top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

March 1, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nagsimula na po ang pagbabakuna ngayon sa UP-PGH.

  • Nagagalak po ako na dito po sa ospital kung saan ako ipinanganak sinimulan ang National Vaccination Program ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

  • Alam naman po natin na kahapon po ay makasaysayan po ang nangyari dahil dumating po ang kauna-unahang COVID-19 vaccines sa Pilipinas. Ito po ang 600,000 doses ng Sinovac na tinawag ng ating Presidente na gesture of friendship at hallmark of Philippine-China friendship.

  • 25 million doses ang ating isinecure na Sinovac vaccine at ito'y inaasahan nating ma-rollout bago matapos ang taong 2021.

  • Ilan sa mga nabakunahan ng Sinovac ngayon po ay ang Presidente at Bise-Presidente ng Indonesia, Presidente ng Turkey, Chief Executive ng Hong Kong at Deputy Prime Minister at Health Minister ng Thailand.

  • Mahigit 5 milyong Turks o Turko na po ang nabakunahan ng Sinovac matapos simulan ito noong Enero.

  • Samantala nasa 3.2 milyon na ang nabakunahan sa Chile.



Sec. Carlito Galvez Jr., Vaccine Czar:

  • Napakaganda ng ating diplomatic relationship natin with China. After ng aming ceremony, binulongan ako ni Chinese Ambassador, "If you still have problem on vaccine, just tell us."

  • Talagang nandoon ang assurance. At ang aming procurement ay magsisimula this coming March. Mayroon kaming nakalaan na 1 million procurement from Sinovac.

  • At the same time, ang Sinovac medyo na-delay lang nang kaunti because of iyong tinatawag na global acute shortages at saka mayroon tayo silang logistics challenges.

  • After this, mayroon pang darating na mga bakuna. Ang ano namin ay halos magsu-sunod-sunod na iyan at pipilitin namin po na 'yung mga available na bakuna na makuha po natin ay maibigay kaagad sa health workers.

  • Ang pangako po namin, at least ngayong March, pipilitin namin na matapos ang health workers. Lahat ng health workers nationwide.

  • Ang pagkakasabi ng ating pangulo, huwag lang i-concentrate sa isang area. Kailangan lahat, walang maiiwan, walang iiwanan.

  • Ang ating pangulo ay laging tinitingnan ang ating sitwasyon ngayon at sana ang nakita nating pagtaas ngayon, we are looking forward na ang ating mga LGUs na pinagkakatiwalaan ng presidente ay ginagampanan ang kanilang mga tungkulin at kami po nagpapasalamat.

  • Because of some logistical issues, hindi dumating (ang AstraZeneca vaccine). So ang inaasahan natin sa COVAX na mayroon tayong more or less 3.5 million na AstraZeneca.

  • Hopefully, 'yung commitment ng COVAX ay kanilang ma-commit this coming first quarter.

  • Ita-transport na po ang vaccine. Ang pagkakaalam ko, this coming March 3 and 4 ay ita-transport na nila roon sa Cebu.

  • This coming March 5 and 6, ita-transport naman nila roon sa Davao.

  • Ang gagawin nila is i-a-advance nila ang transport and then the following day, they will have rollout doon sa Vicente Sotto (Memorial Medical Center) at sa Southern Philippines Medical Center.



Mayor Isko Moreno Domagoso, Manila City:

  • Naniniwala kami sa sistema that FDA did their job and due diligence was practiced in giving EUA to this vaccine that we are utilizing.

  • Kaya lang sabi nga ni Sec. Galvez, may bilin si Pangulo at ang IATF, unahin muna ang mga medical frontliners.

  • Sa mga hindi pa desidido na medical frontliners, papaalala ko lang, kulang ang supply hindi ng Pilipinas kundi ng buong mundo.

  • So huwag natin sayangin ang opportunity na hindi tayo mabakunahan at madagdagan ang ating panlaban ng ating katawan kung sakaling tayo ay maimpeksyon.

  • But then again, after the vaccination, nakikiusap ako continue to wear your mask and practice minimum health protocols like physical distancing.

  • Vaccination is the solution to the nation.



Dr. Gap Legaspi - Director, Philippine General Hospital:

  • Ang nangyari sa PGH ay nangyayari kahit saan. Kapag may bagong sistema, eh kailangan ng komunikasyon. Palagay ko nagkaroon lang ng kaunting miscommunciation which we were able to solve noong nag-townhall meeting po, 'no?

  • Nakita sa mga social media, sa dyaryo kung ang sentimiyento ng mga taga-PGH at hindi tayo dapat magulat kasi kapag walang ganoon, hindi po siya UP o PGH.

  • Pero nakita naman po natin after the townhall meeting, naliwanagan na unang-una may choice. In-announce kasi roon sa meeting na 'yun na ang AstraZeneca ay darating kaya talagang nagkaroon ng luwag ng damdamin na ang mga tao ay naintindihan na may choice.

  • Pangalawa, ito'y boluntaryo. Kailangang idiin na ito'y boluntaryo dahil hindi pwedeng ipilit kahit kanino.

  • Ang pangkalahatang response ng ating mga kasama sa PGH ay nag-i-improve habang tumatagal.

  • Nakapag-desisyon tayo sa Sinovac base sa siyensya. Sinabi ko sa townhall, alisin natin ang ating view sa vaccine hiwalay sa pulitika, hiwalay sa partido, hiwalay sa administrasyon, hiwalay sa paniniwala, kung hindi batay sa siyensya na malinaw.



Dr. Edsel Maurice Silvana - Director, UPM-NIH IMBB:

  • Sa pag-aaral po namin, itong Sinovac, 'yung 50.4% is the efficacy for mild. But it is 78% efficacious for moderate and 100% efficacious for severe COVID-19.

  • We are turning COVID-19 from a deadly disease that has shut down our whole world into the common cold.

  • Tatanggalan natin ng pangil ang COVID para hindi na po siya nakakatakot.

  • Ngayon kung may ibang bakunang dumating na 'yung tinatawag na sterilizing immunity, mas maganda po talaga 'yun dahil hindi na po makakapag-transmit at all.

  • Pero wala pa pong ganoong bakuna sa ngayon. Lahat po ng bakuna ngayon ay pantay-pantay for now. 'Yung severe po talaga ang target.



Dr. Minguita Padilla:

  • Kasi parang ang dami-daming mga agam-agam. Ang dami-daming mga false and fake news, ang daming siraan. But when the director of PGH is vaccinated, that's a very, very strong statement.

  • Hindi magkakaroon ng panatag na loob ang taumbayan na magpabakuna hangga't hindi nila nakikita na ang kanilang mga doktor na pinagkakatiwalaan ay nagpabakuna.

  • Huwag na kayong maghintay. Get it now.

  • In the meantime, whatever is here, magpabakuna na tayong lahat.

3 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page