top of page

LAGING HANDA PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

  • Writer: DWWW 774 Admin 05
    DWWW 774 Admin 05
  • Jul 26, 2021
  • 2 min read

July 26, 2021





Moderated by Usec. Rocky Ignacio (PCOO):



P/Gen. Guillermo Eleazar - Chief, PNP:

  • Ito po ay 15,000 kasama na po ang force multipliers natin. Around 11,800 ang ating mga police, mainly from NCRPO.

  • Ito ay all over Metro Manila pero ang bulk malapit sa Batasan Complex. Particularly sa Commonwealth Avenue.

  • Mismong itong mga grupo na magki-kilos protesta ang nagbigay ng kondisyon nila sa ating LGU kaya't sila ay pinayagan.

  • Kasama doon ang pag-maintain ng physical distancing, pagsuot ng face mask and face shield, and hindi pwede ang mga bata at kung mayroon mang matanda, bakunado na.

  • Maiksi rin ang mga programa na iyon. Hindi na sa Commonwealth magsasagawa ng programa, ang programa is ongoing ngayon doon sa UP.

  • At kung sila ay mag-march dito sa northbound ng Commonwealth, hanggang doon lang sila bago mag-Tandang Sora.

  • 'Yong checkpoint operation natin ay bahagi 'yan ng pinaigting pagpapatupad nitong ating mga health protocols.

  • Ang may mga body cameras lang po ay ang mga na-issue-han ng body cameras.

  • Bawat isang police station na binigyan natin ng body camera ay 16 lang po 'yon.

  • Kanina po, nakausap ko po ang mga kinatawan ng ating CHR kung saan inimbitahan po sila ng ating kapulisan para maging bahagi ng pag-oobserba ng ating ginaganap na pagbabantay sa ating deployment sa SONA.

  • Wala po tayong hulihan kung susunod sila sa patakaran na sila mismo ang naglatag.

  • Ngayon, kung di sila susunod, ang bilin ng ating DILG Secretary Año ay may reason po para ipatigil ang kanilang programa.

  • At maaari na magkaroon po ng pag-warning or caution, or kung talagang sila ay mag-i-insist na gawin ang hindi napagkasunduan, doon na po tayo papasok para sa dispersal.

  • Pero ang arestuhan po sana ay last resort natin 'yon kung hindi sila susunod sa napagusapan.

  • Wala po tayong natatanggap na banta sa seguridad pero ang mga pulis po kasi ay talagang naghahanda para sa iba't-ibang sitwasyon.

  • During the (Duterte) administration ay talagang dito nadoble ang sweldo ng ating mga kapulisan pati ang ibang members ng security sector natin.

  • Pati na rin po sa mga kagamitan dahil nga nag-invest ang ating pamahalaan sa security forces knowing na ito ay makaka-contribute sa peace and order, and eventually, economic development.

  • Nakita po natin na sa loob ng 5 taon na ito ay bumaba po ang index crime natin ng 63% compared doon sa first 5 years ng previous administration.



Sec. Mark Villar, DPWH:

  • Kung ico-compute natin ang spending ng accomplishments natin in terms of peso value, halos times 3 ang natapos na projects sa ilalim ng administrasyong Duterte.

  • Ito ang pinakamarami sa kasaysaysan ng ating bansa.

  • Mahigit 26,000 kms of roads, ...bridges, mahigit 10,000 infrastractures.

  • Sunod-sunod din po 'yong inaguration ng ating mga flagship projects.

  • Masigla ang Build, Build, Build. Sa gitna ng pandemya, na-accomplish pa rin 'yong mga commitments sa ating mga kababayan.

  • Napakalaki ang accomplishment ng Build, Build, Build. Mararamdaman ang effects ng BBB.



Sen. Christopher “Bong” Go:

  • Bagama't ito na ang pinakahuling SONA ng Pangulo, ayoko po maging biased. Hayaan na lang na ang taumbayan ang humusga kung natupad niya ang kanyang mga pangako.

  • Naaasahan ang mga pulis natin. Ginagalang at nalalapitan po natin kumpara noon... Successful ang peace and order campaign ng ating pangulo.

  • Marami na pong highways, tulay. May mga skyways na mahirap tapusin pero dahil sa political will ni Pangulong Duterte, tuloy tuloy na po. Nababawasan na po ang trapiko sa Metro Manila.

  • Inuuna niya ang buhay at kalusugan ng bawat Pilipino. Maganda ang takbo ng COVID response.

Comentários


Join our mailing list

Never miss an update

Thanks for submitting!

© 2023 by Artkom Creatives

Proudly created with Wix.com

bottom of page