top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

January 7, 2021



Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nagsalita ang ating Vaccine Czar Carlito Galvez Jr kahapon para magbigay kung ano ang latest sa government vaccine efforts.

  • Una, sinabi ni Sec. Galvez na ang Pilipinas ay kasama sa mga bansa... at ang bansang Columbia ang isa sa dalawang bansa na unang lalahok sa World Health Organization Solidarity Trial kung saan 15,000 Filipino ang nagboluntaryo.

  • Pangalawa, sinabi rin ni Sec. Galvez na nasa advanced stage na tayo ng pakikipag-usap sa Novovax, Sinovac, AstraZeneca, Novovax, Pfizer, Johnson and Johnson at Gamaleya. Inaasahan natin na hindi bababa sa 148 million doses ang ating mabibili.

  • Target nating mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taong 2021.

  • At ayon sa WHO, "The Philippines is on track in terms of its preparation for the vaccine introduction and for the vaccine rollout." So 'wag ninyo pansinin ang mga kalaban ng gobyerno na nagsasabing hindi sapat ginagawa natin (sa pagbabakuna). WHO na po ang nagsasabi. We are on track.

  • Kaugnay po nito, naglabas ng artikulo ang The New York Times kung saan ipinapakita ang efficacy ng 8 bakuna kontra COVID-19.

  • Una, ang Pfizer-BioNTech Vaccine na pinahintulutan ng emergency use sa bansang tulad ng USA. Ipinakita ng clinical trials nito na ang bakuna ay may efficacy level na 95 percent.

  • Pangalawa, ang Moderna vaccine na inaprubahan sa Canada at pinahintulutan ng emergency use sa US ay nagpapakita sa mga clinical trials nito ay may efficacy na 94.5 percent.

  • Pangatlo, ang Oxford-AstraZeneca vaccine na pinahintulutan para sa emergency use sa Britanya, India at Argentina na pinapakita ng clinical trials nito na may efficacly level ito ng halos 70 percent depende sa dosage nito.

  • Pang-apat, ang Johnson & Johnson vaccine na nasa Phase 3 trials at hindi pa pinapahintulutan sa anumang bansa.

  • Panglima, ang Novovax vaccine na nasa Phase 3 trials pa rin at hindi pa pinapahintulutan sa ibang bansa.

  • Pang-anuman ang Sinovac na inaprubahan na sa China at pinahintulutan na for emergency use sa Bahrain at United Arab Emirates. Inanunsyo ng bansang Turkey na ang bakuna ng Sinovac ay may efficacy na 91 percent at inaasahan ang full results ng Phase 3 trials nito ngayong buwan. (Enero)

  • Pang-pito ang Sinopharm vaccine na pinahintulutan ng limited use... hindi lang po limited use kundi general use sa China, Egypt, UAE at Argentina. Umaabot po sa humigit kumulang 80 porsyento ang efficacy rate nito (79.43)

  • Pang-walo ang Bharat Biotech's Vaccine na pinahintulutan ang emergency use sa India.

  • Balitang IATF naman po tayo, ito po ang ilan sa mga mahalagang puntos na bahagi ng Resolution No. 92. Ito po ay inaprubahan noong araw ng Tuesday.

  • Isang Technical Working Group on new COVID-19 variant ang binuo para mabantayan at matukoy ang bagong variants ng COVID-19 sa bansa at para rin magbigay ng mga policy recommendations sa IATF sa magiging response kontra sa bagong variant.

  • Pangungunahan po ito ni DOH Usec. Vergeire, ang kanyang co-chair po ay si Dr. Jaime Montoya na executive director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST.

  • Miyembro po sina Dr. Anna Ong-Lim, DOH; Dr. Marissa Alejandria, DOH; Dr. Edsel Maurice Salvana, DOH-TAG at UP-PGH; Dr. Celia Carlos, RITM; Dr. Eva Maria Cutiongco-dela Paz, Univeristy of the Philippines-National Institute of Health; Dr. Cynthia Saloma, University of the Philippines-Philippine Genome Center; at Dr. John Wong, Epimetrics

  • Tulad ng aking sinabi na ang lahat ng mga banyagang pasahero na manggagaling at may travel history within 14 days bago dumating sa Pilipinas mula sa mga bansang sakop ng ating travel restrictions ay pinagbabawal pa ring makapasok sa Pilipinas hanggang January 15, 2021.

  • Ngunit ang inyong IATF ay nagbigay ng exemptions. Una, mga local/accredited foreign diplomats at international organizations tulad ng WHO at UN ay exempted sa quarantine protocols ngunit kailangan nila magpakuha ng RT-PCR test sa oras na dumating sila sa airport. Kailangan rin nila mag-execute ng undertaking at mag-observe ng 14-day quarantine protocol.

