March 4, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Upang saksihan po ang ating vaccination program. Mapapanuod po natin si Dr. Gerry Aquino ang director ng Vicente Sotto Memorial Hospital na siya po ang unang-una na matuturukan ng bakuna dito po sa Visayas laban sa COVID-19.
Day 4 na po tayo sa ating National COVID-19 Vaccination Program.
Pinangunahan po ni DOH Sec. Francisco Duque III ang day 3 ng pagbabakuna kahapon sa East Avenue Medical Center.
Wala po tayong distinction 'no? Lahat po ng medical frontliners kay pribado, kay publiko inuuna natin sa pagbabakuna.
As of March 3, 5pm mayroon na tayong 9,077 individuals vaccinated. Noong Day 1 po may 771, Day 2 may 2,715 at Day 3 may 5,591.
Now nakikita po natin ang pagtaas ng kumpiyansa sa ating mga medical frontliners (sa pagbabakuna)
Sang-ayon po kay UP-PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, noong unang araw ang inaasahan nila na magpababakuna sa PGH ay nasa 128 ngunit umabot ito ng mahigit 400.
Hindi na po inaasahan dahil talagang darating na at nakasakay na sa eroplano ang 487,200 doses ng AstraZeneca na kasama sa first round ng allocated doses mula sa COVAX facility.
Magandang balita po dahil tumaas ang interes ng mga Pilipino sa pagbabakuna.
Now, dahil nandito po tayo sa Cebu City at kabilang ito sa top 5 (na mga lungsod) na may bagong kaso. Ito po at least 'yong datos bago magdesisyon na manatili sa MGCQ ang Cebu.
Pero mayroon pong mga rekomedasyon ang inyong IATF para magawa sa Cebu at Cebu province.
Sa ngayon po, pumunta muna tayo sa Region VII, 'yong ating health care utilization rate. Mayroon tayong 2,119 COVID-19 dedicated beds.
Pagdating po sa weekly cases by date of onset illness dito rin po sa inyong lugar, mayroon po talagang nakitang pagtaas. 'Yong pagtaas nga po sa Cebu ay kaparehas po ng peak of cases noong July 2020.
Mayroon po mga bagong variants na nakita po sa Cebu Province, Cebu City, Lapu-lapu City, Mandaue City at Negros Oriental.
Ang mga bakuna po ay ibibigay sa mga healthcare workers nga.
Sa isolation capcaity po at ang mga rekomendasyon... pumunta na lang po tayo sa mga rekomendasyon ng IATF.
Kinakailangan na ma-increase ang surveillance capacity ng mga LGUs at masiguro na matukoy ang mga close contacts.
...sa mga new variants, dapat hanggang 3rd generation contact tracing ang gagawin natin.
Nagkaroon kami ng pag-uusap ni Cebu Gov. Garcia, nilinaw niyang sumusunod ang probinsya sa lahat ng IATF resolutions.
Sang-ayon din siya sa naging desisyon ng IATF on uniform rules for domestic travel at kasama dito yung wala nang RT-PCR test requirement kung di ni-require ng tatanggap na LGU.
Dr. Gerardo Aquino - Medical Chief, Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) Cebu:
First of all excited na mabakunahan kasi I think we have been waiting for this event and I know, being the medical center chief... magiging sa aking mga staff at employees ay ma-convince na itong bakuna ay importante.
As of kagabi, 1,245 na ang nagbigay ng consent na magpabakuna ng Sinovac.
Initially on the first few days medyo 500 tapos paakyat nang paakyat at nung nakita nila 'yong mga healthcare workers sa Manila na nagpabakuna, and this day na kami naman and the rest of the top officials ng VSMMC ay mabakunahan, we're projecting na tataas pa rin ang number of our employees na magpapabakuna.
Kaya nga po ako nga mismo ang unang magpapabakuna para maipakita sa kanila na wala dapat silang katakutan at we know vaccine is important for the prevention of this disease.
Mai Del Monte,RN, UP-PGH:
Bilang COVID ICU nurse, araw-araw kong nakikitang nahihirapan, namamatay ang mga pasyenteng may severe disease. Nung nalaman kong may bakuna na, di na po ako nag-hesitate na kunin ito dahil alam kong poprotektahan ako nito laban sa sakit.
Saka bilang isang public health advocate rin po, alam ko po na malaki ang tulong na pumayag ang bawat isa na magbakuna para ma-achieve natin 'yong herd immunity.
Sa tingin ko po maraming nagpaturok sa PGH dahil nakita po nila na safe at walang panganib dahil napag-aaralan na ito ng DOH at ng ating gobyerno.
Kung ano po ang available na bakuna, i-grab po natin ito dahil ito po ang chance po natin ito para protektahan mga sarili natin, pamilya at buong community natin.
Comments