top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

February 16, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nandito po tayo ngayon sa lungsod ng Davao dito sa Apolinario Mabini Elementary School gym kung saan nagaganap ang coordinated operations to defeat COVID-19 o CODE visit.

  • Unang-una po, inatasan po ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inyo pong spokesperson at si vaccine czar Carlito Galvez na i-brief ang publiko ng dalawang beses isang linggo tungkol sa ating vaccine efforts.

  • Mayroon naman po tayong tatlo na pormal na presidential briefing bawat linggo at magkakaroon pa po tayo ng mga karagdagan na information drive sa mga susunod na araw kasama si NTF at Sec. Galvez.

  • Ibinihagi rin ni Sec. Galvez kung makukumpleto rin po natin ang kinakailangan natin na mga bakuna para sa ating vaccination program. Ito po ay depende sa supply at demand ng mga bakuna.

  • Sang-ayon po kay Sec. Galvez, 'yong atin po target na 170 (doses) ng mga bakuna ay makukuna natin. 44 million po galing sa COVAX, 25 million mula sa Sinovac, 10-15 million galing po sa Gamaleya, 30 million po mula sa Novovax, 17 million po mula sa AstraZeneca, 20 million po ang galing sa Moderna, 15 million sa Pfizer at 5 million galing sa Johnson and Johnson.

  • Bagama't naantala po ang pagdating ng mga bakuna ng Pfizer at AstraZeneca, kampante pa rin po tayo dahil mayroon pong pormal na komunikasyon ang COVAX facility na makakarating sa buwan na 'to, at least 'yong initial na 117,000 (doses ng bakuna) na Pfizer at panimula na hanggang 5 million (doses ng bakuna) ng AstraZeneca.

  • Nakataga na rin po sa bato na sa February 23 ay darating na rin po 'yong sa Sinovac.

  • Sinabi rin po ni Sec. Galvez na hindi po tayo nahuhuli sa pagbabakuna.

  • Base sa infographics na ito, nakikita na ilang bansa pa lang ang nagbabakuna. Nangunguna pa rin po dito ang Estados Unidos kung saan ginagawa ang bakuna ng Pfizer at Moderna, pumangalawa naman ang China na kung saan ang Sinovac at Sinopharm, UK kung saan ginagawa ang AstraZeneca at India na marami mga ginagawang bakuna do'n, hindi lang 'yong main India.

  • Pero kung titignan n'yo rin po dito sa infographic, halos kasabayan lang po tayo ng mga ibang bansa na magsisimula pa lang sa pagbabakuna.

  • Ito po ay panandaliang delay lamang at inaasahan po natin sa buwan na ito na magsisimula ang ating vaccination program.

  • Iniulat din po kahapon ng ating acting NEDA Director Karl Chua ang kanilang rekomedasyon na ilagay ang buong Pilipinas sa MGCQ simula March 1. Ito ay para mabalanse ang ating response na huwag kumalat ang coronavirus at sa pangangailangan ng mga Pilipino na maghanapbuhay.

  • Rekomendasyon pa lamang ito ha? Pinag-aaralang mabuti ng pangulo ang rekomendasyon na ito. Ang sabi nga niya, nais niyang ito ay mapag-usapan sa susunod na cabinet meeting sa 22 ng buwan na ito.

  • Kasama rin sa mga rekomendasyon na iniulat sa ating Pangulo ay ang mga sumusunod: ang pagdagdag ng kapasidad sa mga pampublikong transportasyon sa 75% mula sa 50%, kinakailangan din po ng mas maraming bike lanes, ang pagpayag na mag-operate ang mas maraming inter-provinve buses, ang pagpapalawak ng mga age group na papayagang lumabas mula 5 hanggang 70 taong gulang at ang pagsasaggawa ng pilot face-to-face schooling sa mga low-risk areas.

  • Regarding relaxations of age restrictions: Pinag-aaralan pa po 'yan. Sa ngayon, pumayag na ang mga Metro Manila Mayors na pupwedeng lumabas ang mga 15 hanggang 65 years old.

  • Sa presentasyon ng ating economic team, tinimbang nila ang sitwasyon ng COVID-19 pandemic at ng maraming Pilipinong nagugutom at walang trabaho.

  • Tunay nga na maraming nagutom at nawalan ng trabaho ngunit nag-improve ang sitwasyon ng buksan muli ang ating ekonomiya.

  • Sa kasagsagan ng ating pandemya, tumaas ng hanggang 18.9 ang mga walang trabaho sa Metro Manila at nung bahagyang binukasan ang ekonomiya, bumaba po ito sa 14.4.

  • Kung ikukumpara n'yo po sa buong Pilipinas ang karamihan po ngayon na nasa MGCQ, ang mga nawalan po ng trabaho na 17.7 ay ngayon po ay nasa 8.7% na lang.



Amb. Chito Sta. Romana, Philippine Ambassador to China:

  • As of last week, Chinese authorities reported that there are over 40 million Chinese have been inoculated with Sinopharm and Sinovac COVID-19 vaccines.

  • Between Sinovac and Sinopharm, mas malaki ang Sinopharm.

  • It may already have reached 50 million by now, the target was to reach this number by February 12. Average vaccinations per day are 1.5 million-1.7 million.

  • Hardly, any report of any death or adverse events are very few. Its basically gone smoothly dito.

  • Ang binakunahan dito sa Tsina focuses first on high-risk sectors. Kasama dito mga nasa medical field — doctors, nurses and the like tapos kasama rin airport personnel, they deal with incoming passengers and in China's case, karamihan ng kaso nila ay tinatawag na cases of Chinese and foreigners coming from abroad.

  • Also among those priority are from the transportation sector and hotel/service industry mga taxi drivers, delivery boy, hotel personnel kasali rin sila sa priority.

  • As well as those Chinese personnel na are going abroad to study are also priority.

  • Foreigners, including foreign diplomats, not yet included in priority.

  • Unlike the US, the Chinese have also been exporting vaccines mainly to developing countries. They've provided vaccine assistance to over 50 of such countries.

  • On arrival of vaccine donations in Manila: We're trying to ensure this through diplomatic conversations with Chinese officials that these will be delivered as scheduled.

  • China is basically playing the role of supplier to developing countries, they have a lot of work to do to ensure that. PH's advantage is we're pretty high in their priority list.

  • Chinese media have published the country's different commitments, marami sila pinromise sa other parts of the world but we are on the moderate side, 25 million doses by year-end.

4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page