February 25, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Kagabi po muling humarap si Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan para sa kanyang regular talk to the people address.
Una, sinabi niya na nais niyang marinig muna ang opinyon ng mga Pilipino bago siya magdesisyon kung ano ang kanyang aksyon na gagawin tungkol sa usapin ng VFA.
Inemphasize rin ng Pangulo na bagama't nagkaroon din tayo ng benepisyo (mula sa VFA) eh napakamahal naman ng pwedeng pagbayarang presyo ng ating bansa dahil sa presensya ng mga Amerikano dito sa ating bansa.
Sinabi po niya na magkaroon ng putukan sa pagitan ng Amerika at China ay unang tatargetin pa ang mga Pilipino kaya pinag-aaralan niyang mabuti kung ang kanyang desisyon tungkol dito.
Kung nais marinig ninyo ang inyong boses, maaring magpadala ng e-mail o tumawag sa anumang hotline ng mga ahensya ng pamahalaan para maiparating ang inyong opinyon.
Binanggit din po ng Pangulo kagabi na 10 bansa lang sa buong mundo ang nakakuha ng paunang supply ng COVID-19 vaccines lalo na 'yong mga galing sa mga western pharmaceuticals.
Sinabi naman po ni vaccine czar Carlito Galvez na dapat walang ikatakot ang mga Pilipino sa bakunang Sinovac.
Sa katanuyan, marami na pong world leaders ang nagpabakuna gamit ang Sinovac vaccine. Ang ilan po sa kanila ay sina Turkey President Tayyip Erdogan, Hong Kong Chief Executive Carrie Lam at Indonesia President Joko Widodo.
Nagsabi rin po ang punong ministro ng Thailand kahapon na siya ang unang magpapaturok ng Sinovac vaccine sa kanilang bansa.
Ulitin ko po, ginawa ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat para una sanang dumating sa bansa ang mga western brands (na bakuna) kasabay ng pagpasa ng indemnity na hinihingi ng ilang western pharmaceuticals.
Pero sa ngayon, ang darating po sa araw ng Linggo ay ang bakuna ng Sinovac. Ligtas po ito at epektibo.
Ulitin ko din po na kaya 50% lang ang kanyang efficacy rate ito po 'yong efficacy rate ng Sinovac sa clinical trial sa lahat ng mga medical frontliners lamang.
Ang sabi po ng FDA not recommended. Hindi naman po ipinagbabawal na ibigay ito sa mga medical frontliners.
Kasama rin po sa Talk to the People address ang hiling ng DOH sa mga LGU na isama rin at bigyan ng prayorida ang iba pang bakuna tulad ng measles, rubella o oral polio vaccine supplemental immunization activity.
Fully-operational na rin po ang kauna-unahang molecular lab dito sa probinsya ng Negros Oriental.
Gov. Roel Ragay Degamo, Negros Oriental:
I'm pretty confident... Kumpiyansa ako na ang bakuna na kinukuha ng national government through DOH ay iyon ang aasahan namin na ituturok namin dito.
We have also our RT-PCR testing center. We already tested 7,000 suspected and COVID patients.
Mayroon po kaming 1,667 confirmed COVID-19 patients as of February 24.
There are 21 LGUs out of 25 ang mayroong active COVID-19 cases, the highest is in Dumaguete City.
Our Average Daily Attack Rate is 1.1, medyo mababa compared sa national ADAR.
1,491 ang recoveries dito sa probinsya while for mortalities, we have 53.
As of February 24, the total of individuals tested is 31,011. Total swab tests done is 31,859.
Janice Degamo - Mayor, Pamplona, Negros Oriental:
With regards po sa ating situation sa COVID, I am very proud to say that Pamplona has 1 positive case.
I checked out that earlier today.
Hindi kami masyadong namomoreblema sa sitwasyon.
Dr. Butching Paterno, UP-PGH:
Nung July 21, sabi ng 5 Health Secretary sa harap ng pandemya, di dapat natin ipagpaliban ang universal health care
Ang una dapat sa minimum implementation ng Universal Health Care Law, kilalanin ang kalusugan bilang karapatan tapos nasa batas ito. Ensure all Filipinos healthy living condition, Coverage by virtue na Pilipino tayo, pwede na magbigay any government issued ID maski wala kang PhilHealth ID, instant availment of entitlements at paninindigan para sa mahirap at nasa laylayan ng lipunan.
Dapat comprehensive primary health benefits na tinutugan niya 'yong patuloy na mga nakahahawang sakit.
Hindi na sapat ang checkup. Kailangan komprehensibong out-patient benefits na may gamot.
Ito ang tinatawag na triple burden of disease.
Comments