February 9, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Mainit pa rin po ang usaping baboy kaya ngayong tanghali, usaping baboy at bakuna po tayo.
Patuloy po ang ginagawang hakbang ng ating gobyerno para matiyak na may sapat ng supply ng baboy sa ating mga palengke.
Makikita sa "Whole-of-Nation" Measures para mapanumbalik ang lakas sa hog industry at mapababa ang presyo ng mga karneng baboy.
Pumunta po tayo sa local production na siyang ating unang prayoridad.
Kasama sa ating gagawin ang repopulation na may P600 million na pondo.
Sa Bantay ASF sa Barangay (BABay ASF). kailangan natin ang kooperasyon ng LGU para sa rapid test kit/ rapid PCR para sa mga baboy.
Financing: P15 billion from LBP, P12 billion from DBP, P500 million from DA-ACPC.
Mayroon din tayong hog insurance.
Kukuha rin po tayo ng supply mula sa Visayas, Mindanao at ilang lugar sa Luzon na ASF-free.
Magkakaroon po ng designated nautical highway sa ating mga hog supply lane, kadiwa ni ani at kita at transport support. P21 galing po sa Mindanao, P15 galing po sa Visayas at P10 galing po sa mga lugar sa Luzon na walang ASF.
Ipatutupad pa rin po natin ang Price Ceiling sa ilalim ng EO 124.
Inaprubahan na rin po ng gabinete ang pagtatatag ng Economic Intelligence force na co-chair ng DA at DTI. Ang kanilang misyon ay habulin ang mga price manipulators at hoarders.
Muling humarap po si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang regular talk to the nation address.
Sinabi niya na kailangang tiyakin ng mga government worker na magiging maayos ang delivery ng COVID-19 vaccine sa bansa. Dagdag pa ng Presidente, hindi kinakailangang buksan ng Bureau of Customs ang mga container na naglalaman ng mga bakuna dahil ang trabaho lang nila ay magtingin.
Samantala, ang trabaho ng PNP ay ang pagiging escort para masiguro ang mabilis na delivery ng mga bakuna sa kanilang mga storage facility.
Kaugnay nito, umapela ang Pangulo sa CPP-NPA na payagan ang ligtas na pagbiyahe ng mga bakuna lalo na sa mga lugar na may malakas silang impluwensya.
Pag-usapan natin ang pagbibiyahe ng mga bakuna. Sa ngayon po, nagkakaroon ng simulation po do'n sa airport kabilang ang NTF at DOH at mga pribadong airline para sa pagdating ng mga bakuna.
Mula sa paliparan, dadaan ang mga bakuna sa Bureau of Customs para sa clearance na aabutin lamang ng 30 minutes. Mula sa Customs, iloload ito sa mga sasakyan at ibibiyahe na may kasamang security escort para makarating sa warehouse ng RITM.
Mula sa RITM warehouse kung saan ilalabas ang mga bakuna sa storage at dadalhin sa mga ospital o health facilities.
Para naman sa mga ospital sa mga probinsya tulad ng Cebu, ikakarga sasakyan ang mga bakuna na manggagaling sa RITM warehouse at dadalhin sa mga airport. Mula naman sa Mactan-Cebu International Airport/Francisco Bangoy International Airport, dadalhin ito sa mga health facilities tulad ng Vicente Sotto Memorial Medical Center/Southern Philippines Medical Center.
COVID-19 update: Sang-ayon po sa WHO at John Hopkins as of Feb. 9, no. 31 po tayo sa buong mundo sa may total case.
Sec. William Dar, DA:
We would like to mention na nasabi ninyo na that ASF ay nagkaroon ng epekto sa hog industry dito sa Metro Manila and areas nearby ay apektado sobra.
Meron tayong commitment sa mga iba't ibang probinsya, alam natin 'yong sa Metro Manila, 4,000 hogs are being slaughtered everyday. The commitment that we get from provinces, up to 5,000 ang pwedeng dalhin at dinadala na since yesterday even last week.
'Yong lakad namin kamakailan nina DTI Sec. Mon Lopez at MMDA Chairman Benhur Abalos d'yan sa Commonwealth Market ay nakita namin na sumusunod at maraming baboy do'n. 'Yong presyo ay sinusunod at nakapaskil do'n. Ang kasim ay P270 kada kilo habang ang liempo ay P300.
