top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

February 11, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Unahin po natin ang RA 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act at 'yong Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO)

  • Nagdesisyon na po ang ating Presidente. Ipagpaliban po ang implementasyon ng car child seats habang hindi na po mandatory ang MVIS. Ibig sabihin, kinakailangan po na walang bagong singil o karagdagang singil sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.

  • Ito po ang naging desisyon ng Presidente kung saan binalanse niya ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan sa krisis na nararanasan ng hindi lang ng Pilipinas kundi ng buong mundo dahil sa COVID-19 at African Swine Flu.

  • Nagpatawag naman po ang Pangulo ng isang food security summit upang masiguro na may sapat na pagkain ang pamilyang Pilipino.

  • Layunin ng food security summit na pangungunahan ng DA na pag-usapan ang mga hakbang na gagawin para sa mga problema sa agri-fishery sector.

  • Ano po ba ang mga issues na ito? Pagtaas ng presyo ng karne, pagbaba sa farmgate price ng mga palay at pananalasa ng ASF.

  • Para makabuo ng isang National Food Security Plan para ma-achieve ang vision ng food-secure and resilient Philippines.

  • Usapang bakuna naman po tayo. Ngayon buwan dadating ang unang batch ng bakuna. Kasama na rito ang mga bakuna mula sa COVAX facility at mga bakuna na mula naman sa donasyon ng bansang Tsina. Ipapaliwanag ko lang muli kung ano itong COVAX Facility.

  • Ang COVAX Facility ay COVID-19 Vaccines Global Access Facility na global procurement mechanism na nag-invest sa broad portfolion of promising vaccine candidates to support their research, development and manufacturing.

  • Sinisiguro ng COVAX Facility ang mabilis at pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakaroon ng mga bakuna sa lahat ng bansa regardless of income level.

  • Kasi kung walang COVAX, tanging mayayamang bansa lang ang magkakaroon ng bakuna.

  • Isa ang Pilipinas sa lumahok sa programang ito.

  • Ang COVAX Facility po ang magsasabi kung kailan makatatanggap ng bakuna ang bansa. Hindi po natin kontrolado 'yan. Sila po ang magdedesisyon kung kailan ipapalabas ang mga bakuna.

  • Ang alam lang po natin na ang inaasahan natin na Pfizer (vaccines) ay manggagaling sa Belgium kung saan ito ginawa.

  • Mahigit 500,000 na donasyon ng Tsina. Hindi lang po 'yan kalahating milyon. Dinagdagan pa po nila 'yan ng 100,000 para po sa DND.

  • Kailan po ito dadating? Nandito po si Sec. Vince Dizon (audio inaudible) ...ng pangalawang linggo pero inaaasahan natin na hindi matatapos ang buwan ng Pebrero at darating din ang paunang shipment mula sa COVAX Facility.

  • Bagama't hindi pa po natin alam ang eksaktong petsa ng pagdating ng mga bakuna mula sa COVAX Facility, ang mga bakuna naman po ng Sinovac mula sa Tsina, naka-ukit na po sa bato ang pagdating. Ito po ay sa February 23. 600,000 pero 100,000 po ay donasyon ng Tsina sa DND.

  • Nag-isyu po ng compassionate use license ang ating FDA para sa 10,000 dosage ng Sinopharm. Ito po ay sang-ayon sa application ng ating PSG.



Sec. Vince Dizon - National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer and Testing Czar:

  • Ang direktiba po ng ating Pangulo ay magbigay ng libre at epektibong na bakuna para sa lahat ng Pilipino.

  • Dahil po sa direktibang ito, binibilisan po ng NTF ang pagpapadala ng mga bakuna sa bansa.

  • Umikot po tayo sa iba't ibang LGU Sa NCR at matatapos na po ito.

  • Napakaganda po ng simulation exercise na ito, pero marami rin tayo nakitang dapat i-improve lalo na sa paghandle ng delicate Pfizer vaccines.

  • Sa aming pananaw, ready na ready na ang mga LGUs sa NCR para ma-i-roll out ang mga bakuna.

  • Nagpakita po sila ng galing sa pagpaplano.

  • Halimbawa po rito ay ang napakagaganda na storage facility tulad sa City of Manila, 'yong mga pinakadelicate na vaccines tulad ng Pfizer at Moderna ay kayang mai-store sa Sta. Ana Hospital.

  • Isa rin pong magandang ehemplo ang nakita natin sa Marikina. Napakaganda po ng kanilang open vaccination site sa Marikina Sports Complex.

  • Napakaganda rin po ng plano ng City of Taguig lalo na ng kanilang vaccination center sa Lakeshore.

  • Kayang-kaya ng Taguig, Makati at Quezon City na magkapagbakuna ng 18,000 hanggang 24,000 bawat araw.