  • Pangalawa, mga foreign dignitaries na kailangang mag-obserba ng testing at quarantine protocols.

  • Pangatlo, ang mga medical at emergency cases na kasama ang kanilang medical escorts.

  • At tulad ng sinabi ko nung nakaraan, lahat ng mga Pilipino na manggagaling sa mga bansang may travel restrictions at nag-stay sa mga 'yan ay... ng 14 araw bago dumating ng Pilipinas ay kailangan sumailalim sa abosolute 14-day facility-based quarantine period liban na lang sa highly exceptional or medical reasons na susuriin ng DOH.

  • Dahil limitado pa rin po ang kaalaman natin sa mga epekto ng mga bagong bakuna, lahat ng mga dadating sa Pilipinas na nabakunahan na sa ibang bansa ay kinakailangan pa ring sumailalim sa mandatory testing at quarantine protocols.

  • Samantala, 6 na bansa ang idinagdag sa subject to travel restriction dahil pa rin sa bagong variant ng COVID-19 na unang na-detect sa United Kingdom. Ito ang Portugal, Finland, Jordan, India, Norway at Brazil. Epektibo bukas, January 8 hanggang 15, 2021.

  • Ito naman ang rules para sa mga menor de edad na pasahero na walang kasama o unaccompanied na tinatawag. Una, epektibo January 8, 2021, 12:01 am, ang mga unaccompanied minor Filipino citizens galing sa mga bansang may travel restrictions ay hindi pinapayagang makapasok ng Pilipinas hanggang January 15, 2021.

  • Pupwede lamang sila makapasok kung kasama sila sa repatriation program ng pamahalaan.

  • Ibibigay sila sa OWWA house parent sa pakikipag-ugnayan sa DSWD para matiyak ang kaligtasan ng bata at pagsunod sa quarantine protocols.

  • Pangalawa, kung hindi kasama sa repatriation program at dumating sa bansa bago mag-January 8, 12:01 am (ang mga menor de edad na Pilipino) ay ituturn-over sila sa isang DSWD officer.

  • Sang-ayon sa Johns Hopkins, 87,108,902 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. 1,880,321 katao naman ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.



OPEN FORUM:

  • On case of Christine Dacera: Unang-una, ang pangako ng Presidente ay makakamit po ang katarungan sa pamilyang Dacera.

  • Malalaman po natin ang katotohanan at sa administrasyon ni Presidente dahil siya ay abogado at dati pang piskal, hindi niya hahayaan na ang mga kriminal ay hindi po mapaparusahan.

  • Pero hindi po tayong pupwedeng magsalita ngayon kasi may ongoing investigation po at kaugnay nitong imbestigasyon, hindi lang PNP ang maiimbestiga kundi NBI ay mag-iimbestiga na.

  • 'Wag po kayo mag-alala kung 'yong piskal ay nagdesisyon na kinakailangan na magkaroon ng regular preliminary investigation. 'Yan po ay makakabuti dahil ang gusto ng piskal ay magkaroon ng additional na ebidensya nang sa gayon ay kapag naisampa na ang kaso ay dire-diretso na po sa Muntinlupa ang mga magiging akusado.

  • So 'yong ginagawa po ng piskal ay sang-ayon po 'yan sa rules of criminal procedures at ayon po sa ating rules ng piskalya at aligned po ito ay para ma-convict beyond unreasonable doubt 'yong mga suspect sa karumal-dumal na pagpatay na ito.

  • On US Capitol protest at mensahe sa outgoing at paparating na administrasyon ni Biden: Nagsalita na po ang ating Foreign Affairs secretary, kampante po siyang 'di matitinag ang demokrasya sa Amerika sa panandaliang pangyayaring ito.

  • Ang importante lang ngayon ay masigurong walang Pilipinong masasama sa gulong iyan.

  • At inatasan naman po ang ating mga embahada at ng ating consulat office sa Washington D.C na mag-monitor at ibalita kaagad kung may nasaktan o kung may nadawit na mga Pilipino d'yan.

  • On LGUs' efforts to purchase vaccines: Well in fact hindi po sila makakabili ng bakuna on their own. Kinakailangan pa rin ng pirma ng national goverment kasi lahat po ng mga bakuna ay binebenta on a government to government basis. So lahat po ng mga bibilhin ng LGU ay sa pamamagitan po ng isang tripartite agreement kasama ang national government sa pagkatao po ni Sec. Galvez.

  • On rumors of charter change initiatives to extend Duterte's term: Wala pong katuturan ang mga chismis na 'yan. chismis lang po 'yan. The President has made it clear, wala siya kahit anong kagustuhan na manatili ng isang minuto man lang beyond (the end of) his term of office on June 30, 2022.

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page