Tinanong din namin sila kung ang price ceiling ba na ito ay kaya nila at sinabi bila yes basta ang kanilang mga wholesalers ay hanggang P235 ay pwede na 'yong wholesale price para hindi na masyadong mataas ang kanilang ibibigay sa meat vendors.
We would like also to mention that we are going to give 0% interest loan support to every meat vendors. Every meat vendor association ay bibigyan namin ng P5 million para may kapital sila.
Mayroon din na inanunsyo ni QC Mayor Belmonte sa kanyang mga vendor na huwag muna singilin sa rent ang ito for 2 months.
'Yong transport assistance ng DA from Mindanao ay P21 habang sa Visayas ay...
Let me complete the story muna para maintindihan... 'Yong farmgate price po sa Mindanao ay P144 so dinagdagan natin na P21 na transport assistance kaya ang landed price dito sa Manila ay P165.
Dito rin sa Visayas kasama ang Bicol, MIMAROPA at Region 1. Ang farmgate price po ay P155 so magdagdag po kami ng P15 na transport assistance kaya ang landed cost ay P170 kada kilo.
Now, Central Luzon at CALABARZON, mayroon pa tayo na namomobilize na karne ng baboy at ang farm gate price dito ay P170 at ang transport assistance ng DA ay P10 kaya ang landed cost ay P180 kada kilo.
Pumunta rin po kami nina DTI Sec. Mon at MMDA Chairman Benhur Abalos sa Hypermarket sa Shaw at napag-alaman namin that they are selling below the price cap. P265 for kasim while P295 for liempo.
Ito pa po ang magandang balita, ito partner ng SM Hypermart na Northstar are bringing their trading and marketing to buy all the pigs from the provinces para sila na magtitinda dito sa iba't ibang lugar sa bansa na mas mababasa price ceiling.
Sec. Mon Lopez, DTI:
Una 'yong difference ng ating SRP at price cap ay halos pareho po 'yan
Pagdating sa manufactured products ay nagwowork po ang SRP only because ang ating mga groceries and supermarket ay talagang sinusunod po ang SRP na itinakda ng mga companies.
Itong mga companies ay sumasadya sa DTI para malaman ang tamang SRP.
So itong mga produkto na 'to na everytime na nagpapalit ng SRP, kiniclear pa kay DTI.
Ang DTI ang nakikipagnegotiate pababa kunwari gusto nila ng increase, base sa mga costing ng mga produkto para sa mga sineset na SRP.
Kaya masasabi natin na ang SRP system ay nasusunod for manufactured products under DTI.
Ngayon po pagdating sa agriculture products na karamihan sa mga palengke, mahirap po masunod ang SRP dahil nagpa-fluctuate bunsod ng supply at demand sa mga palengke.
Minarapat po ng DA na 'pag agriculture products ay magpatupad ng price ceiling sa bisa ng EO kaya nag-set ng price ceiling for 60 days.
Para maging epektibo po 'yan, kailangan realistic ang presyo na ipatutupad.
Rosendo So - Chairman, Samahang Industriya Ng Agrikultura (SINAG):
From the start, ang hog raisers at poultry growers full support the plan of the government to lower down the retail price of pork ang chicken.
For the past month, 6 months ago, sinabi na namin kay DA Sec. Dar na ubos na ang stocks sa Luzon at kumuha na mula sa Visayas at Mindanao.
So far, ang presyo sa Luzon is Batangas is running from 200 to 220, Laguna 200 to 220 also at Quezon 220, Pangasinan 230, GenSan 180, South Cotabato 165.
Ang commitment ay to bring 10,000 heads of hogs kada week.
Kung ano ang surplus, ayon ang dadalhin dito sa Luzon.
'Yong price ceiling naman sa BOC, i think si Sec. Lopez may copy nito. Hindi nag-comment ang importer at idineclare nila sa BOC ay ang kanilang puhunan.
P117/kilo + P10/kilo na delivery to cold storage + P15/kilo storage cost + P10/kilo delivery to retail outlets at with 40% tariff, they can sell imported pork (prime cut) at retail for only P152.87/kilo.
Kitang kita na malaki ang kita ng mga importers. Bago ang price ceiling, ang presyo sa grocery, nasa P350 to P400 ang frozen meat.
Comments