top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

March 18, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • Nagpapasalamat po kami sa naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang petisyon na kumkwestyon sa naging aksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na mag-unilaterally withdraw sa ICC.

  • Itong ruling ng kataas-taasang hukuman ay nakabase sa.... na ang Pangulo ng Pilipinas ang punong arkitekto ng ating panlabas na polisiya.

  • Dahil dito, nanawagan kami sa ICC na wag na mag-aksaya ng panahon sa kanilang imbestigasyon, dahil 'di kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksyon nito.

  • Patunay ito na gumagana ang ating mga prosesong legal lamang at tigilan na ang pangingialam ng ICC sa ating legal affairs.

  • Pero kung mayroon pong nalabag sa Saligang Batas ang presidente, hindi po dapat... ang naging desisyon ng Hukuman.

  • Samantala, ilan po sa mga pag-uusapan mamaya... magkakaroon po ng meeting ang IATF para vaccine prioritization at implementasyon ng StaySafe app at temporary travel ban sa lahat ng foreign nationals.

  • As of March 18, 2021 sa ilalim ng Face Mask Distribution Project, mayroon ng 11,088,639 pieces of cloth face masks ang naipamahagi na sa NCR, Region III, Region IV-A, Region VI at Region XI.

  • Mayroon naman 1.5 million pieces (ng face masks) ang ituturnover sa Cavite sa susunod na linggo at 1 million pieces sa Rizal at isang siyudad sa Metro Manila.

  • 240,297 health workers na ang nabakunahan laban sa COVID-19 as of Tuesday, March 16.

  • Usaping bakuna pa rin, lumabas sa balita na tungkol sa isang health care worker na namatay pagkatapos mabakunahan. Nakikiramay po kami sa kanya at sinabing namatay po ito dahil sa COVID-19.

  • Sapat pa po ba ang ating mga ospital ngayong dumadami ang kaso ng COVID-19? Mukha namang sapat pa sa ngayon.



Dr. Rommel Lobo, National Adverse Events Following Immunization Committee:

  • 'Yung dahilan po ng pagkakasawi n'ya (health care worker) ay dahil sa impeksyon ng virus at siya po ay nagkaroon ng impeksyon, nag-full blown po siya. Naapektuhan po ang kanyang baga. Nagkaroon po ng pneumonia. Nag-tuloy tuloy po at nag-detoriate 'yung kanyang kondisyon.

  • Totally alam po natin na ang lahat ng binabakunahan ay mayroong health declaration. 'Yun pong health declaration ay para mapangalagaan ang kalusugan ng mga babakunahan.

  • Nakita rin po sa kanyang health declaration ay mayroon siyang comorbidities na diabetes, mayroon po siyang hypertension and at the same time mayroon po siyang bronchial asthma na controlled din po at may maintenance.

  • Wala pong mga bagay na magsasabi ng safety signal na hindi po siya (health worker) dapat bakunahan kaya lang po, after a day nagkaroon siya ng cough, nagkaroon ng lagnat, rashes at grumabe ang sintomas niya. Nag-consult sa emergency at nag-advise na ako magpa-admit ngunit nag-insist na mag-home quarantine po siya. Pero ang sintomas ay nagpopoint na sa COVID.

  • Wala pong kinalaman (ang bakuna) sa kanyang pagkakasawi o paglala sa kanyang kondisyon.

  • Ngayon kasi meron tayong upsurge ng COVID incidence. Di natin masasabi it came too late, pag binakunahan tayo it will take usually 3 weeks before we develop a primary immune response.

  • 'Di pa po sapat 'yun, kaya meron tayong 2nd dose para maboost ang una nating protection. Habang tumatagal, tumaas ang ating protection. May nagagawa tayong memory sa binakuna sa'tin para pag na-expose tayo sa true virus, mas maganda ang panglaban natin.



Dr. Leopoldo Vega, Treatment Czar:

  • Alam n'yo for the past several weeks ay tinitignan po namin ang uptake or increasing trends sa number of positive cases natin dito sa buong bansa atsaka sa Metro Manila.

  • Pero nakakabahala po sa Metro Manila kasi 'yung 47% ng mga new cases ay galing dito.

  • Napapansin din namin na nag-iincrease ang utilization ng COVID isolation beds at COVID wards pati na rin 'yung ICU.

  • Nag-improve na po ngayon ang bed capacity (ng hospitals), nagkaroon ng good experience ang health workers on how to treat moderate and severe COVID cases.



Dr. Edsel Salvana, DOH Technical Advisory Group:

  • 'Yung nangyari po do'n sa Europe, sa AstraZeneca na nagkaroon ng report ng blood clot at may isa pong namatay... bagama't sa ngayon ang sabi ng European Medicines Agency na from their investigations, mukhang wala namang pong related.

  • Bagama't 'yung mga country na naka-receive ng same batch nung Astra Vaccine na 'yun ay nag-pause rin para ma-review 'yun.

  • Samantala, sinabi naman po ng WHO na ituloy lang po 'yung pagbakuna dahil delikado po kapag nagka-COVID 'yung tao.

  • For now, wala namang abiso na mag-stop po tayo dito sa Pilipinas. Tuloy-tuloy po 'yung paggamit ng Astra (vaccine) dito.

5 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page