ba ay sa Hong Kong nakuha o kung dito.

  • Negative siya sa PCR before boarding the plane.

  • Hindi naman mahirap, kaya lang ay kailangan ng equipment talaga na nandoon lamang sa Philippine Genome Center.

  • Mas maganda kung maraming samples ang maisusubmit sa kanila kasi sa PGC maganda sana kung nakaka-700 kami ng samples at of now, 350 pa lang ang nakukuha nilang samples.

  • Lahat ng naiibang variants ay natetrace d'yan sa DNA sequencing kaya hinahanap nila 'yong partikular na variant nung nasa UK atsaka do'n sa sa South Africa. So far wala pa naman silang nakikitang variant.

  • Naka-outline na ang mga gagawin para ma-minimize ang possibility na magkaroon ng variants na 'yan makapasok dito sa atin.

  • On the part of DOST, ang aming talagang tinitiyak ay magkaroon ng enough na pondo ang Philippine Genome Center para tuloy-tuloy ang pag-a-analyze doon.

  • Mayroon tayong prosesong sinusunod. Kung siya ay gusto mag-clinical trial dito, doon lang siya dumadaan sa DOST Task Group on Evaluation and Selection.

  • Kung siya ay magsu-supply na lang, diretso na siya sa FDA at ang FDA na ang bahala kung ano ang kanilang basehan at desisyon.



Asec. Leah Buendia, DOST:

  • Sa ngayon ay wala pa silang final decision kung sila ba ay magko-conduct ng clinical trial or sila ay mag-a-apply lang ng EUA.

  • So far po, wala pa tayong data na natatanggap. Although mayroon tayong initial na na-sign na confidentiality disclosure agreement with Sinopharm.

  • They informed us formally na iwini-withdraw na nila iyong kanilang application for clinical trial, rather they will apply for EUA na lang.

  • Mayroon tayong isang task group nagre-report pa rin sa vaccine cluster under kay Sec. Galvez na ito lang ang kanilang assignment ang demand generation para sa bakuna at saka information dissemination.

  • Hindi naman bibigyan ng go signal ng FDA kung mayroong ebidensya na hindi siya karapat-dapat.

  • Iyong decision whether itutuloy nila ang clinical trial o hindi ay nandoon iyon sa kumpanyang gumagawa ng bakuna, pero pwede silang dumiretso sa FDA either for an EUA or approval of their product to be marketed.

  • Bago iyan dumating sa merkado or bago pa magkaroon ng rollout ng vaccine, alam na kung saang epektibong grupo ang isang specific na vaccine.

  • Wala pang registration na ginagawa ang LGUs na pumasa sa technical group ng evaluation and selection.

  • Uumpisahan na ang VCO trials sa Valenzuela para madagdagan pa ang trials na magawa. Sa PGH naman ay medyo nilawakan na nila ang kanilang volunteers.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page