top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

January 21, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Syempre po maraming napuyat sa atin dahil pinanuod po natin ang inagurasyon ni President Joe Biden ng Amerika at kaugnay nito, our president, Rodrigo Roa Duterte sends his warmest greetings and wishes to the 46th President of United States Joseph "Joe" Biden and to his vice president, Kamala Harris.

  • America has shown once again how deep our roots in democracy.

  • We're confident that President Biden will wear his new mantle of leadership with pride and with due regard for the hopes and aspirations of the rest of the world.

  • Kahapon ang unang araw ng ocular inspection ng cold chain facility na gagamitin natin para sa mga bakuna.

  • Kasama sa mga pinuntahan ni vaccine czar Carlito Galvez ang Zuellig Pharma sa Paranaque.

  • May kakayahan ang Zuellig Pharma sa iba't ibang bahagi ng bansa na makapag-hold ng hanggang 650 million vaccine doses habang ang walk-in freezer ng Zuellig ay may -50 hanggang -25 degrees ay nakakapagtago ng 40 million doses.

  • Meron din silang ultralow freezers na may maintaining temperature ng hanggang -80 degrees at kayang makapagtago ng 6.5 million doses. Ito po ay para sa Pfizer na kinakailangan ng -70 hanggang -80 degrees.

  • Nagpunta rin ang grupo ni Sec. Galvez sa UniLab Laguna para masiguro natin ang kahandaan ng bansa sa pagdating ng bakuna.

  • Kaya ng Unilab Pharma Campus na makapag-accomodate ng hindi bababa sa 5 million doses ng COVID-19 vaccines anytime na may maintaining temperature na 2 to 8 degrees celsius. Ito ay para sa mga Chinese vaccines naman.

  • Chineck din po ni Sec. Galvez ang cold chain storage ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na may kapasidad na magtabi ng vaccines sa ultralow at sa 2 to 8 degrees na temperature requirments.

  • Ganito po ang vaccine distribution mula sa cold chain storage hanggang sa recipient.

  • Pagdating po sa Pilipinas, susunduin po ang mga bakuna ng mga refrigerated trucks. Dadalhin po muna 'yan sa DOH Rented Private Warehouse o sa RITM. Ito po muna.

  • Unahin po muna natin ang mga bakuna na kinakailangang nasa cold storage facility na nasa 2 hanggang 8 degrees celsius na temperatura. Mula sa vaccine supplier, dadalhin ito sa DOH Rented Warehouse na ihahatid naman sa pamamagitan ng refrigerated vans sa mga Regional Warehouse/Hub. Mula dito, dadalhin ito sa mga City Health Offices at Provincial Health Offices tapos dadalhin na po natin ito sa mga rural health units hanggang sa ibigay sa ating mga kababayan.

  • Para naman po do'n sa Pfizer na kinakailangan ng cold storage facility na 70 degrees celsius. 'Yan naman po ay dadalhin sa Rented Private Warehouse at pagkatapos po ay diretso na sa private at saka dadalhin natin sa RHU at CHOs, sa mga ospital at sa mga implementing units at sa ating mga kababayan.

  • Paalala lang po ang scenarios ng akong nabanggit ay maaring magbago base sa mga ibibigay ng mga vaccine manufacturers.

  • Sang-ayon po sa ginawang speed test ng Ookla, ang internet speed ng bansa ay nag-improve ng 297.47%. Ang tinutukoy dito ay ang fixed download speed.

  • Ang nakikita n'yo po na 297.47% speed ay pamula ng administrasyon ni Presidente Duterte.

  • Nang magbabala ang Pangulo noong July 2020 hanggang December 20 ay nagkaroon po ng 25.4% na increase.

  • Pagdating naman po sa mobile download speed, sang-ayon po sa Ookla, nagkaroon po 202.41% increase speed simula July 2016 hanggang December 2020.

  • Samantala, nung magbabala ang Pangulo noong July 2020 hanggang December 2020, nagkaroon ng 32.7% increase.

  • Ito po ang lumalabas, ang Pilipinas po ay ika-29 sa 50 bansa sa Asya pagdating sa download speed ranking sa broadband.

  • Sa mobile broadband, tayo ay pang-34 out of 50 countries sa Asya.

  • Ang monthly permits na inisyu noong 2019 ay 63 sa Globe at 50 sa Smart pero matapos magbigay ng direktiba ang Pangulo sa mga LGUs na pabilisin ang pagbibigay ng permits, tumaas ang average number of permits na inusyu mula Hulyo hanggang Disyembre. Tumaas ng 552.65% sa Globe habang 194.33% sa Smart.

  • Mayroong 2,939 additional towers ang naipatayo mula Hulyo hanggang Disyembre noong 2020.

  • Globe, Smart and Dito have already built 22,834 cell towers as of December.

  • Meron nang 543,740 cable kilometers na-roll out sa bansa as of 2020, 144,451 cable kilometer ng fiber optic ang nadagdag.

  • Makikita po natin sa infographic ang surge. Ito ay surge pagkatapos ng Pasko, di pa natin nakikita kung gano ka-tindi ang magiging surge dahil sa Traslacion


Usec. Manny Caintic, DICT:

  • I'd like to highlight here has really been an increase in the tower rollout and I think this is in positive response.

  • Mas dumami rin po ang kanilang tore at gaganda rin po ang signal ng ating sasagap ng ating internet.

  • Ang challenge natin ay ang rollout ng fiber.

  • We hope that with an increased regulation in the government, walang reason ang telco sector na hindi mapalaganap ang kanilang pag rollout at mapaganda ang services.

  • On our end, hindi naman tayo nagkulang sa pagbigay ng suporta sa telcos. We should not lessen our pressure, we should intensify the push.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page