February 18, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Simulan naman natin sa ilang mga good news.
Inaasahang mapipirmahan na anumang oras simula ngayon ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang memorandum order kung saan 50% limit on advanced payment para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 ay papayagan na.
Dahil po sa M.O na ito, makakapagbayad na po ng advance ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng kanilang mga bakuna.
Inaasahan din po na mapipirmahan din ang certification of urgency ng mga nakabinbin na indemnification bill. Ang kopya ng mga nasabing dokumento ay aming ipoprovide sa miyembro ng NPC kapag kami ay mayroon ng kopya.
Pero linawin po muna natin. Ano ba itong indeminifaction bill? Unang-una, wala pong mga katotohanan na commercial use authorization ang kahit sinong bakuna. Ibig sabihin, nasa emergency use authorization pa lamang tayo at dahil nasa EUA ay hindi pa tayo sigurado kung ano ang magiging side effects ng mga bakuna kaya kinakailangan na magkaroon ng no fault indemnification.
How does it works? Magkakaroon po tayo ng pondo at ang suggestion na inaprubahan na rin ni Sec. Dominguez ay P500 million.
Dito sa P500 million na ilalaan, dito natin kukunin ang mga danyos ng mga Pilipinong na 'di umano ay magkakaroon ng side effect dulot ng bakuna.
Bakit po no fault ang tawag d'yan? Kaya po no fault kasi sa ating batas bago ka makakuha ng danyos ay kailangan may fault or negligence. Pagkakamali o pagbabaya. Hindi na po ito kailangan ng ebidensya basta may pinakita kang side effect, bayad ka agad.
Naglabas ng statement ang COVAX na sinisigurado na lahat ng bansa, mayaman o mahirap ay magkakaroon ng bakuna.
Ayon sa inilabas na pahayag nila noog Martes, sinabi nila ang mga criteria o kailangan para sa pagdedeliver po o allocation ng mga bakuna.
Pero sa impormasyon na ito, nakita na buong COVAX facility ay may pagkaantala.
Una, kailangan magbigay ng lahat ng facility participants ng national regulatory authorisation. Check na po tayo d'yan.
Pangalawa, kailangan po ng lahat ng participants ay pumirma ng indemnity agreements sa mga vaccine manufacturers. Check na rin po tayo d'yan.
Pangatlo, kailangan ng Advance Market Commitment (AMC)-eligible economies na magpasa ng National Development and Vaccination Plans sa COVID-19 Partners Platform na ni-review at na-validate na ng COVAX. Dahil nga po dito ay nabigyan pa tayo ng 5 million (doses ng bakuna) ng AstraZeneca at 115,000 na Pfizer.
Now, babasahin ko lang po kung ano ang nakasulat dito sa COVAX Interim Distribution Forecast. Para do'n sa ating AstraZeneca, delivery is iestimated to begin in late February. Now, para naman po sa Pfizer na naantala rin, nakasulat po na baka magkaroon ng pagka-antala sa delivery dahil do'n sa requirement na sub-zero transportation at logistics ng Pfizer. Nagbigay naman po sila ng abiso na baka ma-delay sila.
Pangalawang bagay po na nais kong i-emphasize, ang Sinovac na na-donate ng China ay nais po nila hintayin 'yong EUA bago dumating sa ating bansa ang mga donated na bakuna.
Baka kapag hindi po lumalabas pa ang EUA e baka maantala ang pagdating nung 600,000 na Sinovac vaccines.
Regarding VFA: Nasabi ko na kahapon, unang-una hindi po lahat ng tratado ay kapareho ng kasunduan na pinapasok natin sa mga iba't ibang bansa.
Tanging tratado lang po ang kinakailangan na magkaroon ng Senate concurrence. Ano po ang tratado na kinakailangang mabigay ng concurrence ng Senado? Ito po 'yong sang-ayon sa kaso sa Eastern Trading at 'yong Intellectual Property Association of the Philippines ay 'yong mga tratado kung saan bumubuo ng panibagong national policy.
'Yong mga hindi naman po bumubuo ng bagong national policy ay hindi kinakailangan ng concurrence ng Senado.
