March 3, 2021
Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Usec. Eric Domingo - Director General, FDA:
Ako po ay wala namang naging karamdaman. Wala naman akong adverse events na na-experience.
And so far sa mga nabakunahan po as of this morning ay mga 23 po na very mild adverse events following immunization.
Sa amin sa PGH, medyo mukhang dumami talaga [ang gustong magpabakuna] after the second day.
Doon sa mga komunidad na ang attack rate ay hindi masyadong mataas at kung ang tao ay hindi naman exposed sa COVID-19, mas mataas naman talaga ang efficacy rate niya (CoronaVac). Ang estimate nga is 63% to 91%
'Yung 50% efficacy of CoronaVac, 'yon po ay sa mga COVID-19 responders.
Noong Monday afternoon po, may isang local pharmaceutical company distributor na nag-submit po ng letter na mag-a-apply po sila ng EUA for Sinopharm.
Unfortunately, wala pa pong dokumento na kasama ito so hiningi pa po namin sa kanila ang mga dokumento na kailangan para mai-evaluate natin ang kanilang application.
Until we see the scientific evidence at makita natin kung kanino ginamit ang kanilang clinical trial at saka kanilang experience sa paggamit pa rin sa ibang bansa, doon pa lang makapagbibigay ng recommendation.
Mabilis naman po ang proseso ng FDA basta kumpleto naman po ang dokumento lalo na kung may EUA galing sa stringent regulatory authority kaya po namin 'yan in 21 days.
As of now wala pa po kaming nakukuhang kasagutan pero tuloy-tuloy naman po ang investigation diyan.
In fact, 'yung BOC ang alam ko ay may sagot sila dahil humihingi po kami ng datos ng mga importasyon ng mga bakuna nitong nakaraan na taon. So tinitingnan po iyon ng ating enforcement unit at ating regulatory enforcers.
Wala pa pong binibigay na petsa sa atin. Siguro umiiwas na rin sila magbigay ng petsa hanggang siguradong-sigurado na nakasakay na sa eroplano.
Mukhang ang hirap po talaga ay ang pagta-transport dahil very special po talaga ang transportation ng mga vaccine.
Ang sabi naman ng WHO ay talagang nakalaan na sa atin ang mga doses na 'yun. Sasabihin na lang nila sa atin eksakto kapag alam na nila 'yung petsa kung kailan darating.
Ang compassionate special permit is not, in any way, a guarantee of efficacy and safety ng isang bakuna.
Kapag nagbigay kami ng compassionate special permit, klaro na ang humihingi ng kaniyang permit ay siyang completely responsible sa produktong 'yon.
Dr. Edsel Salvana, Institute of Molecular Biology and Biotechnology-National Institute of Health UP Manila:
Medyo sumakit lang nang kaunti ang arm ko. Ngayon okay na.
Kapag tinurukan po tayo ng bakuna, tatlo po ang pwedeng maging epekto niyan.
Unang-una 'yung mapo-protect tayo against severe disease. So imbes na magkakaroon tayo ng malalang pnuemonia ay magiging parang sipon na lang siya kahit makalusot man ang impeksyon sa bakuna.
Pangalawa, maganda talaga kung clinical disease hindi nabibigyan kahit sipon hindi ka magkakaroon dahil less nakakahawa ang taong hindi bumabahing o umuubo.
'Yung pangatlo ay ang tinatawag na transmission blocking o ang sterilized immunity.
Kampante tayo na based on what the clinical trials showed, napakalaki ng epekto nito sa pagpapababa ng risk na mamatay, lalo na 'yung vulnerable population.
Wala namang level ng antibody na sigurado tayong protective. Ang advise nila is siguro delay at least 90 days up to six months from the time nahawa ng COVID-19 para bumaba na ang antibody.
Importante po kasi bago po lahat ng mga bakuna na ito at ang alam lang po natin sa ngayon ay ang nakita sa ating clinical trials.
Bagama't pwedeng gumana siya kung i-delay natin wala pong katiyakan. Lalong-lalo na sa mga ganitong times of uncertainty mas maganda po talagang sundin muna natin ang alam po natin.
It will take siguro 6 weeks at least kasama na riyan ang pagbigay ng bakuna sa 4th week. After that 2 weeks to get the full protection.
'Yung report ng South African variant, mayroong mutations ng E484K na may indikasyon na pwedeng bumaba 'yung antibody response at efficacy ng vaccine against these kinds of variants.
Ang ibang vaccines naman na kahit 'yung nagpapakita ng decreased efficacy, pwede namang i-upgrade.
Sa ngayon, ang nakikita nating porsyento ng variant doon sa mga isini-sequence natin ay nakapakaliit pa, less than 3 to %. Pwede siyang factor pero hindi main driver ng increase.
Dr. Jaime Montoya, Philippine Council for Health Research and Development:
Ang pagkakaroon ng bakuna ay hindi simpleng bagay. Bago aprubahan ng FDA, ito ay nagdaan sa masusing pag-aaral ng ating mga eksperto.
Maraming pinagdaanan at maraming eksperto ang tumingin bago maglabas ng desisyon ang ating FDA.
Basta aprubado ng ating FDA, ito ay siguradong mabisa, ligtas, at may kalidad.
Sa pangkalahatan, kung lahat tayo ay magpapabakuna or karamihan sa atin ay magpapabakuna, mas maaabot natin ang inaasam-asam na herd immunity.
Sa pangkalahatan po, kapag tayo ay exposed to an infection, talaga pong ang ating payo para sa pangkalahatan ay tayo po ay mabuhay na tinatawag na healthy lifestyle.
Ito po ay kinabibilangan ng pagkain po ng tamang pagkain, balanced diet, sapat na pahinga, pag-iwas sa mga bisyo, at ehersisyo.
Ang atin pong mga bakuna ay mayroon tayong tinatawag na primary series na kung paano siya ibibigay.
Mas maganda ang ating response sa bakuna kung ang immune system natin ay kumpleto, healthy, at ito ay base sa ating healthy lifestyle.
Itinuturing po ang second dose, kung dalawang beses siya ibibigay, as booster dose.
Itong booster ay parang paraan para masigurado na ito ay magtatagal at mas mataas.
Kapag binigyan ng booster, mas malaki ang degree of protection, not only from disease, but also against the possible variants na pwedeng lumabas.
In the future, hindi tayo magtataka kung magkakaroon ng third short o fourth shot, depende sa magiging resulta ng mga pag-aaral na isasagawa tungkol sa epekto ng mga booster na ito.
Sa paunang datos na lumalabas sa kanila (Israel), although ito ay hindi pa published data... ay mukhang nakakakita na sila ng pagbaba ng mga kaso, partikular sa may edad na.
Matatapos 'yan siguro in the next 2 or 3 months, pero depende 'yan sa bilis na makakakuha sila ng sapat na numero ng kalahok.
Itong Glovax po ay isang local company nakipag-partner sa isang Korean firm manufacturing company na gumagawa na po ng bakuna.
Patuloy po ang ating pakikipag-usap para po maisagawa nila ang kanilang plano and eventually po sana po ay magtuloy-tuloy na ito para magkaroon po tayo ng local capacity to develop vaccines in the Philippines.
Kami po ay natutuwa na at last nagkaroon na po tayo ng bakuna na aprubado ng ating FDA na magiging available po sa mga Pilipino.
Ito po ay nagbibigay pag-asa sa atin na ngayon po bukod sa ating minimum public health standards ay mayroon na rin tayong additional mode of protection.
Tayo po ay kasama sa solidarity trial for therapeutics na organized by WHO.
Comentarios