  • Nakita rin po natin noong nakaraang araw nang magkaroon tayo ng simulation exercise sa NAIA na ang target natin na 120 minutes mula sa airport hanggang RITM ay nagawa natin in a little less than 1 hour.

  • Marami rin po tayong nakita ng maari pang ma-improve lalo na sa pagdadala ng mga delicate na bakuna.

  • Finally po, gusto ko pong ipakita ang ating Vaccine Roll-out Plan for 2021. Sa ngayon po ito ay wala pang definite na dates.

  • 'Yong atin pong first 117,000 Pfizer vaccines, nagkaroon lang po ng konting delay dahil sa pagproseso ng mga dokumento sa COVAX Facility at ng WHO pero kampante po tayo na dadating ito sa mga susunod na linggo, within the month of February.

  • Makikita naman po natin sa first quarter itong mini roll-out na between 3-5 million doses ng bakuna na inaasahan natin na mostly na manggagaling sa COVAX Facility at ang mga donasyon galing China.

  • Magsisimula naman po dumami ang matatanggap natin na doses by second quarter. Maaring maktanggap tayo ng 10-15 million doses galing din po sa COVAX Facility.

  • Sa second quarter, may darating na rin po ng mga bakunang naprocure ng national government.

  • Sa third quarter, ito po ay magiging full roll-out.

  • At sa quarter 4, todo roll-out na po 'yan at darating po 'yong mga major allocation ng COVAX maging ang major deliveries.

  • Kampante po tayo na makatatanggap tayo ng 100 million doses ng bakuna ngayong 2021 mula sa mga iba't ibang sources. Kasama na rito 'yong galing COVAX, bibilhin natin through ADB, World Bank at pati na rin mga donation mula sa iba't ibang bansa tulad ng China.



Dr. Gap Legaspi - Director, UP-PGH:

  • We are ready to launch our vaccine deployment. Ito po'y napadali dahil sa isang linggo ay pwedeng dumating na.

  • With the excitement of the whole community, kami po ay nagregister ng mahigit 6,000 na tao dahil ang isntruction po sa amin ay sana makapagbigay ng 20% na palugit sa estimated namin na mga 5,300 para walang masayang na bakuna.

  • In cooperation with DOH, RITM and IATF, we have launched our vaccination process. We are now ready to launch the actual vaccination next week.

  • So ang aming survey po noong una ay lumalabas na almost 75% of our population dito sa PGH ay pabor na magpabakuna habang 25.3% ang hindi pa sigurado at baka sakali habang 0.6% ang hindi naman magpapabakuna.

  • With that in mind, naglaunch po kami ng massive registration.

  • As of this morning, 5,134 na po of the 6,300 we expected to register have registered. 93.6% po ang may consent.

  • Maliwanag namin sinabi sa mga empleyado, pag ang bakuna ay inapprove ng FDA, we'll consider it safe and optimum.

  • Whatever it is, we will have ourselves vaccinated.

  • Pinangako ko po do'n na magtiwala sa sinabi ng FDA, ako po ay nag-volunteer na unang magpapabakuna pero mayroon po kaming pinag-usapan ni Sec. Vince na para makita ng mga tao na nagbigay ng kanilang lakas at talino ay dapat sila ang dapat maunang makatanggap ng bakuna.

  • Napili natin ang aming spokesperson na si Dr. Jonas del Rosario, na mauuna sa pagbakuna po dahil siya po'y nag-COVID positive... ngunit sa kasamaang palad, ang mga magulang niya ay parehong namatay dahil dito.

  • Ang mga healthcare workers, marami po sila. Halos 1,000... mga direktong nagseserve sa COVID ward, ang next in line.



Gov. Danilo Fernando, Bulacan:

  • Lahat po ng cities, municipalities at province-run hospitals ay gumagawa ng microplans. Ic-consolidate po natin ito para makabuo ng isang buong plano para sa probinsya ng Bulacan.

  • Ang unang hakbang po natin ay ang masterlist ng mga eligible groups kaya iidentify na po natin at na-profile na ang mga health worker sa Bulacan Medical Center na unang mababakunahan.

  • Patuloy pa rin po kinumumpleto ang listahan ng mga frontline health workers natin, senior citizens.

  • Ang probinsya po ay naghanda ng pondo para sa pagbili ng vaccines para ma-augment ang pangangailangan ng mga munisipalidad at mga siyudad ng Bulacan.

  • Ang tinututukan po natin ay ang logistics. Ito po ay kritikal sa success ng vaccine rollout.

  • Umaasa kami na ang DOH o ang national government ang magbibigay nang mas malaking bahagi ng mga kakailanganing vaccines.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page