top of page
Writer's pictureDWWW 774 Admin 05

MALACAÑAN PUBLIC BRIEFING HIGHLIGHTS

March 29, 2021




Moderated by Sec. Harry Roque:

  • May isang magandang balita po. Mamayang hapon ay parating na po ang 1 milyong bakuna mula sa China na binili ng pamahalaan.

  • Kasama ito sa ating expanded vaccination program na tulad na aking inanunsyo, simultaneous na po ang pababakuna.

  • Kasabay ng priority group A1 (health care workers) ay pinapayagan na ang priority group A2 (senior citizens) at priority group A3 (population with controlled comorbidities)

  • As of March 27, 6pm po ay mayroon na tayong 656,331 na medical frontliners na ang nabakunahan sa 2,494 vaccination sites.

  • Hindi po ititigil ang pagbabakuna kahit po tayo ay naka-ECQ.

  • Ito ang unang araw ng ECQ sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal kaya magbayanihan po tayo at ipagpapatuloy ng ECQ ang naunang NCR Plus Bubble noong nakaraang linggo.

  • Kailangan po ang kooperasyon ng lahat para pagkatapos ng 7 araw ay makamit natin ang pagbaba ng mga aktibong kaso dala ng COVID-19 surge.

  • Bumalik na sa normal ang ating health care capacity na ngayon ay nasa critical level, ayan po ang 2nd objective natin.

  • Ang 3rd objective po natin ay mailigtas ang buhay ng marami at ito po ang ating direksyon.

  • Kasabay po natin ng ECQ, palalakasin po natin ang prevention, detection, isolation and treatment.

  • Bagama't sa buong daigdig po ay problema talaga itong pagdami ng kaso, nanatili pa rin po tayo na no. 30 pagdating po sa total cases ng COVID sa buong mundo.

  • Nanatili pa rin po sa 1.8% ang case fatality rate natin.

  • Inilabas na rin po ng IATF ang Omnibus Guidelines on Implementing ECQ in the Philippines.

  • Una, kailangan po sundin ang minimum health standards sa lahat ng pampublikong lugar sa lahat ng oras.

  • Pangalawa, kailangang i-obserba ang istriktong quarantine sa lahat ng pamamahay at ang galaw ng lahat na residente ay limitado lamang sa pagkuha ng mga essential goods, pagpunta sa mga pinapayagang opisina o establisyimento.

  • Manatiling homeliners ang karamihan sa atin. Stay at home po.

  • Pangatlo po, below 18 y/o, over 65 y/o, those with immunodeficiency, comorbidity kasama ang mga buntis ay kinakailangang manatili sa bahay sa lahat ng oras liban na lang kung kukuha ng essential services o magtatrabaho sa mga pinapayagang opisina.

  • Mayroon din pong unified curfew hours sa mga lugar na nasa ECQ pero hindi po dito ang mga manggagawa, cargo vehicles at mga pampublikong transportasyong.

  • Pinapayagan ang pag-eehersisyo mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga within the vicinity of your residences at mga barangay.

  • Kung dati po ang tawag natin diyan ay operational capacity ngayon full on-site capacity.

  • Mapapansin n'yo po na dinamihan po natin ang mga industriya na papayagang naka full on-site capacity.

  • 'Yong mga industriya na dating nasa 50% tulad ng nasa medicine at vitamin production, medicine supplies, devices and equipment, public market, supermarkets, grocery stores, convenience stores, food prepartion establishments tulad ng take-out at delivery at sa mga manggagawa sa utility at relocation works ay ngayon ay nasa full on-site capacity na po.

  • Dati mayroon ding mga industriya ang naka-skeleton tulad ng BPO, ngayon ay kasmaa na rin sa full on-site capacity.

  • Full on-site capacity:

1. Public and private hospitals

2. Health, emergency and frontline services

3. Manufacturers of medicines and vitamins, medical supplies, devices and

equipment

4. Industries involved in agriculture, forestry, and fishery

5. Logistics service providers.

6. Essential and priority constuction projects public or private

7. Manufacturing related to food and other essential goods

8. Companies that manufacture and/or supply equipment/products necessary to perform construction/maintenance works

9. Essential retail trade and service establishments

10. Food preparation establishments

11. Public and private financial service providers involved in the distribution of government grants and amelioration subsidies

12. BPOs and export-oriented businesses.

  • Ito naman po ang mga trabaho na nasa maximum of 50% on-site capacity: media establishments and their total permanent staff complement, inclusive of reporters and other field employees.

