top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

January 22, 2021





Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO) and Aljo Bendijo (PTV4):

  • Batay sa inilabas na bagong IATF Resolution No. 95, pinapayagan nang lumabas ang mga edad 10 hanggang 65 taong gulang ng kanilang tahanan sa mga lugar na nakasailalim sa MGCQ simula Pebrero 1.

  • Hinihikayat din naman ng mga LGUs na nasa ilalim ng GCQ na magkaroon din ng kaparehong polisiya/patakaran sa pag-relax sa age restrictions.

  • Aprubado na rin ang professional licensure exams ng PRC na gaganapin simula ngayong Enero hanggang Marso.



Mayor Andrea "Andeng" Ynares, Antipolo:

  • On Mayor Ynares' inspection on cold storage for vaccines: I'm very optimistic na makakaya namin (ang storage ng vaccines). In fact after my interview, ay pupunta kami sa isa pang storage facility na paglalagyang muli ng aming mga vaccines na inorder.

  • We have enough qualified vaccinators but then again we just want to make sure na hindi magkaroon ng problema in the middle of vaccination.

  • Kung sino ang gustong mag-apply sa amin, sila ay aming mabibigyan ng trabaho.

  • Ready po kami. Na-identify namin 'yung sites namin so 50 sites for vaccination centers at 300 pax ang vaccinators, ang magva-vaccine sa kanila ay 3 vaccinators sa isang site po.

  • More or less, magkakaroon kami ng 15,000 na babakunahan per day.

  • Its worth Php 300 million. Nagsusubmit... nakapag-order na kami sa AstraZeneca, Moderna, and Gamaleya.

  • Ang inuna po namin sa aming survey ay ang mga frontliners. Ngayon po, nakapag-submit na po kami at iyan po ay nasa DILG na.

  • And then, 'yong sa aming mga kababayan naman ay ongoing ang aming survey.

  • On information dissemination regarding COVID-19 vaccination: Yes po. Last night, nakipag-usap po ako kung magkakaroon po kami ng education information campaign para sa aming mga kababayan para maintindihan nila kung gaano kahalaga ang mabakunahan.

  • Kung ako ang magpapabakuna, magpapabakuna po ako. Kung pipili po ako? Hindi po ako makikipag-unahan sa ating mga frontliners.

  • If it will encourage my constituents para po magpabakuna sila, gagawin ko po 'yon. Magpapabakuna ako before them.

  • Mayroon po tayong mga new cases, but mas lamang po ang ating new recoveries. Kaunti lamang po sila (kaso)

  • We would welcome it. Kung sino ang gustong makipag-ano sa amin, we're open to that.

  • On contact tracers: Inabsorb namin sila.

  • Ang payment namin is online through PayMaya. Hanggang Feb. 26, free at hindi magcha-charge ang PayMaya.



Usec. Martin Diño, DILG:

  • 'Yong una nating sinampahan sa Ombudsman ay umaabot na sa more than 100.

  • Ito ay siguro paalala natin na tuloy-tuloy ang ginagawa ng DILG lalo na rito sa mga reklamo sa SAP kung saan kami na mismo rito ang nagfa-file sa Ombudsman at ang mga ebidensya ay ang mga affidavit na ginawa ng nagreklamo sa atin na kung saan ito 'yong mga pinaghati-hati na dapat sa isang beneficiary. Pangalawa, 'yong pinipili ng ating mga official 'yong pagbibigyan ng SAP.

  • Dito sa Metro Manila, napakarami pa ng ating iniimbestigahan, lalong-lalo na iyong mga malalaking barangay.

  • Tinitingnan na rin namin ang pananalapi ng barangay, pati ang sistema ng pagwi-withdraw ngayon dahil marami kaming complaints na natanggap dito na simple certification lang ni kapitan, the treasurer can withdraw all the money in the bank.

  • 'Yang 89 na 'yan, umpisa na 'yan at araw-araw ay mayroon tayong sinususpinde, mayroon tayong tinatanggal sa pwesto.

  • 'Di lang 'yan sa SAP pati na rin sa road-clearning operations.

  • First batch pa lang 'yan, may kasunod pa 'yan.

  • 'Yong ginawang preventive suspension ng ating Office of the Ombudsman ay habang iniimbestigahan ang mga alegasyon laban sa kanila.

  • Mayroon tayong due process at binibigyan naman sila ng pagkakataon para sagutin ang mga nag-akusa sa kanila.

  • Hindi naman ang DILG ang nagsisibak niyan, ang DILG lang ang nagpapatupad.

  • Hindi po DILG ang nagsususpinde, hindi DILG ang nagtatanggal, it is always the Office of the Ombudsman at mga korte at ang city and municipal council.

  • Huwag sanang gamitin sa pulitika ang pagsususpinde ng mga city at munisipyo laban sa mga kagawad at barangay captains. Siyempre, iimbestigahan din namin 'yan, baka mamaya ay politically motivated na ang nangyayaring pagsususpinde sa kanila.

  • Malamang, sigurado ako riyan. Itong 89 na ito ay sa SAP pa lang. Ang pinakamalaki ngayon ay ang pondo ng barangay na nawi-withdraw ng barangay treasurer na may certification lang galing kay kapitan.

  • Naglabas na ang COA ng guidelines. Ang pera ng SK ay ilagay ninyo sa depository bank nila. Huwag niyo nang pakialaman 'yan.

  • Oras na may nagreklamo na SK sa akin at iniipit niyo ang pondo ng barangay, kapag may nakita kaming probable cause, fa-file-an namin kayo ng kaso.

  • Subject is interim preparatory guidelines in implementation of national vaccination program.

  • Priority vaccine beneficiaries based on the circular are frontline health workers, contact tracers, barangay health workers and BHERT, and other NGAs including DSWD, DepEd, DILG, BJMP, and BuCor

  • Second priority indigent senior citizens. Third priority pertaining to senior citizen. Fourth priority remaining indigent population. Fifth priority uniformed personnel

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page