LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS
- DWWW 774 Admin 05
- Jul 24, 2021
- 5 min read
July 24, 2021
Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):
Usec. Renato Solidum, Jr. - OIC, DOST-PHIVOLCS:
Magnitude 6.7 na lindol ang yumanig kaninang 4:48 am sa Calatagan, Batangas
Naramdaman ito sa ilang lugar sa NCR at Visayas
May lalim na 123 kilometers
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na sanhi ng pagkilos ng Manila trench at walang kinalaman sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal
Hindi rin ang West Valley Fault na pinangangambahang magdudulot ng ‘The Big One’
Walang banta ng tsunami
Mula kaninang umaga ay may mga aftershock nang naitala kabilang ang 5.5 magnitude quake, kaninang bandang 4:57 am
Walang report ng casualty
Walang naitalang pinsala ang naturang lindol ngunit sa Calatagan ay mga napaulat nang nagkaroon ng mgga bitak
Kailangang tiyakin na ang ating mga bahay ay pulido ang pagkakagawa at isipin na natin kung anong aksyon ang gagawin at saan kukubli pag may lindol
Sa Bulkang Taal naman ay ibinaba natin sa Alert level 2 ang alerto mula sa Alert level 3 dahil nakitaan natin ito ng pagbabawaas sa paglabas ng gas
Ipinagbabawal pa rin ang pagpunta ng mga tao sa paligid at coastal area ng bulkan dahil pa rin sa bantang pagputok nito
Ang mga tao sa paligid ay laging maging handa at kung sakaling magkaroon ng pagsabog ay lumikas muli sila.
Mark Timbal - Spokesperson, NDRRMC:
Sa Occidental Mindoro nagkaroon ng evacuation dahil sa pagbaha dulot ng pag-ulan dahil sa bagyong ‘Fabian’
Taytay, San Mateo, Rodriguez at patuloy na tinutuukan at kaagapay ang mga LGUs
We have more than enough relief support para sa mga kababayan natin
Patung-patong ang paghahanda natin dahil sa paga-alburuto ng Taal Volcano, itong magnitude 6.7 na lindol at ito pang problema natin sa COVID-19 upang matiyak na mapanatili ang minimum health standard sa mga evacuation centers
Itong lindol ay hindi naman ganon katindi, walang naitalang casualties, walang tayong natatanggap na evacuation activies sa mga apektadong lugar ngunit naka-bantay ang ating Regional Disaster Council, naka-preposition ang lahat ng ating personnel para sa kinakailangang tulong
Takot na magpunta sa evacuation center dahil sa banta ng Delta variant: may opsyon sila kung ayaw nilang tumuloy sa mga evacuation center at maaari silang makisilong sa kanilang mga kamag-anak pero sa evacuation center ay tinitiyak natin na malinis at sinusunod natin ang mga minimum health standard at tinitiyak nating walang magkakasakit.
Gov. Ryan Singson, Ilocos Sur:
Halos isang linggo nang tuloy-tuloy ang ulan pero so far ay walang naitatalang baha sa ating lalawigan
Itinaas sa GCQ w/ Heightened Restrictions ang lalawigan: tumataas ang COVID-19 cases dito sa Ilocos Sur kaya maganda na ipasailalim sa GCQ w/ Heightened Restrictions ang lalawigan
100+ cases a day ang ating natatala
975 active cases ngayon
Makatutulong itong GCQ w/ Heightened Restrictions para mapigilan pa ang pagdami ng kaso ng virus
Kahapon may naitala ng local transmission ng Alpha at Beta variant
Granular lockdown—isa sa mga ginagawa namin para mapigilan ang pagkalat pa ng virus dito sa Ilocos Sur
Mahirap iwasan ang virus dahil sa A4 na labas pasok dito sa probinsiya araw-araw at hindi naman sila araw-araw nati-test
Triple na ang ginagawa nating paghihigpit ngayon lalo sa naitala ng local transmission ng Alpha at Beta variant
Nagpulong ang Ilocos Sur COVID Task Force kahapon para sa ating gagawin
Sa ngayon ay essential travels lang ang papayagan nating pumasok at luambas dito sa probinsiya
Naghihigpit din sa kani-kanilang lugar ang bawat barangay
Halos 300+ per day ang ginagawa natin at mahigpit ang ating contact tracing
Sa Region ay halos lahat ay tumataas ang kaso kaya kung anong ilalabas ng Region dun naming nalalaman ang result ng mga nagpapa-PCR test
Minamadali na namin ang pagtapos ng sarili nating testing lab
Napupuno na ang ating healthcare facilities; bed capacity; ang 2 district hospital namin ay naka-a lot na para sa mga COVID patients
Ang nat’l gov ay nagbibigay samin ng sapat na suplay ng COVID-19 vaccine; this week halos 60K doses ng bakuna ang aming natanggap
Dito sa Region 1 ay maganda ang vaccination rollout dahil hindi natatakot ang mga tao dito magpabakuna
Mga magtutungo sa Ilocos Sur: Kailangan ng ID, negative result ng RT-PCR or negative antigen within 24 hours before entry, makipag-coordinate sa LGU, naka-book sa accredited hotels/facilities ng DOT; approved ng area of destination ang mga papasok na returning Filipinos.
