top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

January 5, 2021





Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Pinagbawalan ni Pangulong Duterte ang PSG na umappeal sa Senado ang PSG. Para kay Presidente ito ay "it's a matter of self-preservation."

  • Ipinag-utos din ng Presidente ang pagpapaliban sa contribution hike para sa mga miyembro ng PhilHealth.

  • Sabi ng Presidente, walang pagtataas sa kontribusyon na mangyayari sa gitna ng pandemya at maghahanap ng pondo ang pamahalaan para ma-recover ang scheduled hike na nakasaad sa batas.

  • Bilang pangunahing author po ng Universal Health Care sa Mababang Kapulungan noong 17th Congress, kaya nga po ang tawag d'yan ay Universal Health Care. Hindi po natin inaasa 'yan ang buhay ng libreng paggamot at libreng gamot sa premiums lamang. Kung kulang po ang premiums ay dapat tutustusan ito ng gobyerno.

  • Ipinag-utos din po ng Presidente sa hepe ng BIR na si Atty. Cesar Dulay na balasahin ang mga personnel ng ahensya dahil sa mga iregularidad.

  • Pinirmahan po ng Presidente ang RA No. 11509 o ang Doktor Para sa Bayan Act na nag-eestablish ng Medical Scholarship at Return Service (MSRS) Program para sa mga karapat-dapat na mag-aaral na kumukuha ng medisina. Binibigyang prayoridad ng batas na ito ang mga walang doktor sa kanilang bayan para matiyak na magkaroon ng atleast 1 doktor kada bayan sa bansa.

  • Kasama rin sa pinirmahan ng Pangulo ang batas tungkol sa Alternative Learning System Act o basic education para sa mga out-of-school children, special cases and adults at kasama rin dito ang indigenous people. Ito ang RA 11510.

  • Isa rin sa piniramahan ng presidente ang RA 11511 kung saan inamiyendahan ang section 2 ng RA 10068 o Organic Agriculture Act of 2010 at idinagdag ang pagtaas ng kikitain ng mga magsasaka at pag-promote ng food-self sufficiency declaration of policy.

  • Pang-huli, pinirmahan ni Pangulo ang RA 11517 kung saan pinahihintulutan ang presidente ng Pilipinasna pabilisin ang processing at issuance ng national at local permits, licenses, certifications sa panahon ng national emergency.



Sec. Vince Dizon - Deputy Chief Implementer and Testing Czar:

  • Sa kasalukuyan, ni-require natin mag-mandatory 14-day quarantine dahil sa pagkalat ng bagong variant ng COVID-19 sa iba't ibang bansa.

  • Unang-una po siguro bago magbigay ng update para maintindihan ng ating mga kababayan, kailangan po natin gawin ito dahil kailangan natin pigilan sa lubos ng ating makakaya ang pagpasok ng bagong variant ng COVID-19 sa ating bansa.

  • Sa kasalukuyan po, mayroon na pong 21 na bansa... ito po ang listahan ng mga bansa na kung saan (galing ang isang individual) ay kailangan mag-mandatory 14-day quarantine pagpasok nila sa Pilipinas pero inaabisuhan po sana natin ang lahat ng ating mga kababayan na manggagaling sa bansang ito... kung hindi naman po importante at urgent ang inyong paghingi e baka po mas maganda na ipagpaliban muna ang kanilang pag-uwi sa bansa para na rin hindi po mahirapan at kailangan mag 14-day quarantine.

  • Pero kung kayo talaga po ay kailangan ninyo pong umuwi, humihingi kami ng pasensya at pag-intindi. Kailangan po talaga natin gawin ito at pipilitin po natin na maayos at mabuti naman ang inyong kalalagyan kapag po kayo ay nagmamandatory 14-day quarantine.

  • Mga bansang nasa listahan na covered ng temporary travel restrictions: United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, USA, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain at Germany

  • Simula po nung nagpatupad ng ban noong December 22 na nagsimula sa bansang UK, 3,684 na po ang dumating (simula December 22 hanggang January 3).

  • 74 po sa mga ito ay nagpositibo base sa ating testing at 3,610 naman po ang negative.

  • Ang positivity rate po no'n ay 2%. Mababa naman po s'ya pero hindi po talaga natin kayang itaas ang risk para sa ating mga kababayan sa Pilipinas kaya kahit po na mag-negative e kailangan po natin i-quarantine ang ating mga kababayan ng 14 days.

  • Ang mga specimens po na nakuha natin mula sa mga kababayan na nanggaling sa 21 countries na nasa listahan ay ipinadala na po natin sa Philippine Genome Center ng UP at sa RITM para pag-aralan kung may new variant sa nagpositibo na 74.

  • Mayroon po mga isyu na lumabas tungkol sa accomodation na nais namin klaruhin.

  • Pwede pong libre ang pipiliin nilang hotel pero po kailangan nila mag-stay sa mga hotels na napili na po ng ating ng Bureau of Quarantine at ng ating Task Force.

  • Ang sample po ng mga free hotel na ito ay ang Nice Hotel sa Caloocan at Summit Ridge sa Tagaytay, Canyon Cove sa Batangas, Apollonia Royale Hotel sa Pampanga para sa Region III.

  • Pero para sa mga kababayan natin na umuuwi na non-OFW, pwede naman po kayong makapili ng mas magagandang hotel pero ito po ay kailangang bayaran ng buo dahil hindi na po kakayanin ng gobyerno. Halimbawa po dito ang Ascott at Discovery Primea sa Makati, Conrad Hotel sa Pasay City, Seda Vertis North sa Quezon City at Quest Hotel sa Tagaytay.

  • So total po 120 hotels po tayo ngayon.

  • Last na lang po sa testing, nasa 6.83 million ang tests natin. Halos 7 million na.

  • Very confident po tayo na maabot natin sa first quarter ng 2021 ang 10 million target na test natin noong noong nakaraang taon.

  • On Saliva Test: Last year pa po 'yan sinubmit sa ating mga regulatory agencies para i-approve ang ating at i-validate itong prosesong ito.

  • Nauna na po dito ang application ng Philippine Red Cross and sana ay... alam ko po ay ongoing ang validation nito e sana po bilisan na ng ating regulatory agencies at validation agencies under DOH ang pagpapalabas ng guidelines dito para magamit na natin ito.

  • On pool testing: Finally, lumabas na ang guidelines for pool testing. Ito po ay naaprubahan na ng ating DOH at ngayon s'ya ay pools of 5 kada test so makakatipid tayo.

  • Sa loob ng guidelines ng DOH, ito po ay maari nating gamitin sa mga sitwasyon na mababa ang incidents ng potential ng pagkakahawa ng COVID-19.

  • Pero kapag mataas ang positivity rate, hindi po ito magagamit kasi masasayang lang po ang pinopool test natin.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page