March 12, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO) and Aljo Bendijo (PTV-4):
Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod na linggo.
Ngunit sinabi rin ng Pangulo na may pag-aalinlangan pa rin siya dahil sa problema pa rin ang social distancing lalo na sa urban areas.
Naki-usap din siya sa publiko na sumunod sa health protocols.
Mayor Edwin Olivarez - Parañaque City / Chairman, Metro Manila Council:
Kahapon sa pagpupulong namin sa Metro Manila Council ay pinagkasunduan po at consensus ng lahat na ang ating curfew ay i-a-adjust po natin from 10 o'clock ng gabi hanggang 5 o'clock in the morning.
Ito po ay ipatutupad natin since Monday at 2 weeks po ang implementation nito.
Magkakaroon ng data analysis, assessment itong 2 weeks na ito... In two weeks time malalaman natin ang data natin at kung mayroon pang pagtaas.
Seryoso ang ating pamahalaan para sa proper implementation ng ating guidelines.
Magko-coordinate sa karatig boundary na kabilang siyudad para sa ating proper coordination sa lockdown at boundary check.
Magkakaroon ng strict implementation ng curfew kaya kasama ang pulis dito, magkakaroon ng border check, at bawat siyudad ay may ordinansa riyan at may penalty na fine at detention.
Parang nagkaroon na ng fatigue sa isang taon na 'yan. Pero isa lang 'yan sa cause kung bakit tumaas ito dahil alam natin na mayroon kasing bagong variant na pumasok.
'Yan ay pinag-uusapan namin. Pero until now, ang ating i-implement ay kung ano ang city ordinance ng bawat LGU.
Kakayanin. Nalampasan na natin noong August. Noong August, 'yan ang ating ECQ. Sa pagtutulungan ng national government, LGU, pati barangay ay nalampasan natin 'yan.
Itong surge/spike na ito, ito ay malalampasan ng ating region sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa. Ang kailangan lang dito, cooperation ng ating private sector.
Sec. William Dar, Department of Agriculture:
We are finalizing our recommendation base roon sa rekomendasyon galing sa Senado. Anytime this week, we will be sending our position and recommendation to the Palace.
The budget that we have this year, for example in the livestock and poultry and program, we only have P1.5 billion. For the repopulation program this year, we are using a level of about P1.1 billion.
P400 million will be used to establish breeder farms para mas marami tayong fatteners na maibigay later. Another P200 million will be used to repopulate 'yong ASF-affected areas with sentinel approach.
After 90 days na wala nang incidents ng ASF sa isang lugar ay maglalagay tayo ng mga live piglets to try once more itong areas na ito.
We have P500 million for loans to backyard hog raisers. Zero interest, payable in 5 years.
Mayroon din tayong budget na P1.5B para sa Bantay ASF sa Barangay.
We have secured from Land Bank P15 billion, P12 billion from DBP, total of 27 billion as loan program to reinvigorate the hog industry.
The government is also going to fund 22% of the insurance premium for the hog raisers, particularly commercial hog raisers.
We take exception to that accusation by hog raiser. That is not true. Our data are transparently displayed and can be shown anytime.
Comments