March 24, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Usec. Artemio Tuanzon, DOTr:
Ngayon po ay dahil mayroon tayong NCR Plus Travel Bubble, ang papayagan lamang po makasakay at makapasok dito ay mga APOR natin at 'yong mga returning residents.
Wala naman pong nagbago sa ating kapasidad at bukod po dito, iniuutos lang po ng ating kalihim na si Sec. Art Tugade na lalong paigtingin ang pagpapatupad ng mga health protocols sa ating mga pampublikong transportasyon.
May karapatan po ang mga tauhan ng ating bus companies pati na rin po 'yong mga tauhan ng ating ahensya na tignan po 'yong mga sumasakay papunta at palabas ng ating NCR Plus Bubble.
Tinitignan po nila kung essential ang kanilang lakad at kung hindi naman po ay ipinapaliwanag kung bakit hindi sila pwede pasakayin.
Ngayon po, kung sila ay kasama sa APOR, sila po ay pinapayagan pong bumiyahe papasok at palabas ng NCR Plus Bubble.
Magandang balita lang po sa ating mga mamamayan na nakansela ang kanilang booking dahil dito sa paghigpit ng mga alintuntunin dahil sa ating NCR Plus Bubble, maari po silang mag-rebook ng libre at pwede magrefund ng kanilang mga nabayaran.
Ang pandemya po, kinoconsider na force majeure kaya pwede sila mag-refund, rebook ng ticket.
Ang LTFRB po ay naglabas na ng memorandum 2020-061 na hinihiling po sa lahat ng operator ng public transport na tuloy-tuloy ang pagdidisinfect at masinsinang pagsasagawa nito.
Ngayon, ang nagmomonitor po nito ay ang LTO, LTFRB, ngunit hindi po natin kaya ito dahil limitado po ang manpower natin kaya po humihingi po tayo ng tulong sa PNP at sa mga LGU para imonitor na rumuruta sa kanilang mga jurisdiction.
Ngayon po, kapag may mahuhuli po tayo na lumalabag dito ay padadalhan po sila ng show-cause order at kapag napatunayan ito, maari silang mamultahan o matanggalan ng CPC o mga provisional authority nila para bumiyahe.
Tulad po ng nasabi ko po ang LTFRB po ang nagpapadala ng show cause order sa mga bus companies at jeepney operators sa mga lumalabag.
Kung sino po ang pwede pumasok at lumabas ay 'yon pa rin po ang mga nasabing APOR natin... 'yon 'yong mga essential workers, 'yong mga health and emergency frontline personnel natin,'yong mga opisyal ng gobyerno, mga awtorisadong manggagawa, 'yong mga kailangang bumiyahe for medical or humanitarian reasons, mga tutungo sa paliparan natin para lumabas ng ating bansa, saka po 'yong returning OFWs ang pwede pa rin pong bumiyahe.
'Yong sa staycation po, I think po nasabi na ni Sec. Harry Roque na pwede pa rin po ang staycation within the NCR Plus bubble.
Nakikipag-coordinate kami sa DOH at saka IATF para sa pagbabakuna.
May listahan po ang ating gobyerno ng mga prayoridad para sa pagbabakuna at sumusunod lang po ang transportation sector dito.
Guido David, OCTA Research Group:
'Yong interventions na pinatupad ng pamahalaan, makikita natin 'yong effect niyan within next week or the next two weeks. So kung gusto natin ma-monitor muna kung ano ang magiging epekto niyan.
Pero based sa nakita natin sa last year na nag-MECQ tayo, normally, it takes a month or 4 weeks bago natin makita 'yong reversal into a downward trend.
So pero hindi natin sinasabi na imposibleng mangyari 'yan in the next 2 weeks. Medyo it's not so likely pero it's possible naman 'yan pero mas realistic 'yong at least 4 weeks.
Prof. Ranjit Rye, OCTA Research Group:
Naiintindihan namin ang sitwasyon ng gobyerno, kailangan balansehin ang kalusugan at ekonomiya. Inaasahan nating makikisama ang publiko, private sector.
Let's give the (NCR Plus) bubble a chance. Pero kung mataas pa rin ang kaso after nito, medyo kailangan na natin magisip-isip.
Wala namang imposible kung magtutulungan tayo. Nangyari na itong surge last year, pero itong surge nga lang na 'to ay mas matindi.
Ang problema, the bubble, it will take some time, mga 3-4 weeks before we feel the effects. Sana hindi mapuno ang hospitals natin.
We need significant mobility restrictions. We are hoping the bubble we are implementing now will work.
We’re suggesting that we have some flexibility in this new version of the quarantine where we have transportation for all, and where some businesses continue to be open. But a significant part of the private sector would be work from home.
The goal is to reduce transmissions, ensure our hospitals aren't overwhelmed.
Ang conviction ng OCTA, you can only open the economy if you deal with the transmission. Right now, we have a massive surge and we need to act quickly on it.
Comments