  • Samantala, ito naman po ang mga nasa on-site skeleton workforce: tama po kayo funeral and embalming services, dental, rehabilitation, optometry and other medical clinics; airline and aircraft maintenance, pilots and crew and employees of aviation school; veterinary clinics; banks, money transfer services; 'yong mga religous workers po; capital markets, security personnel licensed by PNP, water supply and sanitation services and facilities; printing establishments authorized by BIR, energy and power companies; establishments engaged in repair ang maintenance of machinery and equipment, telecommunication companies; and real estate activities limited to leasing only.

  • Sa mga government workers naman po, kasama na ang GOCCs, LGUs sa skeleton workforce.

  • Hindi po pwede at nilinaw na po 'yan. Wala pong stayction sa mga lugar na nasa ECQ ngayong Semana Santa.

  • Tanging hotels o accomodation establishments na may valid DOT Accreditation ang pinapayagang na mag-accommodate ng guest at mga kliyente sa mga legitimate purposes sa ilalim ng state of public health emergency.

  • Lahat ng pagtitipon o gatherings ay ipinagbabawal.

  • Ang mga pagtitipon na pinapayagan lang at subject to minimum health standards ay may kinalaman lamang sa pagbibigay ng health services, government services o humanitarian activities.

  • 'Yong activity po mamayang hapon na pagsalubong sa mga bakuna ng Sinovac ay limitado lamang sa lima. Lima lang po silang susundo sa bakuna.

  • Suspendido rin po lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas.

  • Ito lang po ang mga papayagang ID: IATF IDs ngunit huwag mag-alala sa mga nakalagay na expiration date d'yan dahil naglabas po ng resolusyon ang IATF na wala na pong expiration 'yan. They are good and valid hanggang matapos ang declaration ng national health emergency; IBP ID para sa mga abogado; bona fide IDs at mga required ng LGU, local ids para sa pagbili ng essential goods and services.

  • Tuloy po ang paggalawa ng mga cargo/delivery vehicles maging ang mga sasakyan na gamit ng mga public utility companies

  • Pagdating naman po sa mga shuttle services ng mga pinapayagang establishments ay hindi na subject sa ID system.

  • Pinapayagan pong lumipad ang mga eroplano ngunit ito po ay mga international flights lamang at limitado lang sa 1,500 passengers kada araw .

  • Tanging APORs lang po ang pinapayagang sumakay sa mga domestic flights.

  • Ang mga barko po ay pinapayagan lang sa 50% capacity.

  • Kailangang essential travel lang po ang pwede.



Sec. Wendel Avisado, DBM:

  • Sa awa naman po ng Diyos ay mayroon naman po tayo pagkukunan para sa special amelioration assistance na ibibigay natin sa mga naapektuhan nitong ECQ.

  • Ang mga detalye nito ay hindi ko pa po maisisiwalat dahil nasa kamay pa po ito ng Office of the President.

  • Kasalukuyan din po itong nirereview ng Office of the Executive Secretary, but hopefully within the day ay magkakaroon po ng anunsyo tungkol dito.

  • Ang cash aid, ito po ay para sa NCR, lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan, Laguna. Pangkalahatan po ang ikinikonsidera natin base sa datos ng DSWD at NEDA.

  • Ang sinisiguro po natin ay may inihahanda ang national government na tulong sa mga nasa NCR Plus Bubble.



Jojo Garcia - General Manager, MMDA:

  • Of course essential po ang pag-eexercise pero sana po ineengganyo ang mga kababayan natin na mag-ehersisyo.

  • Baka pwedeng doon na lang po sa tapat ng bahay nila.

  • Huwag na po lalabas o tatawid ng ibang lugar.

  • Doon lang po tayo sa community.

  • 'Yong exercise naman po ay good for 1 hour 'yan kaya ibinibigay po natin na oras ay from 6am hanggang 9am.

  • Still we encouraged everyone to stay at home.

  • Only one person per household will be allowed to go out to buy essential goods. They are encouraged to limit their movement within their city.



Dr. Alethea De Guzman - Chief Epidemiologist, DOH:

  • Gusto nating iparating na ang ating mga kaso ay patuloy na tumataas at ito ay mas mabilis na pagtaas kumpara sa dati.

  • Ikalawa po ay nakikita natin na nagpupuno na po natin ang ating mga ospital lalo na ang mga ICU.

  • 'Yong ikatlo po na gusto namin ipaabot na ang ECQ ay hindi ipinatupad para marestrict lamang ang ating mobility, ito po ay dapat samahan natin na pag-adhere sa minimum health standars.

  • In the national level, 100 COVID cases can infect 140 additional individuals. But in Metro Manila alone, 100 cases can infect 149 additional individuals.

  • Gusto rin po natin ipakita na hindi po tayo naging pabaya, mayroon na po naman nagawa ang ating mga LGUs.

4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page