Dr. Corazon Flores - Regional Director, DOH Central Luzon Center for Health Development:
As of July 22, may ulat na 6 na bagong nagpositibo sa COVID-19 Delta variant
Hinahanap na ang mga naging contact nitong mga 1st and 2nd generation ng mga nagpositibo
Tuloy ang ginagawa nating imbestigasyon
Wala silang nakaharap na nag-travel
Malaki ang bilang ng active cases sa Bataan, nagpadala tayo ng kaso sa genome sequencing at luamabs na Delta variant at nagkaroon ng high level suspicion kaya na-detect ang variant
Recovered na ang 6 na nagpositibo sa Delta variant
May sintomas sila ng virus tulad ng lagnat, sipon, ubo
Nasa low risk pa rin ang ating health care utilization, 44% sa buong rehiyon, marami pa ring bed capacity; 29% isolation
Pero ang Bataan ang nasa high risk na ang buong ICU beds kaya naghahanda na tayo tulad ng ang ibang wards ay i-convert sa COVID ward
Kapag bumaba ang kaso ay ibabalik na lang sa dating gamit
Batay sa latest monitoring natin, mataas ang kaso at dahil sa relaxation ng ating mga kababayan na hindi nag-o-obserba sa mga variant, dapat pa rin talaga nakasuot ng mga face shields tuwing lalabas ng bahay
Naghigpit tayo ng mga protocols
Nasa MECQ ang buong probinsiya ng Bataan
We are recommending granular lockdowns in some places
Ang mga pulis ay ie-enforce ang pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa physical distancing.
Usec. Maria Rosario Vergerie - Spokesperson, DOH:
Sa 47 cases ng COVID-19 Delta variant cases — may 1 fully vaccinated na, may 4 na naka-unang dose pa lang, 18 others are not vaccinated
Vaccination roll out napaka-importe na mag-double time tayo dito dahil kita natin na ang mga pasyente, sa kanilang lugar na apektado ay hindi apektado
Naghahanda tayo dito sa Delta variant, may mga naka-preposition tayong mga COVID beds sa mga ospital, nakapag-imbetaryo na tayo ng mga kagamitan at gamut sa mga ospital, may mga tent para sa mga ospital at para sa mga modular
Ventilators are also ready now and we are looking to buy more
Tinataas natin ngayon ang capacity sa testing
Kapag nagpositibo sa Delta variant, binabalikan antin sila para malaman kung inactive ang virus o may sintomas pa rin sila
Tinitiyak natin na tinatapos nila ang kanilang 14-day quarantine
Ang ating KAYA system ay nagakroon ng technical issue early this week kaya hindi napo-post ang mga data from other laboratories
Nagma-manual lang tayo nitong mga nakaraang araw
Nakipag-ugnayan an tayo sa DICT dahil sila ang may hawak dito at kaninang umaga ay naresolba na ang problema
Ngayong Sabado papasok ang mga datos sa ating talaan
‘0’ ang death kahapon; ibig sabihin ay hindi lang naming nakuha ang datos dahil down ang system ng COVID KAYA
Hindi natin nakita na apektado ang pagbabakuna weekly
Dahil sa mga pag-ulan ay ire-report natin kung naapektuhan ang mga pagbabakuna
Mga restrictions ay naipatupad na at ang community classifications ay napagkasunduan na; pero it will depend pa rin sa whole genome sequencing, kapag may nakita tayong pangangailangan ay ire-rekomenda natin ito
Itinutulak natin ang Center for Disease Control (CDC)—magbibigay nang kaukulang appropriate na datos
Bacoor City—wala pang naibibigay pang datos mula sa lugar, mayroon lang mula sa Bulacan, Taguig
Trangkaso dahil sa mga pag-ulan—isipin antin na pareho ang sintomas ng flu sa COVID-19, kapag may ganitong sintomas ay mag-isolate na agad at magpa-test upang malaman ang totoong status
Leptospirosis at dengue—may kapareho sa COVID-19—lagnat, pananakit ng katawan, pananakit ng lalamunan at sipon nakikita sa dengue pero tandan natin na ang mga sakit na ito ay dahil sa different pathogen
Comments