January 26, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Humarap po muli sa taumbayan si Presidente Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang regular Talk to the People Address.
Inutos ng Pangulo na manatili sa bahay o stay-at-home ang mga tao sa mga lugar na naka-MGCQ.
Nirespeto ng Presidente ang naging desisyon ng economic team at ng IATF ngunit dahil sa new COVID-19 variant na kung saan ay may mga tinamaan ng menor de edad, mas minabuti ng Pangulo na 'wag ipatupad ang rekomendasyon ng IATF (na payagan ang mga 10 hanggang 14 taong gulang na lumabas ng tahanan) at pag-aralan ang bagong COVID-19 variant.
Muli ring pinaalalahanan ng Pangulo ang publiko kaugnay ng tamang pagsusuot ng face mask. Kailangan natatakpan ng face mask ang ilong.
Ibinahagi rin ni DOH Sec. Francisco Duque III na dalawang lugar na sa bansa ang nasa critical level in terms of health care utilization rate. Ito ang Davao de Oro at Baguio City.
Nakipag-ugnayan na ang DOH Centers for Health Development sa DILG at LGUs para sa patuloy na tumataas na bilang ng kaso ng sakit sa dalawang probinsya.
Iniulat ko naman (Roque) ang estado ng telecommunications sa bansa. Ayon sa report na ibinigay ng NTC at base sa rekomendasyon ng DICT, sumang-ayon po ang Pangulo sa sinabi ng DICT na patuloy ang shape up at tutukan po natin ang mga telcos para mabantayan at masigurado ang improvement sa kanilang mga serbisyo. Nais din ng Pangulo na maging kapantay natin ang mga karatig-bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa telecommunications.
Sa pangunguna ni vaccine czar Carlito Galvez, inihanda na ang mga LGUs ang kanilang mga vaccine rollout.
Nagkaroon ng simulation exercises at rehearsals sa Manila, Taguig, Makati, Mandaluyong, Caloocan, Pasig, Quezon City, Navotas at Paranaque.
Binista rin ang mga cold chain facilities ng RITM, Zuellig Pharma ay Unilab tulad ng una naming nai-report sa press briefing at may iba pang cold chain facilities na bibisitahin ngayong linggo.
Nasa 99,655,985 na ang global cases ng COVID-19 sa mundo habang nasa 2,138,251 naman ang global deaths.
As of January 24, 2021 sa Dashboard ng WHO, pang-32 ang Pilipinas sa bilang ng may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo na nanggaling sa no. 18. Nangunguna pa rin ang USA na sinundan ng India, Brazil, Russian Federation at United Kingdom.
Napansin ng DOH na ang mga rehiyon na may pagtaas sa kaso ng COVID-19 ay ang NCR, Regions 1, 2, 3, 4Am 7 8, 9, 10, 11, Caraga.
Regarding Two-week growth rate: Pagdating naman po sa high-risk (na lugar) kabilang po dito ang Kalinga, Mountain Province, Aurora, Ifugao, Catanduanes, Apayao, Basilan, Antique, Romblon, Masbate, Bukidnon, Davao Occidental, Abra, Compostela Valley, Cebu, Mandaue City Sulu, at Cebu City.
Pagdating naman po sa average daily attack rate, ang mga nasa high-risk ay ang Kalinga, Mountain Province, Baguio City, Benguet at Dagupan City.
Kinukumpirma ko po na ang dating Court of Appeals Justice Jhosep Lopez, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Associate Justice. Pinirmahan ang kanyang appointment paper kahapon, January 25. Inaasahan ng Pangulo ng papairalin ni Justice Lopez ang judicial independence at rule of law at ipagpapatuloy ang mga reporma sa ating mga court of processes.
Nag-umpisa pong dumating ang mga 4th generation light rail vehicles (LRVs) para sa LRT-1 at Cavite-Extension Project. Kaninang umaga nagkaroon ng arrival ceremonies para sa unang batch na composed of 4 out of 120 LRVs na dumating mula sa Spain.
Ayon naman sa UNCTAD, the foreign direct investments to the Philippines rose by almost a third in 2020 despite the pandemic.
Atty. Dante Gierran - President and CEO, PhilHealth:
Sa totoo lang po, unang-una, we recognize na meron tayong utang sa mga ospital, sa mga health care providers kasi araw-araw may mga pasyente na pumapasok sa ospital kayo tayo may utang.
Talagang may konting delay, althought sa ating computation dito sa loob...
Ang delay po, hindi po kasalanan ng ospital or ng PhilHealth pero ng healthcare providers. Minsan ang mga applications nila, may deficiencies.
Not all claims are good claims, may kulang ang signature, kulang ang data.
Kung maganda ang IT natin sana, mabilis ang pagbayad.
Of course noong unang inimbestigahan ng NBI, may mga nasuspinde, may 8 tapos may 2. So ngayon umabot na sa 13 ang nasuspinde sa PhilHealth.
Kung anong mayroon tayo, magtatrabaho tayo.
Commentaires