top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

January 15, 2021




Moderated by PCOO Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio:


Usec. Benjo Santos Benavidez, DOLE:

  • Naglabas po kami together with DTI ng tinawag po natin na joint guidelines para siguraduhin ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga manggagawa sa pagawaan.

  • Ngayon po, may bago man tayong variant ng COVID-19, patuloy ang ating gawain sa inspection para tingnan na patuloy na sumusunod ang mga opisina at mga pagawaan ng minimum health protocols.

  • Bukod po roon, bukas pa rin ang aming linya para sa mga sumbong ng ating kababayan doon po sa mga kumpanya at mga pagawaang hindi sumusunod.

  • Aside from that po, patuloy po kami naglalabas ng mga advisories at guidelines upang linawin ang mga protocols na kailangang ipatupad at kung paano ito ipatupad.

  • Noong taong 2020, sa pakikipagtulungan na rin ng ibang ahensya ng gobyerno, kami po ay nakabisita ng mahigit na 72,000 na mga pagawaan at opisina para tingnan po namin ang pagsunod nila sa minimum health protocols.

  • At doon po sa mahigit 72,000 (pagawaan na binisita) iyong initial visit namin ay may 77 na compliance rate. Ibig sabihin, mayroon tayong lampas sa 23% na mga hindi sumusunod.

  • After natin magbigay ng technical assistance at advice, naitaas natin ang compliance rate sa 92%.

  • Pero mayroon po tayong mga employer at negosyo na talagang medyo matitigas din po ang ulo. Mayroon po tayong nakatakdang multa para po sa kanila.

  • Under Occupational Safety and Health Standard law, pwede po tayong magpataw ng multa sa halagang Php 10,000 to Php 100,000 kada araw po ng pag-violate nila.

  • Mayroon po tayong mahigit na 1 million na establishments at ito pong mga establishments na ito ay kailangan pong magkaroon ng safety officers.

  • Sila po ang katulong natin sa pagpapatupad ng occupational safety and health standard.

  • Sa tingin ko po ay hindi muna natin ipapatupad ang in-person training sa taon pong ito.

  • Kaya ang ginawa po natin at ang gagawin po natin ay halos lahat po ng ating mga training (para sa safety officers) ay online.

  • Dalawa po 'yong mode of training na kino-conduct, 'yong sa DOLE po mismo lalong-lalo na nung occupational safety and health center at 'yong mga ginagawa ng ating mga accredited safety organizations.

  • Karamihan po ng ating mga training at mga nakatakdang training sa pamamagitan ng online. Ito po ay libre. Wala na pong babayarang training fee ang ating mga manggagawa.

  • Ito ay aming patuloy na tinututukan. Based sa report ng aming bureau, mayroon po kasing mga kumpanya, lalong-lalo na ang mga naapektuhan ng pandemya, mga 9% ang deficiency rate.

  • Sa mungkahi na isama ang mga minimum wage earners sa libreng pagbabakuna: Sa akin pong pagkakaa-alam ay isinasapinal na ang listahan ng mga prayoridad na babakunahan at kami sa kagawaran ay nagmungkahi na maisama ang ating kababayang minimum wage earners.

  • Alam po natin na ang ating labor force ay composed mostly ng ating mga minimum wage earners at katuwang po ng ating mga negosyante ang atin pong mga minimum wage earners. Ito po ang bumubuhay sa ating ekonomiya.

  • Para po maka-recover ang ating ekonomiya, kailangan po nating siguraduhin na ang ating mga manggagawa ay ligas at malusog.

  • Kaya po kami dito sa DOLE, bukod po roon sa mga frontliners na kailangan ma-prioritize, itong mga minimum wage earners, ganoon na rin na ang ating OFWs ay kailangang maipasama rin doon sa priority list ng mga mababakunahan.

  • Nakapag-publish na ng schedule ang PRC ng mga licensure examinations for this year, particularly this quarter.

  • Actually may listahan po ako rito ngayong buwan, may mga nakatakdang mangyari na mga examinations sa medical technologies at sanitary engineers. Ito po ay gagawin sa January 21 at 22. 'Yong sanitary engineers naman po sa January 25-26.

  • Sa buwan po ng Pebrero, mayroon po tayong limang propesyon na may licensure examinations. Ito po 'yong itinerary medicine, social workers, real estate consultants, master plumbers and mechanical engineers.

  • Patuloy nating binabantayan ang numero ng mga nagpopositibo at ang status ng ating COVID-19 para nang sa ganoon ay mas maigi nating maplano sa susunod pang quarters ngayong taong ito ang mga licensure examinations sa iba pang propesyon.