Pangalawa, ano ho ba ang Visiting Forces Agreement? Ito po ba ay tratado o kasunduan? Noong unang kaso po kasi ng Bayan Muna vs. Zamora, ang sabi ng korte, 'wag na nating pag-usapan kung ito ay tratado na binigyan ng concurrence ng US Senate kasi sapat na 'yong sinabi ni then-Ambassador na ito ay isang kasunduan na igagalang ng Amerika.
Malinaw na malinaw po, talagang Presidente lang ho ang arkitekto ng foreign policy. May katungkulan ba ang Senado sa foreign relations? Meron po limitado lang ito sa pagpasok sa mga tratado.
Dahil matagal nang nagsabi ang Presidente na nais niyang tumiwalag sa VFA, kailangan bang magbigay ng concurrence ng Senado? Ako po'y nanindigan bago ako manumbalik bilang Spox na hindi po kailangan.
Samantala, pag-usapan naman natin 'yong minimum access volume dahil binalita na ng DA na nag-aantay na ng lagda ng Presidente 'yong mataas na access of volumeat kung saan mag-aangkat po tayo ng baboy mula sa abroad.
Ang minimum access volume ay tumutukoy sa dami ng produktong agrikultural para maimport po sa mas mababang taripa.
Ito po ay kabahagi ng ating commitment sa World Trade Organization.
Sec. Carlito Galvez, Jr. - Vaccine Czar and Chief Implementer, NTF COVID-19:
Unang-una po 'yong magandang balita ay pinirmahan na ng ating mahal na Pangulo ang pagsertipika as urgent.
Nag-usap po kami kanina kasama si Sen. Bong Go na napirmahan na nga niya ang mga Senate bill na kailangan (Senate Bill No. 2057 at House Bill No. 8648)
Kasalukuyang binabalangkas ng Senate Bill No. 2057 at ng House Bill No. 8648 na naglalayon na mapadali ang pag-angkat ng ating mga lokal na pamahalaan sa mga bakuna para sa kanilang mga nasasakupan.
Sa ilalim ng batas na ito, magkakaroon ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na umangkat ng mga bakuna with tripartite agreement o multi-lateral agreement.
Nakapaloob din sa mga batas ang pagkakaroon ng indemnity fund kung sakaling magkaroon ng adverse effects sa mga bakuna.
Inaprubahan na rin po 'yong ating inantay na memorandum order para sa mga LGU na makapag-advance payment (sa mga bakuna) ang mga LGU. Maganda po ito lalo na malapit na 'yong advance payment natin sa AstraZeneca.
Gusto lang din po namin ibahagi na tayo ay on track sa pagpapatupad ng National Vaccine Roadmap.
Sec. Leonor Briones, DepEd:
Sabi ng UNICEF sa atin na nag-meeting kami this week, tayo na lang ang naiiwan halimbawa sa Southeast Asia na hindi pa bumalik sa face-to-face classes.
Noong December 14 nagpresenta kami ng plano kung mayroon tayong mga agam-agam, mabuti siguro na i-pilot muna natin (ang face-to-face classes)
Karamihan ng mga bansa nagbubukas na ng classes nila in a limited form, hindi naman pure na face-to-face, depende sa sitwasyon.
Ang ginawa namin, nag-survey kami sa mga rehiyon kung saan pwede gawin ang pilot study.
Aabot ng 1,000 out of 61,000 schools na pwede subukan ang face-to-face classes but contextualized, hindi one size fits all dahil iba-iba ang kondisyon.
We have been tracking since last year... kung ano talaga ang epekto ng COVID-19 sa mga bata, san sila nakakapulot ng virus na yan, nakikita namin ang isang posibilidad ay transportation. Sabi namin, lahat ng services related to education kailangan ma-secure nating malinis.
Medyo na-confirm sa aming survey over a million participants, ang pinakamalakas magsuporta sa face-to-face classes ay learners themselves...more than 50%, gusto ang face-to-face dahil sila ang mag-bebenefit dito.
May nakukuha akong feedback, gusto ng mga bata teacher talaga ang magturo sa kanila.
Comments