top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

January 29, 2021




Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):


Sec. Ramon Lopez, DTI:

  • Ang ibig sabihin po nito ay mas naging maliit ang pinaka-output at equivalent din po ito sa income ng ating ekonomiya versus the previous year, 2019.

  • Alam naman po natin na ang height ng pandemic at ng lockdown ay noong 2020 kaya po ineexpect po natin na babagal ang takbo ng ekonomiya ng kabuuang 2020.

  • Kung titignan natin po ang performance per quarter, malaki talaga ang ibinagsak doon pa lang sa second quarter.

  • Noong 3rd quarter, lumabas din po ang talaan at -11.5%, lumiit na ang pagkababa o pagka-decline (ng ekonomiya)

  • Quarter by quarter nakikita po natin ang slight improvement subalit 'pag tiningnan ang kabuuang taon, 'yong -8.3% ng 4th quarter ay hindi enough 'yan para mabawi ang pagbaba ng ekonomiya kaya naging -9.5% ang total year.

  • Ibig sabihin po no'n, dahil bumagal po ang ikot ng ekonomiya, alam din natin na maraming nawalan ng trabaho, tumaas po 'yong unemployment noong mga April or May 2020 ng 17.7%. Sanay tayo noong nakaraan na we're hitting the lowest unemployment rate dito sa panahon ng Duterte Administration na bumbaba sa below 5%.

  • While nag-i-improve ang ekonomiya, malayo pa po tayo roon sa pre-pandemic level.

  • Ibig sabihin noon, marami pa ring na-displace na kababayan natin, marami pa ring nawalan ng trabaho, hindi pa rin nakabalik totally rito sa ating pinaplano o ginagawang gradual re-opening ng ating economy.

  • Mas mahirap ang kita at kabuhayaan ng 2020 compared to 2019.

  • Ang bright spot naman ay nakikita natin ang unti-unting pag-angat din dahil sa unti-unting pagbubukas natin, 'yong calibrated opening.

  • Ang pinakamalaking tinamaan talaga rito ay ang tourism sector, mga non-essential services tulad ng mga entertainment, travel. Marami pong mga na-displace diyan at marami rin pong nagsara na mga negosyo.

  • Ang kalungkutan nito, tayo ang may pinakamabigat na decline, pinakamalaking pagbaba sa ekonomiya.

  • Ito pong nangyayaring pagbaba ng mga kaso in the midst din ng ating gradual calibrated paunti-unting opening, kaya po atin po talagang isinusulong na ipagpatuloy ang ganitong gradual opening dahil bumababa naman ang cases.

  • Isaisip ho natin na para magbukas ulit ng tuloy-tuloy ang ating ekonomiya, ituloy natin ang pagsunod dito sa health protocols.

  • Hindi naman po iniwan ng foreign investors ang Pilipinas dahil dito nga sa aming talaan sa board of investments, ang atin pong registered investments ay umabot pa rin sa Php 1.01 trillion.

  • Ang Pilipinas lang ang nag-grow o lumaki ang foreign direct investment noong 2020.

  • Iyong computation sa NEDA, sa bawat araw na nasa GCQ ay parang mayroon pang Php 700 million na income o wages na nawawala.

  • 6.5 to 7.5% range ang tinitingnang pagbawi at pag-recover ng ating ekonomiya ngayong 2021.

  • Mahirap sagutin 'yan at this will have to based sa assessment ng mga numero.

  • Syempre kung DTI ang tatanungin, eversince sinasabi natin na hanggang maaga ay ma-declare na ngunit binabalanse ng ating pamahalaan kaya ho... pero ang DTI may ibang pananaw diyan pero this is really a balancing efforts.

  • We are going to continue to work on that no.

  • Mabuting obserbahan muna natin in the next two weeks or four weeks bago natin isulong muli ang dahan-dahang pagluluwag.



Acmad Rizaldy Moti, President and CEO, Pag-IBIG Fund:

  • Maliban po sa mga nilalaman ng ating Bayanihan 1 and 2, mayroon po tayo doong 2 1/2 months na grace period under Bayanihan 1 at mayroon din pong 60-day grace period sa Bayanihan 2.

  • Maliban po sa dalawang batas na 'yon, ang Pag-IBIG Fund Board of Trustees sa pangunguna ni Sec. Del Rosario ay nagpatupad po tayo ng 3 month moratorium nung kasagsagan ng ECQ natin.

  • Tayo po ay nagpatupad ng special housing loan restructuring program mula October hanggang December 15, 2020.

  • Nakatulong po tayo sa 80,000 plus housing loan borrowers na karamihan po ay pumili na mag-resume ang kanilang housing loans ngayong Marso po.

  • Ang board ng Pag-IBIG Fund ay minabuting i-defer o i-delay ng isang taon ang ating scheduled memberships savings increase na Php 50 per month.

  • Minabuti nating maglabas ng promo rates, subsidized interest rates na tumakbo mula July hanggang December 2020.

  • Ang housing loan releases mula September hanggang December ay bumalik na sa pre-pandemic level.

  • Nakapagtala tayo ng record high na monthly takeout, Php 12.11 billion or 640 million higher kaysa noong previous record na naitala noong December 2019.

  • Mukhang mas mahihigitan natin ang revised net income target.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page