February 26, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO) and Aljo Bendijo (PTV-4):
MGEN. Edgard Arevalo - Spokesperson, AFP:
Handa na po ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Tutok na tutok po rito ang ating AFP Chief of Staff Cirilito Sobejana upang siguruhin na sa sandali po na mag-rollout na ang bakuna ay handa na ang AFP upang tumugon sa 3 support roles.
Sa buong AFP, handa na rin tayo sa ating gagawing pagbabakuna sa ating tauhan, pangunahin diyan ang medical health frontliners.
Handa na rin po tayo sa pagbabakuna dito sa AFP.
Mayroon tayong 304 AFP medical services personnel na inihanda po natin para tumulong sa gagawin natin.
Gumagawa na po sila ng mga simulation exercises para makita ang ating kahandaan.
Mayroon po tayong 72 vaccination teams at mayroon din po tayong 47 vacciantion sites.
Yan po ay sa loob ng mga kampo ng military na mayroon pong treatment facility.
Doon naman po sa mga lugar na walang treatment facility ang mga kampo, may koordinasyon po tayong ginagawa sa LGUs at sa lokal na DOH upang doon natin gagawin ang ating pagbabakuna.
Ang target po natin ay makapagbakuna tayo ng 100 personnel kada araw.
Kailangan po lahat ng sundalo ay mabakunahan dahil nga po sa mahalagang papel na aitng ginampanan, patuloy na gagampanan, at gaganapin pa rito sa rollout na ito.
Ayaw natin na tayo mismo na naghahatid ng bakuna na hindi protektado ay makahawa ng virus doon sa mga kababayan natin na gusto nating tulungan.
Pwede pong pumili ng ibang brand ng bakuna ang ating mga sundalo, sabihin lang po nila na gusto nila ng ibang brand.
Subalit dahil nga po hindi naman 'yun ang laan para sa AFP na kailangang mabakunahan, kailangan po sila ay ang magbabayad ng brand ng bakuna na gustong maiturok sa kanila.
Dito sa area ng Northern Luzon Command sa CAR, Regions 1, 2, and 3, mayroon tayong kabuuang 6 na DOH-licensed na at may 6 na ina-update pa po.
Sa NCR... may 5 na DOH-licensed na at may 3 na kinukunan natin ng authorization.
Sa Southern Luzon Command area sa Region 4A, mayroon tayong 5 at mayroon pang 3 na for DOH authorization.
Sa Region 5 naman, 1 ang with license na at isa ang ina-update pa.
Sa Region 4B sa Palawan, may 1 na may license na at 1 na kinukunan ng authorization. Sa Regions 6 may 1 DOH-license na, sa Region 7 ay 2, sa Region 8 ay isa ang kinukunan ng authorization.
Sa Region 9, 3 ang with license na, sa BARMM ay 1 ang may DOH license na at 1 ang kinukunan pa natin.
Sa Eastern Mindanao Command, sa Region 10 ay 1 ang with license na at 1 ang kinukunan pa. Region 11, 1 na mayroon at 1 na kinukunan pa.
Sa kabuuan, ang may lisensya na o kumbaga accredited na ng DOH ay umaabot sa bilang sa 27 at ang 20 ay vina-validate pa at ina-update pa ang listahan.
If they really want to opt for another brand apart from effective vaccine na mayroon na tayo na inilaan para sa ating sundalo, then they can exercise that option.
Hindi po kami nakikipag-unahan, hindi po kami nakikipag-agawan sa pagbabakunang ito.
Ang amin po kung ano ang mailaan o maipagkaloob sa amin ay tatanggapin po muna dahil importante sa amin na protektado ang ating mga kasamahan.
As soon as available na ang bakuna sa ating mga sundalo, handa na tayo.
Usec. Benito Bengzon Jr. - Spokesperson, DOT:
Ito po 'yong instruction ni Sec. Romulo-Puyat na gawing mas simple itong travel requirements.
Katatapos lamang po ng aming study ang tawag dito ang evolving landscape on domestic travel kung saan nag-survey kami ng mahigit 7,000 respondents.
At isa roon sa tinanong namin sa respondents kung ano ang nakikita ninyong inconvenience sa pagbabiyahe at siguro hindi na rin kataka-taka sa ngayon na ang number 1 na dahilan na binanggit nila is 'yong iba't-ibang requirements ng LGUs.
81% po ng mga respondents ang nagsabi na ito ang pinaka-incovenient.
Ito po ay pinag-uusapan na namin with the partners from the private sectors hotels...
Natutuwa po kami na suportado ng DILG ang mungkahi na to simplify travel requirements.
Tinututukan po namin for the different LGU protocols.
68% ng respondents ay nagsabi rin na malaking issue sa kanila ang cost of testing.
Nag-umpisa na itong testing subsidy. Siguro ang beneficiaries namin in partnership with PGH siguro mahigit 12,000 na. Sa partnership sa PCMC, ganoon din kadami, 11,000 to 12,000.
Ang pag-alis ng swab test requirement, this is a decision of the LGU. On the part of DOT, ang tinitingnan lang namin diyan is kailangan lang safe ang turista at tourism frontliners.
Suportado po namin itong hakbang ng DILG na i-streamline at i-simplify itong protocols at requirements.
Ito ay isa sa isinusulong natin na bigyang pagkakataon ang mga pamilya na makapasyal sa Intramuros without any age restriction.
Pagdating ng tamanag panahon kapag inalis na nila ang restrictions on international travel, maaaring i-explore na rin natin ang possibility ng mga tourism bubbles with neighboring countries.
'Yong revenue natin sa domestic tourism noong 2019 ay umaabot ng P3 trillion so may kumpiyansa kami na makakatulong ito sa pag-accelarate ng ating industriya.
Asec. Dominique Tutay, DOLE:
Noong Enero ng taong ito, mayroong mga 25,226 workers mula sa 1,421 establishments na tuluyan nang nawalan ng trabaho.
Pero mayroon pa ring workers under flexible working arrangements and temporary closure. Umaabot ito ng mga 108,000.
Kung luluwagan natin ang ating ekonomiya, mga 108,000 ang maaaring tuluyang maging 5 days a week o 6 days a week at ang mga nasa temporary closure ay maaari nang makabalik.
In fact, ang FIST Act ay napirmahan na ng ating pangulo noong Feb. 16.
Ang ibang projects and action plans na naka-enroll sa NERS ay binubuo o binabalangkas ngayon ang implementation mechanisms at may mga fine prints na ginagawa sa ngayon.
We have to keep in mind na may threshold din ang ating mga manggagawa, physically and mentally.
Kapag in-extend kasi ang oras ng paggawa, maaaring mag-suffer ang ating physical and mental well-being.
It will not in any way help in terms of employment creation or generation.
Sa ngayon po ang ating CAMP ay ongoing pa po. Nakapag-benefit na po ito ng higit isang milyon na workers in the formal sector.
Ito namang wage subsidy ay naisumite na natin sa Office of the President, mayroon na rin pong nakuhang copy ang ating Sec. Avisado.
Ang gusto po natin dito ay ma-preserve po ang employment ng ating kababayan.
Lalo na po ang mga nasa temporarily closed na company, mayroon pong about 2.5 million na mga manggagawa na affected po riyan.
コメント