March 8, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Simulan po natin ito sa pagkilala sa mga kababaihan. Ngayon, ika-8 ng Marso ay International Women's Day.
Gaya ng mensahe ni Presidente, itaas ang mga kababaihan sa nararapat nilang lugar sa lipunan sa pagbibigay lakas sa bawat Pilipina. Women empowerment.
Para mabasag ang mga hadlang na matagal nang pumipigil para marating nila ang kanilang full potential.
At parang mabasag din ang makalumang pag-iisip, ang backward mindset na nagpapatindi ng kultura ng gender oppression at hindi pagkapantay-pantay.
Ilan sa mga batas na kanyang pinirmahan na nagsusulong sa mga kababaihan ay ang RA 11210 o 105-Day Expanded Maternity Leave Law at RA 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.
Sa ilalim ng administrasyong Duterte, ang Pilipinas po ang naging most gender equal nation in Asia. Ayon po 'yan sa World Economic Forum Global Gender Report 2020.
'Yong mga nagsasabi po na hindi itinataguyod ng ating Presidente ang karapatan ng mga kababaihan ay... siya po ang Presidente na nagbigay ng ganyang distinction sa Pilipinas.
#1 po tayo sa Asya, hindi lang po sa Southeast Asia at #16 sa buong mundo.
Natanggap po ng Pilipinas kagabi ang karagdagang 38,400 doses ng AstraZeneca vaccines na parte pa rin ng unang batch ng bakuna mula sa COVAX facility.
Hindi porket may bakuna na tayo ay hindi ibig sabihin na dapat maging kampante na.
Nasa mahigit 3,000 kaso ang naitala sa nakalipas na 3 araw.
Now, makikita natin ngayon ang ating report ng mga nabakunahan na.
Mayroon na tayong halos 30,000 o 29,266 na medical frontliners na nabakunahan.
Now as of last night po, 'yong araw lang na 'yon ay 4,128 (ang nabakunahan)
Ang total cumulative vaccinated natin ay 29,266.
Ang total vaccines deployed ay 383,980 (329,480 Sinovac + 54,500 AstraZeneca)
Ang total vaccine sites operating naman ay 186.
So 'yong first dose deployment ng Sinovac ay tapos na.
Hindi po dapat mag-panic. Naimprove po natin ang healthcare capacity natin. Puno na ba ang ospital natin? Meron pa tayong 60% available ICU beds, 75% available ward beds, 77% available ventilators.
Ayon sa 2018 report ng Metro Manila Accident Reporting Analysis System, mayroong 394 na namatay na po na ang dahilan ay aksidente sa daan sa Metro Manila lamang po 'yan.
Patuloy naman po ang pagtaas ng mga aksidente. Mula sa 63,072 noong 2007, dumoble ito noong 2018 at naging 116,906.
Isa sa mga nakikitang dahilan po dito ay obsolete po ang ating motor vehicle inspection unit.
Visual lang at testing lang sa buga ng usok ang naisasagawang inspeksyon. Hindi nababantayan 'yong tinatawag na roadworthiness kahit 'yong mga hindi na dapat narerehistro ay nairerehistro pa rin.
Sumulat po kay Pangulo ang Vehicle Inspection Center Owners Association of the Philippines at umaapela sila sa Pangulo na magbigay ng suhestyon para sa pag-revise sa PMVIC.
Ang kanilang proposal ay una, magkaroon ng passing mark sa emission test na naaayon sa standards ng DOTr at LTO.
Pangalawa, isang MVIS inspection report mula sa accredited PMVIC regardless of the result. Ayon sa grupo, itong pangalawang requirement ay maaring mai-waive ng LTO sa mga lugar na walang accredited na PMVIC.
Bilang tugon, hiniling ng Palasyo sa DOTr at LTO na magpadala ng rekomendasyon tungkol sa apelang ito.
Dr. Manuel Dayrit, Former DOH Secretary:
Alam mo itong surge na ito na sinasabi nila, siguro kailangan nating suriin kung bakit bago natin sabihin mag-ECQ tayo.
Batay sa mga statements ng OCTA Research at sa mga datos na napag-aralan namin, ito 'yong mga conclusions ko ano?
The surge is actually due to a dropping compliance, which can be fixed, and increase in mobility.
Policy-wise, we have to ensure that everybody goes out, strictly speaking, should have minimum public health standards complied with...kasi ayan ang immediate response natin eh... this will stop transmission.
As far as immediate ECQ, I don't wanna say we should do it. Drastic 'yan and alam nating this has economic impact. So we shouldn't just say close everything again.
We've only immunized a little over 2% of our population. Kailangan nating paspasan iyan.
I wouldn't say close it down immediately given the other priorities we have in mind, particularly opening the economy slowly and safely.
So for me, what we need to do is we enforce the minimum health standards.
Dr. Gap Legaspi - Director, UP-PGH:
Tayo po'y nagsara March last year, dahan-dahang binuksan ang hospital nung June, July dahil sa demand of non-COVID patients
We started opening up more beds, not that we have more patients than the worst situation, but we have more patients with less COVID beds available to them because of the demand of non-COVID.
Hindi po overwhelmed, kailangan lang po i-reshuffle ang mga kama at mabalik ang dating kapasidad nang makatanggap ng COVID patients.
Dr. Hermogenes Saludes, Philippine Heart Center:
Isang taon na po akong nanggagamot, gumagawa ng operasyon sa puso, natatakot ako. After isang taon na tuloy-tuloy tayo na naggagamot tayong may takot, nandito na yung vaccine.
Hindi ko rin masisigurado kung may magbibigay sa 'kin maski anong brand pa 'yan. I don't feel I'm in a privileged situation para mamili pa, the protection needs to be here and now.
Kailangan magprotektahan ang mga sarili natin, mga pasyente at mga inuuwian nating pamilya.
Comments