top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

March 9, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Muling humarap sa taong bayan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang regular Monday Talk to the People Address.

  • Naglabas ng saloobin ang Pangulo tungkol sa sinabi ni Vice President Leni Robredo na kinakailangan 'di umano dumaan sa tamang proseso ang Sinovac.

  • To quote Vice President Robredo, "Ang Pfizer saka AstraZeneca mayroon nang EUA, mayroon nang positive recommendations sa HTAC... Pero 'yong Sinovac nakikita natin mayroon pa lang siyang EUA pero wala pa rin siyang positive recommendation from HTAC. Ito 'yong pinoprotesta nung mga health workers sa PGH."

  • Sa panahon po kasi na may vaccine hesitancy ang ating mga medical frontliner, hindi nakatutulong itong pananaw. Hindi masama ang pumuna o magbigay ng inyong opinyon pero duda at takot ang natatanim sa isipan ng mga medical frontliners sa ating mga kababayan doo nsa mga binigkas ni VP Robredo.

  • The Vice President is planting doubt and fear factor. Hindi 'to nakatutulong sa ating kampanya sa vaccine confidence sa bansa.

  • Balikan natin ang Section 34 ng Universal Health Care Law kung saan ang inyong spox ang pangunahing may-akda sa 17th Congress. And I quote "The health technology assessment or HTA process shall be institutionalized as a fair and transparent priority setting mechanism that shall be recommendatory to the Department of Health and Philhealth for the development of policies and programs, regulation, and the determination of a range of entitlements such as drugs, medicines, pharmaceutical products and other devices, procedures and services as provided for under this Act."

  • Malinaw na hindi po mandatory ang HTAC recommendation e baka sasabihin ni VP Robredo na dapat dumaan sa tamang proseso (ang bakuna) e ang binabakunahan nating Sinovac ay donated.

  • Ulitin ko lang po, naging maganda o excellent ang ating COVID response.

  • Ang Pilipinas ay pang-30 in terms of number of confirmed COVID-19 cases.

  • Nananatili pa rin na mababa ang ating case-fatality rate.

  • Nasa 35,669 healthcare workers na ang nabakunahan as of March 7 sa 169 vaccination sites. Samantala, halos kalahating milyon o 463,540 doses na ang napamahagi sa 16 na rehiyon at BARMM.

  • Pumirma na po ang Pilipinas ng Purchase Order sa 1 milyong doses ng Sinovac vaccine.

  • Pumirma naman ng Supply Agreement para sa 13 million doses ang bansa para sa Moderna vaccine kung saan hiwalay pa dito ang 7 million doses ng mga pribadong sektor.

  • Pipirma na rin bukas, March 10 ng Supply Agreement with Novovax ang bansa. 30 million po 'yan.

  • Still in progress naman po ang ating Supply Agreement with J&J.

  • Samantala, inilabas ng Interim National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 vaccines ang Resolution no. 5.

  • Ito ang ilang mga mahahalagang rekomendasyon: Sa administrasyon at allocation ng AstraZeneca vaccines galing sa COVAX facility, ibibigay lamang ito sa mga Priority A1 healthcare workers sa mga frontline health facilities.

  • Sinu-sino ba ang nasa A1? Sila 'yong mga nasa health facilities both national and local, public and private, health professional and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc.

  • Ito naman po ang order of prioritization. Una, ang lahat ng healthcare workers sa mga Level 3 hospitals kasama ang COVID referral hospitals sa buong bansa; Pangalawa, iba pang dedicated COVID-19 referral government hospitals sa mga lugar na walang Level 3 hospitals; Pangatlo, senior citizen healtcare workers sa lahat ng ospital sa buong bansa na hindi kasama sa unang dalawang nabanggit; mga natitirang Priority A1 eligible recipients sa NCR na kung saan ang prayoridad ang mga senior health workers.

  • Kung may excess doses ng mga bakuna, susundin pa rin ang approved prioritization framework ng COVID-19 Vaccine Deployment Program.

  • Ang dosing interval na nakasaad sa Philippine EUA para sa Astrazeneca Vaccine ay 4 hanggang 13 linggo computed mula sa unang petsa ng dose.

  • Sa mga tatanggi gumamit ng bakuna ng AstraZeneca, matatanggap nila ang kanilang bakuna matapos mabakunahan ang lahat ng priority groups.

  • Iisechedule ng vaccination site ang pangalawang dose ng bakuna sa mga vaccine recipeints matapos ang recommended interval.

  • Hindi papayag ang co-administration ng iba't ibang vaccine brand. Ibig sabihin, kung ang first dose ay AstraZeneca, ang second dose ay AstraZeneca rin.

  • Only one vaccine type for both doses shall be administered per vaccine recipient.

  • Para maiwasan ang vaccine errors at mabawasan ang wastage, isang bakuna ang maaring i-administer sa mga vaccination site kada araw.

  • Ang mga vaccine recipients na tatanggi magpabakuna ay babakunahan na rin kapag nabigyan na ang mga priority groups.

  • Sa ibang mga bagay, patuloy na ang pagbangon ng ating ekonomiya base sa January 2021 Labor Force Survey Results.

  • Bagamat mataas pa rin ang ating unemployment rate na 8.7%, bumaba ito mula 12.4% nung Oktubre ng nakaraang taon.

  • Ayon sa ating mga economic managers, nasa isa at kalahating milyon o 1.4 milyon na trabaho ang nanumbalik mula Oktubre ng nakaraang taon hanggang Enero ng ngayong taon.

  • Ito'y nakikita sa Labor force participation rate na tumaas mula 58.7% hanggang 60.5% sa loob ng tatlong buwan.

  • Makikita ang biggest improvement sa Metro Manila kung saan nasa 269,000 na trabaho ang bumalik dahil sa pagbubukas ng ekonomiya.

  • Usaping baboy naman po tayo ano? Magtatapos ang 60-day na price ceiling sa mga produktong baboy at manok sa Metro Manila na nakasaad sa E.O 124 sa unang linggo ng Abril.

  • Muli itong pag-aaralan bago mag-lapse ang nasabing petsa.



Usec. Adrian Sugay, DOJ:

  • Unang-una, ang Administrative Order (AO) 35 mechanism very limited ang kaniyang, may limitasyon ang kaniyang scope o nasasaklawan.

  • Pagdating dito sa naganap noong Linggo involving itong 9 na sinasabing mga miyembro ng certain groups, unang-una ay kailangang tingnan muna ng AO 35 Inter-Agency Committee kung 'yang mga pagpatay ay covered, 'yong mga pagpatay.

  • Titingnan kung ang mga nasawi ay miyembro ng cause-oriented groups and are engaged primarily in legitimate dissent.

  • Kapag hindi, ang mangyayari po riyan, 'yan ay dapat idulog sa ating pulis, sa ordinary processes through the PNP.

  • Ganyan din po ang nangyari, ilang taon na ang nakalipas buhat na maging effective ito.

  • Mostly recently ang mga naimbestigahan 'yong pagpatay po kay Mr. Echanis at Sarah Alvarez.

  • Sa ngayon, ang direktiba ni secretary is kami ay gagawa muna ng initial determination.

  • Nag-umpisa na ang aming investigation and maybe 'yong aming preliminary finding siguro within the week or maybe even in the next two days.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page