top of page
  • Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

August 4, 2021


Moderated by Sec. Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio (PCOO):

  • 3 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine na donasyon ng US government, dumating na sa bansa kahapon; Pangulong Rodrigo Duterte, personal na sinalubong ang bakuna.



Sec. Vince Dizon, Testing Czar:

  • Kahapon po, August 3, ang pinakamataas na nabakunahan natin sa isang araw umabot po tayo ng 680,883 jabs.

  • Dahil po diyan, halos 22 million na po ang jabs administered.

  • Halos 10 million na Pilipino ang vaccinated kaya napakalaking milestone ito.

  • Kampante tayo na bukas na bukas, lampas na pong 10 million ang kumpleto ang bakuna sa Pilipinas.

  • Kahapon ang NCR ay naka-164,000 (na nabakanuhan)

  • Katapat po natin ang supply (ng bakuna). Kung maganda ang supply, tuloy-tuloy, kaya natin i-sustain itong jab rate na ito.

  • Gaya po ng sinabi ng ating vaccine czar na si Sec. Galvez, depende po talaga sa pagdating ng supply. Kung may darating na supply, naniniwala po tayo na kakayanin natin 'to.

  • Actually, four million doses po ang instruction ng IATF na ilalaan sa Manila at 2.5 million para sa Plus areas.

  • Ang number one priority natin ay ang mga area na papasok sa enhanced community quarantine.

  • Kasama na po riyan 'yong mga areas na tumataas 'yong mga kaso sa buong Pilipinas. 'Yan po ang ating priority.



Bongbong Marcos, Former Senator:

  • Mas gumaganda na ang sistema natin laban dito sa COVID-19. 'Yong mga ginagawa natin noon, baka hindi sapat para kontrahin 'yong Delta variant. Kaya nga kailangan nating mag-lock down uli, mag sikip ulit, mag strikto ulit.

  • Alam nating lahat, lalong-lalo na ‘yung gobyerno na pagod na 'yong tao kaka-lockdown. Kailangan siguro mag tiyaga tayo muna. Hangga’t mabakunahan lahat, ito lang ang nakikita nating paraan na magkaroon ng konting siglang ang ating ekonomiya.

  • 'Wag na kayong mag-isip. Magpa-vaccine na kayo.



Dr. Beverly Ho - Director IV, Department of Health:

  • Gusto lang po natin ipaalala sa ating senior citizens at mga kasamahan / na may kasamang senior citizens... sa ating pagtatala po ng mga kaso ng COVID-19 at mga namamatay from COVID-19, alam po natin na talaga pong although people more than 60 years old, they are actually account for thr 60% ng mga namamatay sa COVID-19 sa ating bansa.

  • Ito po ang dahilan kung bakit makulit po tayo na mabakunahan na po ang mga senior citizen.

  • Mayroon po tayong 2 bagay na tinitignan para makumbinsi ang mga senior citizens na mabakunahan.

  • The vaccine uptake is going to be determined by the motivation of the senior citizens to get vaccinated but also equally important kung gaano po nila kabilis ma-access 'yong pagbabakuna.

  • Doon po sa motivational part, mayroon po tayong Resbakuna campaign at nagkaroon po tayo ng mga materials specific to our senior citizen.

  • Kasama rin po natin ang mga private sector sa Ingat Angat Bakuna Lahat campaign.

  • Kaya po pinapakita rin po ang isa sa mga guide ng DOH na madodownload ng libre. Isa po itong tulong sa ating mga families and friends kung paano makumbinsi ang iba pang miyembro ng pamilya partikular na ang mga senior citizen na magpabakuna.

  • Nakita po natin ngayon sa NCR, halos 68% ng masterlist natin sa senior citizen ang mayroon ng first dose at 63% naman ang may second dose na. From the last few months, tumaas na po siya.

  • But for the entire country, we are still at 34% partially vaccinated for all senior citizens and at 32% fully vaccinated as of August 2.

  • Since the last few months, we have been recommending sa naka-cloth mask, if may possibility, to double mask na po sila

  • More important is ventilation.

  • Basta po kami sa DOH is very transparent with the data. The whole point of publishing the data online is researchers in the country can download the data set, study and interpret it. Different groups may interpret it differently.



Atty. Franklin Quijano - Chairperson, National Commission of Senior Citizens:

  • Kung kailan darating ang mga bakuna sa mga localities ay dapat malaman din ng mga senior citizens, and in this aspect, tumutulong po ang NCSC mag disseminate information.

  • We understand na ang inuuna ngayon ay ang Metro Manila at ang mga lugar na medyo mataas ang rates ng COVID-19.

  • We assure you na marami talagang senior citizens na gustong magpabakuna. Ang problema nga lang di pa dumadating 'yong supply.

  • We also hope that we will be able to convince and ask the public to help convince ang mga ayaw magpabakuna.



Gov. Florencio Miraflores, Aklan:

  • Dito sa Panay, isa lang ang crematorium dito which is based in Iloilo.

  • We send our COVID deaths to Iloilo at we were advised for the next 3 weeks, na hindi muna sila tatanggap ng COVID deaths from Aklan kasi nagkadiperensya ang kanilang crematorium.

  • So because of that advisory, nagbigay din ako ng advice sa ating mga mayor na in case may mga COVID deaths tayo dito sa Aklan ay dapat ang kanilang mga municipal cemetery na mag-receive nito o maglibing agad.

  • While ang COVID deaths dito ay tumataas, malaki na rin ang problema dito pero 'yong advisory natin na 'yon ay based on lack of capacity ng ating crematorium sa Iloilo.

  • Sa ngayon, 184 deaths ang Aklan, that's the whole COVID pandemic since March of last year.

  • But the past 3 months, dito talaga nag-surge ang cases sa Aklan.

  • Ang ating mga kaso ay tumataas at ang ating average daily attack rate ay nasa 22% na.

7 views0 comments

Recent Posts

See All
Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page