Engr. Rosendo So - President, Hog Raisers Association of the Philippines:

  • On vaccinating farmers against COVID-19: Dahil itong sektor ng agrikultura ay masasabi nating frontliner din.

  • Ang working force nito ay around 11 million na tao at itong ganito karami ay makakatulong ito (sa) food security natin.

  • Sumulat kami kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang hinihingi natin ay ang budget ng mechanically deboned meat (MDM) dahil bumalik na sa 40%. 'Yon ay makakakolekta ng Php 5.48 billion. Ito ay makakatulong talaga sa sektor ng agrikultura.

  • Dito sa Luzon, ang average price ay nasa Php 240 na. Ang ibang area, 'yong Southern Luzon ay nasa Php 250 na. So dapat ang presyo lang ay nasa Php 350 lang ang retail price.

  • Ang total industry ng mambababoy rito sa ating bansa is 13 million heads 'no? So far ang nawala na ay 5.8 million heads and 'yong nandito sa Luzon, ang nawala is almost 5 million heads kaya 70% ng nag-aalaga ng baboy dito ay nawala na. Ayon ang sinasabi natin.

  • 'Yong figure kasi ng DA, 'yong 350,000 na sinasabi nila 'yon ay 'yong natulungan nila 'no?

  • For the past almost one-year time, ang coordination natin with the DA is sa local na borders.

  • Ang tingin kasi namin ay kung hindi maayos ang borders na bantayan, mahirap sugpuin ang ASF.

  • Itong virus na ito, ang frozen meat, umaabot ng 300 days na hindi namamatay iyong virus.

  • Ang problema, kung hindi ito na-test, talagang takot ang mga raisers na mag-alaga.

  • Iyong Visayas at Mindanao, napapabalita na tightened na rin ang stocks doon.

  • Ang solusyon talaga ay iyong border entry natin. Iyon talaga ang dapat na suriin para at least ay magkaroon tayo ng peace of mind na mahinto ito (ASF).

  • Wala tayong nakikita kasi iyong Mindanao ay tinamaan na rin ng ASF. Kung pumasok pa iyan sa Visayas, medyo talagang babawas pa ang inventory natin sa bansa.



Sec. Ramon Lopez, DTI:

  • Siyempre po. Last year pa lang ay itinutulak na rin natin 'yan dahil under the GCQ (audio inaudible) ...hindi na tayo nagluwag ng community quarantine. Ganunpaman, ay unti-unti na tayong pinapayagang magbukas ng mga sectors para sa ekonomiya para makabalik na ang mga negosyo at trabaho na essential.

  • Subalit nakikita rin natin na kahit nagbukas ang mga sektor na ito ay very limited o parang pigil pa rin ang recovery kasi ang mga consumers na dapat tumatangkilik ng mga let's say, tindahan, malls, ay limited ang movement dahil sa age restrictions.

  • On Stay Safe Seal: Ngayon po ay hindi pa talaga siya ini-implement dahil ang guidelines po natin diyan ay binabalangkas ngayon.

  • Pero ang immediate po na inire-request natin, ikinakampanya natin, ay ang mga korporasyon ay pwede na nilang I-download itong Stay Safe system para ho sa kanilang opisina, sa kanilang mga factory, sa kanilang mga retail establishments whether mga restaurants 'yan o tindahan, mga commercial areas, let's say po na para po sa mga papasok sa kanilang mga tindahan, grocery or supermarket at kahit anong establishments ay at least may digital contact tracing system na kaya po na pinaunan nating ipina-download.

  • Dahil po later on kapag mayroon na tayong nabalangkas na guidelines sa Stay Safe Seal, ito rin ho ang unang requirement na naka-download na po sila ng StaySafePH

  • Ang requirement ay ang pagsunod sa minimum health protocol ng establishment na iyon.

  • Compared sa 2020, sabi nga nila hindi naman maging mahirap maging better iyong 2021 kasi nga masama talaga talaga ang nangyari noong 2020.

  • Statistics show na as we were ending 2020, the fact na nagre-reopen na ang economy, dumami ang registration ng businesses versus previous year, lalo na ang digital.

  • Ang ating registration diyan ay more than 40 times… Iyong dating 1,700 registered as of March ay umakyat sa mga 88,000 towards November.

  • May access din po. Actually, si Sec. Galvez requested last Monday na tulungan din sila sa pag-consolidate ng mga gustong umorder (ng vaccines) na mga MSMEs.

  • We're talking to different groups na gusto ring sumali rito sa intensyong bumili rin sila at mapagsama-sama ang kanilang mga requirement at volume para maisama sa mga i-o-order ni Sec. Galvez sa mga vaccine manufacturers.


Recent Posts

See All

Comments


bottom of page