March 19, 2021
Moderated by Sec. Harry Roque:
Pansamantalang sinusupinde ang operasyon ng driving schools, traditional cinemas, video arcades, libraries, archives, museums, limited social events na nasa mga lugar na naka-GCQ hanggang Abril 4.
Kasama rin dito ang mga accredited establishments ng DOT at limited tourist attractions maliban sa open-air tourist attractions.
Pangalawa, ang meetings, incentives, conferences at exhibitions events ay limitado sa essential business gatherings at 30% venue capacity.
Pangtalo, ang mga religous gatherings ay kailangang mag-observe ng maximum of 30% ng venue capacity na walang pagtutol mula sa LGU.
Bibigyan din ng discretion ang mga LGU na taasan ang venue capacity basta hindi lalagpas ng 50% base sa kondisyon sa kanilang mga lugar.
Pang-apat, binabawasan ang venue capacity ng mga dine-in restaurants, cafes, personal care services sa 50% capacity.
Pang-lima, hinihikayat ang mga ahensya ng mga pambansang pamahalaan na iwasan muna ang mga non-criticial activities kung saan magkakaroon ng mga mass gatherings.
Sinusupinde rin ang mga sabong at operasyon ng mga sabungan kabilang ang mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.
Antabayanan lang po ang ilalabas na operational guidelines ng ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa aking mga nabanggit.
Kahapon din po sa pulong ng IATF ay inaprubahan din ang mga rekomendasyon ng National Task Force Against COVID-19 Task Group Recovery Cluster on the Priority Group A4 of the National COVID-19 Vaccine Deployment Plan base sa necessity ng mga serbisyong ibinibigay sa publiko at sa level of exposure.
Ang mga kasama sa A4 group na ito ay mga frontline personnel in essential sectors kabilang ang mga uniformed personnel at maging ang mga working sectors ng IATF.
Niratipikahan din po ang rekomandasyon ng IATF Technical Working Group kasama dito ang Memorandum Circular No. 5 na inisyu ng NTF against COVID-19 na kung inyong matatandaan ay aking inanunsyo noong Miyerkules. Ito ay inadpt with modifications.
Unang-una, lahat ng Filipino citizens whether Overseas Filipino o Overseas Filipino Workers ay pinapayagang makabalik ng Pilipinas.
Sa ibang bagay naman po, nasa kamay pa rin ng lokal na pamahalan ang otoridad mag-impose ng higher limits for age-based restrictions depende sa sitwasyon ng COVID-19 sa lugar nila.
Sec. Carlito Galvez Jr., Vaccine Czar:
Doon po sa nagsabi na isang senador na more than 126 billion ang inutang natin para sa vaccine, gusto lang po natin itama na ang naka-allocate lang para sa bakuna ay nasa 1.3 billion.
Sa ngayon po ang ating mode of payments, kapag natatapos na 'yong nasa supply agreement, mayroon po do'n na mode of payments.
Magkakaroon tayo ng order for April na 3 million. Gumawa na ako ng request sa DOH para mag-prepare ng 1.5 billion para sa 3 million doses ng Sputnik V.
Mag-ooder din po tayo ng additional 2 million for April din doon po sa Sinovac.
Sec. Mark Villar - Isolation Czar And Secretary, DPWH:
By next month, ang target natin ay magkaroon tayo ng 720 facilities, with 26,099 beds.
So tataas talaga ang capacity natin
Sa NCR medyo mataas lang ang usage ng quarantine facilities natin at 50% pero sa ibang lugar, 'di gano kataas. Ang national average natin is about 16%.
So, tuloy-tuloy ang pagtatayo namin ng mga quarantine infrastructures.
I also like to report na malapit na po 'yong mga online pop-up hospitals natin for severe cases of COVID.
Sec. Vince Dizon, Testing Czar:
Noong Pebrero 2020, isa pa lang ang ating laboratoryo pero ngayon naman ay mayroon na tayong 229 labs.
Kung naalala po natin, umaabot po ng 2 linggo o tatlong linggo ang paglabas ng resulta e ngayon po minsan wala pang 1 araw o wala pang 12 oras ay lumalabas na.
Noong April 2020, nakakagawa lang po tayo ng 3,000 test kada araw at ngayon naman ay mahigit 50,000 na ang ating tinetest ngayong Marso.
Napakalaki ng ating nagawa, pero di po tayo hihinto. Pinapabilis pa po natin yan, gumagamit tayo ng bagong teknolohiya tulad ng saliva RT-PCR tests ng Philippine Red Cross.
Usec. Dr. Leopoldo Vega - Treatment Czar / DOH:
Ang situation natin ngayon, tumataas ang cases natin ng COVID. Nakakalungkot dito, 53% of active cases nasa NCR.
Dahil sa pagtaas ng new cases natin, tumataas din ang usage ng isolation beds and COVID wards sa Metro Manila. Meron tayo 7,000+ na COVID-dedicated beds, 54% nito ay generally nagamit na.
Last year, mga April ang allocated beds lang ng private hospitals for COVID ay 11%. This year, tumatama na tayo sa 20%.
We are much more prepared, we have improved our (healthcare) capacity, we are ready whatever happens with this ongoing COVID crisis.
Commentaires